9\\First Picture

64 2 0
                                    

9\\First Picture

*Edited.                     12SEPT2016

"So I  took a picture of us,
That way I can keep you."

Sabado na at mamayang hapon na rin ang Party.

From Lorraine,

‘Dana! Em so excited to see you na. Kagabi ko pa iniimagine yung magiging itsura mo sa dress. Ang cute kasi sayo. Sukat na sukat.’
-end

Ang kulit ng babaeng yun.

Kumakain lang ako habang nanood ng movie ng may marinig akong kumatok.

Binuksan ko naman agad ang pinto.

Nagulat ako ng makita silang dalawa sa harap ng kwarto ko.

“Anong kailangan niyo?”

“Ahh…anak nilabhan ko na kasi yung dress mo. Ang ganda bagay na bagay sa iyo.” Sabi ni Mommy.

Nilabhan pa niya? Balak ko nga lang suotin yun ng ganun lang. Tsaka paano niya nakita yun? Naiwan ko ba yin sa baba?

“Oo nga anak kaya may tinawagan na kaming mag-aayos sa iyo para sa acquaintance party mamaya.” Sabi naman ni Daddy.

Seriously ano ang nakain ng mga ito? At paano nila nalaman na may party kami ngayon!?

“Thankyou?” nakakunot pa rin ang noo ko sa inasta nila. Weird.

Dumating na nga ang mga mag-aayos sa akin. Isa sa buhok, isa sa make up at isang nag mamanicure at pedicure.

Ano bang akala nila sa akin ikakasal? OA ha. Pero hinayaan ko nalang din tutal naman gusto ko ang mga bagay na ito.

“Light lang.” sabi ko dun sa nagmemake-up sa akin.

Nang matapos na ako sa pag-aayos tinawag na nila sina Mommy, Daddy at Rey.

“Naku Maam ang ganda niyo po.” Sabi nung baklang umayos sa buhok ko.

Nginitian ko lang siya.

“OMG! Dana anak ang ganda mo talaga.” Mom said na ngiting ngiti.

“Mana lang sa Mommy niya.” Sabi naman ni Dad sabay lagay ng kamay sa bewang ni Mommy.

Hindi ko maintindihan? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Why so sweet all of a sudden?

“Danatot! Ikaw ba yan? Aba hindi ka na panget.” Inirapan ko lang si Rey habang hindi pa rin maalis ang pagtataka sa mukha ko ng makita ang dalawa na mukhang ewan.

Gusto ko sana silang tanungin kung ano ang nangyari kaya lang hindi ko ginawa. Bahala sila diyan.

Akala ko matatapos na ang kawirduhan sa araw na ito pero hindi pa pala. Dahil hinatid nila akong tatlo sa venue ng party.

Nakatingin lamang ako sa labas ng kotse.

“Malapit ng maayos ang pamilya natin.” Mahinang sinabi ni Rey sa tabi ko tiningnan ko siya at nakita kong nakangiti siya.

Maayos?

Well…. Sana?

“Anong nangyari?” hindi ko mapigilang itanong.

“Dahil sa iyo kaya nagkaganyan iyan.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“May tumawag kasi sa bahay at sinabi yung nangyari sa iyo nung gabing naharang ka ng mga manyak. At ayun nagsisihan yung dalawa hanggang sa magkalabasan ng sama ng loob.”

The Making of Us [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon