20\\ First Revelation

46 2 0
                                    

20\\First Revelation

*Edited.                     02NOV2016

"What? Don't look at me like that,
I'm not even starting."


Competition is coming and I’m more than prepared. Today is Saturday, 2 days to go competition na.

 Lumabas muna ako saglit sa classroom dahil wala rin naman kaming prof. Naisipan kong magpahangin at iniwan si Lorraine na nakikipagdaldalan tungkol sa kina-aadikan niyang koreanovela.  Dumaan ako sa fire exit na katabi lamang ng room namin at bumaba na.

Shortcut ito papuntang garden. Dun nalang ako tatambay pero bago pa ako makarating sa garden may narinig ako.

“Y-yes mommy nandito siya…. Hindi ko rin po alam eh….. No, I think hindi niya ako natatandaan….we’re classmates…” sumilip ako at nakita ko si Kate.

Ano namang ginagawa nito rito? Hah, so this is their meeting place? Napaismid na lamang ako.

Itutuloy ko na sana ang pagpunta sa garden ng may binanggit siyang hindi dapat.

“Dana Rae Carlos. Anak ni tito Reynaldo.”

T-tito?

Nang matapos ang klase wala akong inaksayang oras, agad akong pumasok sa kwarto ko. Nagpunta agad ako sa maliit na storage room ng kwarto ko kung saan nakalagay ang lahat ng bagay na dapat ay basura na pero hindi ko magawang itapon.

Sa pinakasulok nito nilabas ko ang kulay pulang box, may kalakihan ito ngunit alam kong isa lamang ang laman nito.

With shaky hands binuksan ko ito at inilabas ang laman, isang sulat na kailanman hindi pa nababasa.

I took a deep breath at lumabas na don kasama ang sulat.

‘To: Reynaldo Carlos

From:  Karina delos Reyes’

Agad kong binuksan ang sulat.

Ang sulat galing sa kabit ni Daddy, I took it years ago and hid it from my Dad. Eto yung araw makalipas naming malaman ang tungkol sa kanila, pina-iwas ni mommy si daddy sa babaeng yon at dahil na rin sa takot na hiwalayan siya ni mommy sinunod niya ito.

My dad is a very confused man.

That pathetic excuse of a woman really had some nerve to send my dad a letter. Desperada, sobra.

That time I wanted her dead, even now I still do.

Ang kapal ng mukha niya. Hindi man lamang siya natakot na mabasa ng Mom ko ang sulat. Kating kati na siguro siya sa atensyon ng ama ko nang mga panahon na iyon.

Gusto kong sumuka sa mga nabasa ko.

She loves my dad huh? Can’t live without him? Ang pathetic! Hindi ako makapaniwalang may gantong klase ng babae.

Sa kalagitnaan ng sulat may isa pang pangalan ang nakita ko.

‘Kat’s been missing you. She cried everynight looking for his dad. And I’m very thankful dahil tinuring mo siyang parang tunay mong anak…’

Hindi ko na tinapos ang sulat yun lamang ang kailangan kong malaman.

I turned my laptop on and log in on facebook.

‘Katelyn delos Reyes’ I typed.

Pumunta ako sa photos niya at tumambad sa akin ang litrato niya kasama ang mama niya.

Kahit ilan taon man ang lumipas, kinalimutan ko man ang mukha ng dalawang babaeng iyon hindi ako maaaring magkamali.

Sila yon.
It took me this long but seeing her mother made my memory of that day clearer. I thought I could bury it within me. I thought that I would never see them again but who would thought that the girl I hate is the same girl I hated before.
Like mother, like daughter.

The Making of Us [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon