Pilot

13 1 0
                                    

ZANE'S POV

"Happy birthday to you!

Happy birthday to you!

Happy birthday, happy birthday!

Happy birthday to you!!"

kanta ng mga kuya ko sakin. 17th birthday ko ngayon.

"make your wish princess." Sabi ni kuya Johnny.

"Lord, sana po makapasa po ako sa Whistleton University. Para makasama ko na si Sebastian my labs. Please Lord!!!" mahigpit na pagkakapikit at pagkakasara ng dalawang kamay na wish ko sa isip ko saka ko hinipan yung mga kandila sa cake namin. namin, dahil may kakambal ako, si Cane. Nagpalakpakan sila nang mahipan ko na yung mga kandila.

Cane is my twin brother pero di sya lumaki na kasama namin dahil pinilit ni dad si mom na dadalin nya si kambal para may kasama syang anak sa US. kaya eversince nailuwal kami ng nanay namin, never pa kami nagkita ng personal. Puro sa skype lang. close naman kami. mas close pa nga ako sa kanya kaysa sa mga kuya ko dito.

Meron akong tatlong kuya. Una, si Kuya Johnny, 30 years old. Single dahil sobrang sungit nya maliban sakin. isa syang doctor. May nag-iisang goal sya sa buhay. Ang protektahan ako.

Sunod, si kuya Billy, 29 years old. Single dahil sobrang seryoso nya maliban sakin. sakin lang yata sya tumatanggap ng joke. isa syang abogado. May nag-iisang goal sya sa buhay. Ang protektahan ako.

Last but not the least, si kuya Louie, 28 years old. Isa syang engineer. Complicated ang status nya dahil sa sobrang babaero nya di ko na alam kung kailan sya single at hindi. Isang bagay lang daw ang seryoso sya sa buhay, ang protektahan ako.

Lahat sila galing ng Whistleton University, ang pinakasikat na university dito sa bansa. Legend silang tatlo sa university na yon dahil sa tatlong magkakasunod na taon na nakatapos sila isa-isa ng pag-aaral don, lahat sila valedictorian.

Habang napakilala ko na ang mga kapatid ko, di pa ako nagpapakilala. Ako si Zane, Zane Wright. Maganda ako, Alam ko yon dahil lahat ng nakakakilala sakin yun ang sinasabi. (^_^)v

"Anong wish mo princess?" tanong ni Kuya Billy. Wala akong princess sa pangalan, tawag lang talaga nila sakin yan.

"Ano ka ba naman Billy? Kung gusto nyang ipaalam satin, edi sana di lang sya sa isip nya nag-wish." Singit ni kuya Louie sa nang-aasar na tono.

"E, ano sayo kung gu---"nahinto si kuya Billy sa sasabihin nya nang sabihin ko ang wish ko.

"Gusto kong mag-aral sa dadating na pasukan sa Whistleton University." sabi ko. sabay-sabay naman silang napalingon at nanlalaki ang mga matang napatitig sakin.

"Nagjo-joke ka lang Zane diba?" alangang tanong ni kuya Billy, nabatukan naman sya ni kuya Johnny.

"Bakit mo naman gustong mag-aral don princess? Is there someone bothering you in your current school?" tanong ni kuya Johnny. Habang seryosong hinihintay nilang tatlo ang sagot ko.

"Ah, Eh... wala naman kuya, ano lang, gusto ko lang ng bagong environment. Ganon. Ha-ha." Alibi ko. at sabay sabay namang tumaas ang isang kilay nila.

"do you know what I love most about you, princess? You suck at lying. So tell us the truth, why do you want to transfer?" sabi ni kuya billy. Eto hirap sa mga to, masyadong tamang hinala. Kainis! Magsasalita sana ako nang biglang bumukas yung pinto ng bahay naming.

"I'm Home!!!" feeling importanteng entrance ni kambal.

"Cane!!!" sabi ko saka ako mabilis na umalis sa harap nila kuya at tumakbo kay Cane. Niyakap ko agad sya na parang akala mo sobrang close namin sa personal habang first time lang naming magkita ngayon.

Careful Who You Wish For (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon