14\\Captured

54 3 0
                                    

14\\Captured
*Added. 29OCT2016

Listen: Survive by Madilyn Bailey

"I heard something breaking,
Then I realized, it's my walls against you."


"Dana!"
Pagkatapak na pagkatapak ko sa quadrangle nakita, ko na agad si Lorraine na may malaking ngisi.
Napatingin naman ako sa mga dumadaan na napapatingin sa kanya at sa akin. Ang ingay talaga ng isang to.
"Umagang umaga ang hyper mo na naman. Bakit ba?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Napakunot ang noo ko at tinignan din ang sarili.
Nakasuot ako ng faded jeans and white fitted shirt. Siya naman ang tinignan ko. Nakasuot siya ng dress.
Wash day kasi ngayon kaya naman kahit anong isuot pwede.
"Bakit parang bihis na bihis ka yata?" Hindi naman kasi siya mahilig mag dress, kung magdedress man siya ay tuwing may pupuntahan lang after class.
"Hmp. Ikaw nga eh kahit anong suot mo parang laging rarampa."
Rarampa? Eh naka jeans at shirt lang naman ako.
"Anyway, naisip ko kasing magmall after class at sasamahan mo ko. Feeling ko naman kasi pasado lahat subjects ko, kaya gusto kong magcelebrate." Paliwanag niya habang naglalakad na kami papuntang classroom.
Pumayag nalang ako sa gusto niyang gawin tutal naman wala na akong gagawin after class.

Wala masyadong pinapagawa ang mga prof dahil karamihan sa kanila either tinatamad na naman o kaya ay tapos ng magpa-finals.
Sa apat na klase namin ngayon dalawa lang ang pumunta, isa ay nagpaexam at ang isa naman ay nagpapagawa ng project.
"Nakakainis naman!"
"Magpapagawa ng project kung kailan isang linggo at mahigit nalang ang klase."
Marami ang nagreklamo pagkaalis ng prof namin.
Ano ba naman kasing naiisipan ng prof na yun. Biglaan magpaproject. Handwritten pa.
Hanggang maguwian hindi pa rin sila tapos sa pagrereklamo, kahit ako din naman ayaw na ng dagdag na trabaho.
"Hay nako! Muntik pang masira ang lakad natin ngayon. Tara na nga at ako naman ang manlilibre. Gusto kong kumain ng marami!"
1pm na ng matapos ang klase kaya naman hindi pa kami nakakapaglunch. Sa mall nalang daw.
Naghanap na kami ng makakainan nang mapadpad kami sa isang italian resto. Kung ano ano ang inorder niya kaya naman sa sobrang dami ay pinigilan ko na siya.
"Lorraine ang dami na, tama na yan."
"Ha!? Pero wala pang pizza!"
Napairap nalang ako. Bahala na nga siya.
"Hoy! Ikaw ang cheesy niyo ni Miguel ha. Ano na bang balita?" Usisa niya habang kumakain kami.

"Wala."
Wala, dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. We dated once, yes.
"Wala daw, lokohin mo lelang mo. Alam kong nagdate kayo nung saturday."
Agad naman akong napalingon sa kanya. Malaki ang ngisi niya at may hawak hawak pang shrimp.
"Pano mo nalaman?"
"Hello, nagpost kaya siya sa Instagram."
What!?
"Hindi naman kita ang mukha mo, likod lang. Nagformal dinner pa kayo ha."
Tinukso niya lang ako ng tinukso habang nayayanig pa rin ako sa nalaman.
mabuti nalang at wala akong instagram, kung hindi baka malaman pa ito ni Jayden at mga kaibigan niya.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain may bigla na lang umakbay sa akin at humalik sa pisngi ko.
Sa gulat ko ay halos mahulog ang kutsilyong ginagamit kong panghiwa sa karne.
"Hey Dan, ngayon ka pa lang naglulunch?" Umupo si Jayden sa tabi ko at hinawakan ang bewang ko.
Agad akong napatingin kay Lorraine, nakita ko siyang nakatitig kay Jayden at sa braso nitong nasa bewang ko. Alam kong hindi niya kita ang kamay nito sa bewang ko pero, sa porma at upo palang nito alam na agad kung anong meron.

"2pm na, sobrang late naman yata niyan?" Tanong niyang nagpabalik ng tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang paper bags na dala niya.
"Ah, kakatapos lang kasi ng klase namin." Tumango lang siya at nagtawag ng waiter. Umorder lang siya ng pasta.
"Kinuha ko lang yung pinareserve ni Mommy." Patungkol niya sa dalang bags. Bumaling siya kay Lorraine at ngumiti.
"Hi! I'm Jayden, you must be Lorraine Dan's friend." Naglahad ito ng kamay ngunit hindi ito tinanggap ni Lorraine. Minsan ko ng nabanggit si Lor sa kanya.
Kita ko naman ang pagkailang ni Jayden kaya naman nagsalita na ako.
"Sorry Dee, ngayon ka pa lang kasi niya nakita. Lorraine, this is Jayden... um... my boyfriend."
"Boyfriend. Okay." tumingin siya sa akin ng masama at ngumiti na kay Jayden. "Nice to meet you."
If I only knew that this day would turn out like this hindi na sana ako sumama kay Lorraine.
Tahimik lang si Lorraine hanggang matapos kumain, si Jayden lang ang nagsasalita, kaya naman nagulat ako ng magsalita siya.
"Ilang taon na pala kayo?"
"Almost two years na rin." Hinapit pa niya ang bewang ko at hinalikan ang noo ko.
Kinakabahang tumingin ako kay Lorraine.
"Dan, may gagawin pa ba kayo after this? Sasabay ko na kayo pauwi."
Agad naman tumanggi si Lorraine at sinabing magsho-shopping pa kami.
"Okay then, mauna na ako. I need to give this to Mom, text me when your home."
Tinawag na niya ang waiter at kinuha ang bill. Tatanggi pa sana si Lorraine pero makulit si Jayden.
"Lugi ka, ang dami ko pa namang inorder." Pinamulahan pa siya ng pisngi. Mukhang hindi niya din kinaya ang charms ni Jayden kaya naman kahit galit siya ay hindi niya ito masungitan.
"It's fine and besides you're Dana's friend. I can't let you two pay."

Sabay sabay na kami lumabas ng resto.
"Bye Dan, ingat kayo sa pag uwi." Hinalikan pa niya ako sa labi na siyang ikinagulat ko. He's not into PDA kaya naman nagulat talaga ako sa ginawa niya.
Tumawa lang siya at kinurot ang ilong ko.
"Cute mo talaga."
Nagpaalam na siya kay Lorraine at tuluyan na ngang umalis.
I don't know if I should be thankful now that Jayden's gone or not.
Dahil wala ng makakapigil pa kay Lorraine sa pagtatanong.
I don't even know what to tell her.
With what's happening with Miguel, I know what Lorraine thinks of me.

"May boyfriend ka na pala." She stated at tinalikuran na ako. Nagsimula na siyang maglakad patungo sa isang boutique.
Sumunod naman ako sa kanya at nag kunwaring interesado sa mga damit na naroon.
"He's Jay Denero Villena." I don't have to explain myself to anyone and I know that Lorraine doesn't have to hear this, but for once, I had the urge to tell her my story. And the next thing I know, kinikwento ko na sa kanya ang tungkol kay Jayden.

"School mate kami noon high school. He started courting me third year high school. Hindi ko siya pinapansin, but he's the only guy who dared to know me. I have no friends back then, I push them all away and he's the only one who dared to talk to me and pester me. Nakakainis siya, ang kulit kulit niya so I told him to stop, and he did. After courting me for a year, he stopped when I told him to.

"He never talked to me then. Never look my way, it's like he never knew me. And I'm alone again. I'd be lying if I told you I didn't miss him. Hinahanap hanap ko yung pangungulit niya, yung pagtitext niya palagi, yung pagkanta niya tuwing sinasagot ko ang tawag niya, yung mga boxed lunches na binibigay niya sa akin na akala niya tinatapon ko pero hindi niya alam kinakain ko yun kapag uwian na kahit malamig na, yung presence niya. Lahat. Kaya lang huli na ang lahat. He graduated and studied in Manila.

"January, fourth year high school. Malapit na ang graduation. After ignoring me for almost a year he comes around. Isang araw hinila niya ko patungong garden at niyakap ako. Sinabi niya nasa hindi niya na kaya. Hindi niya na kayang magtiis, magpanggap na wala lang ako sa kanya. And that time I know na hindi ko na rin kayang lokohin ang sarili ko. Kaya naman pumayag akong ligawan niya.

"After graduation naging kami na. He's close to my parents, pati si Rey na kapatid ko pinagkakatiwalaan siya. He's very good to me at mahal niya ako. We've been happy since then, until last year..."

Lorraine's been very attentive while I talk, nasa isang coffee shop na rin kami and my last sentence really got her.

"Last year he went abroad for his OJT, the first few months went well but later the calls got shorter, the texts got fewer and we barely knew what's happening between us. I content myself with that, dahil alam ko na darating kami sa puntong magsasawa na siya sa kakaintindi sa akin. Kaya naman hindi ko na siya kinulit pa, hinayaan ko na siyang enjoyin ang buhay sa states. Nakuntento nalang ako sa pakikibalita sa mga kaibigan niya at sa pagbisita sa facebook niya.

"He seems so happy kaya naman tinanggap ko na. Naisip ko na hindi ko naman siya ganun kamahal, I'm not that invested at isa pa the walls around my heart is still there. My view of love is tainted kaya naman I never let myself fall.

"Nung umuwi siya this year nalaman ko na nagkagirlfriend siya habang kami pa. I broke up with him because it's the right thing to do. I can't keep on tagging him along. Pero hindi siya pumayag, he did everything to take me back. And I know his serious, he really did love me. So much that he needs to distract himself with other girls or he will book a flight back and ruin his future. He's got a lot of potential, you see kaya naman kapag umuwi siya madidisappoint lahat.

"The night he went to our house and beg me... I took him back."

"And now with Miguel in the picture mas lalo lang akong nagulo. All I know is that what I have with him... I don't want it to end."

All this time I was avoiding her eyes kaya naman ng matapos akong magsalita at hindi pa rin siya nagrereact, tumingin na ako sa kanya.

I can't exactly read her.

"So what are you gonna do now, string the both of them along?"
Hindi ako makasagot.
"Kasi sa mga narinig ko sayo, pareho silang mahalaga.. at kung ipagpapatuloy mo ang lahat ng ito. Pareho silang mawawala."

I know Lorraine.
I know.

The Making of Us [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon