7\\First Exchange

64 2 0
                                    

7\\First Exchange

*Edited.                     09AUG2016

"The moment the hand touches, is the moment the sparks fly."

 Araw araw sa classroom nakikita ko siya. Mayroon na rin ako ng number niya pero hindi ako ang gumawa ng first move. Hindi ako ganon.

Dahil siya ang class president mayroon siyang listahan ng phone numbers at address ng bawat isa.

Nung unang beses na mag text siya para sa announcement sa isang subject nagtaka pa ako kung sino yun at dahil mataray ako at hindi ko kilala yung sender binura ko at pinagsawalang bahala.

Hanggang sa nalaman ko na lamang na siya pala yun dahil pinag-usapan iyon nila Lorraine kinaumagahan.

Another announcement and a text from him. I know I got his number now but I still deleted it. Wala akong makitang rason para i-save ang number ng taong kina-iinisan ko.

Umabot ng pangatlong beses tsaka ko lamang sinave.

Kung nakakita ba ako ng dahilan para i-save o talagang gusto ko magkaroon ng number niya, hindi ko na alam.

Araw araw man kaming nagkikita pero hindi kami nag-uusap at lalong hindi ko siya kinakausap kahit pa may meetings na nagaganap dahil nga sa mga events na sinalihan ng section namin.

Hanggang sa isang araw….

________________

“Bye Dana! Ingat!” Lorraine said at tumakbo na nga paalis.

I can’t deny the fact that Lorraine is growing on me, I mean siya lamang kasi ang nakakatagal sa ugali ko. I hate attachments and commitments to the core, natutunan ko iyan mula sa bahay. Less involvement, less pain. But Lorraine is a pest hindi ka niya titigalan hangga’t gusto niya and I hate it at the same time I kinda like it.

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Pagkaupo ko sinabihan ko agad ang driver na umalis na. I prefer riding alone kasi masikip kadalasan pa yung mga nakakasabay ko eh naninigarilyo o kaya’y amoy sigarilyo. Kung pwede ko lang silang sipain palabas ginawa ko na.

Nung paalis na ang tricycle na sinasakyan ko napatingin ako doon sa bata na nakasakay na rin sa isa pang tricycle na sumunod sa sinakyan ko.

It’s not in my nature to stare at someone pero mayroon kasing weird na ginagawa yung bata (or binata na hindi lamang halata) pinapalaki niya yung butas ng ilong niya habang nakatingin sa akin. At dahil sa pandidiri napa-simangot ako at inirapan yung bata na ikina-offend niya.

Nakita ko pang kina-usap niya yung tropa niya, nagsumbong pa ata ang batang gusgusin but I don’t care.

Tuluyan ng nakalayo ang sinasakyan ko hanggang sa bumaba na nga ako at naglakad papuntang terminal ng jeep.

“Ayun! Siya yun!”

Kasalukuyan akong naglalakad sa isang iskinita ng may humawak sa balikat ko.

Marahas kong hinawi ang kamay na iyon at hinarap ang lalaki – no scratch that – yung tropa ni batang gusgusin kanina.

Tinaasan ko sila ng kilay.

“Aba suplada nga si ganda.” Komento ng lalaking humawak sa balikat ko.

“Problema niyo?” I gave them a bored look.

Isa, dalawa, tatlo. Apat sila apat na mga gusgusin. Kahit yung batang gusgusin kanina lang yung mukhang ewan sa kanila para sa akin mga dugyot parin silang tignan. Tsk! Naninigarilyo pa iyong isa.

The Making of Us [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon