Epilogue

24 0 0
                                    

Epilogue

*Edited.                     04NOV2016

Listen: She's Not Me by Zara Larsson

"You're breaking me right now,
remember I am not her."


“Let’s break up.”

I looked at her intently as her eyes started welling up with tears.

I looked away feeling guilty.

I may not love her but she was my friend.

I felt like a jerk doing this to her.

“What?” she whispered

“I’m sorry…” ilang araw nalang magsisimula na ang second sem pero ito pa ang pinambungad ko sa kanya.

“Okay.” Napatingin ako sa kanya

“Okay?” nagulat ako sa sinabi niya. Anong okay? Okay na break na kami ganun?

“Alam ko naman na hindi mo talaga ako mahal. Ramdam ko yun.” Napayuko ako.

“I’m sorry.” Ulit ko.

“I don’t want you to leave me. kahit friends lang Miguel ibalik natin yun..”

Nagsindi ako ng yosi ng makaalis na siya.
Nakakatawa lang na ang mga bagay na pinaka ayaw ko noon ay ang bagay na nakapagpapakalma sa akin.

Nakakatawa lang na ang mga bagay na pinaka ayaw ko noon ay ang bagay na nakapagpapakalma sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang gabi nung nagiinuman kami ng mga pinsan ko, tinabihan ko si Daniel at nakiyosi na rin.

He said it helps calm him down and when I tried it, it's true.

It's a vice I picked up when everything was a mess. It still is.

______________

“Congrats bro! At last!”

“Yeah.” Tinaas ko ang baso ko at nakipagcheers.

“For our Summa Cum Laude!”

“Cheers!”

Ginala ko ang paningin ko. I can’t see her, bukod sa mga ka-block mate ko na sumasayaw sa dance floor at mga pinsan ko na umiinom wala pa rin siya.

“Master! Sayaw naman diyan oh!”

“May hininhintay pa ako.”

She should be here by now, 12 pm na rin kaya sigurado akong tapos na ang celebration nito sa bahay nila.

Maya maya lang nakita ko na siyang papalapit na may kasamang babae.

“What took you so long?” halos sumigaw na ako sa lakas ng music.

“Sorry!” sabi niya sabay halik sa pisngi ko “Inantay ko pa kasi si Mary.” Dun ko lang narealize na si Mary pala yung kasama niya.

“Mary, I thought you can’t come?” umupo naman sila sa tabi ko.

“Hehe. Kinulit ko, sabi ko matanda na ako para mag bar. Yun.” Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pag-inom.

Nasanay na rin ako sa alak, sa dalas ko ba namang uminom hindi pa ako masasanay?

“Yun bro! So ikaw pala?” tanong ni Daniel.

Oo nga pala hindi pa sila nagkikita ng mga pinsan ko.

“Ang alin?” naguguluhang tanong naman niya matapos sabihin ang order nila ni Mary sa waiter.

“Girlfriend nitong pinsan namin.” Segunda ni Michael

“Ahhh—“

“Kate and Mary, why don’t you dance first?” I said while glaring at my cousins.

“Ahh…Okay.”

Nang makaalis na silang dalawa nagsalin ulit ako ng alak sa baso bago nagsalita.

“She’s not my girlfriend.” Inisang lagok ko lang yung alak at nagsalin ulit. “But I might consider it.”

“I thought you two broke up three years ago? Lolokohin mo na naman ba bro?” seryosong tanong ni Gabriel.

Akala ko noon ako ang pinaka rational sa aming magpipinsan, pero hindi pala. Tinalo na ako ni Gab doon.

I didn’t answer.

“Migs, Kate is a nice girl. Bestfriend mo pa kaya ayusin mo.” I look at Mike and smirk.

“Oo na. Joke lang naman.” Sabi ko at humalakhak.

“Haha.Kelan pa kayo naging good boy?” tanong ko pa.

“Ayos Mike makapayo wagas! Sabihin mo muna kay Anne at May na dalawa sila!”

“Fuck you Dan! Tatlo na sila!”

Binatukan naman siya ni Gab na tinawanan lang namin.

“I know where Dana Carlos is.” Natigilan ako at napatingin sa nagsalita.

Maging ang mga pinsan ko ay natigil din sa pagtawa at tumingin sa likod ko.

Dana…

Narinig ko na naman ang pangalang yan.

She never came back.

Hell I didn’t even know that she left!

Nalaman ko na lang nung enrolment, wala siya sa listahan.

“She’s in New York now.” I gave her my bored look.

“So?” Mukhang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko “You here for the party?” tumango lang siya at ngumiti.

“Nothing. Just informing you, anyway bye Miguel.”

“Yeah. Bye Megan.”

“So? You going?” tanong nila pag-alis ni Megan

“No.”

“Bakit? Akala ko ba--?”

“I’m tired Mike.”

______________

The song is perfect for Kate, right?

The Making of Us [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon