ZANE's POV
"Cane? Pwede mo ba ako samahan today?" tanong ko kay kain. Kakatapos lang namin magbreakfast.
"Where to?" tanong nya
"Sa mall sana. Bibili lang ako ng gagamitin ko para sa ball on Saturday." Sabi ko.
"No. i don't want to." Sabi nya. Saka tumayo na. sinundan ko naman sya sa sala.
"Bakit? di naman ikaw ang nakaschedule na magtatrabaho sa cafeteria ngayon ah?!" Tanong ko na nakataas ang isang kilay.
"I didn't said that I have work today, I just said that I don't want to, meaning A-YO-KO." Sabi sakin ni cane and gave me a bored look.
"Eh, anong isusuot ko sa party kung di mo ako sasamahan mamili ngayon?!" ungot ko sa kanya.
"Ako lang ba ang nag-iisa mong kasama dito sa bahay?" tanong ni cane sakin. Umisod naman ako palapit sa kanya. At hininaan ko ang boses ko.
"anong gusto mong gawin ko? Di nga ako kinakausap o pinapansin ni Basty, si Sky naman, pupunta ng art's club room today. Asa ka namang sasamahan ako ng Ziggy or yung roommate nyang si Divine. See? No one can come with me!!" litanya ko kay cane sa pinahinang boses.
"What about Stephen? He's your boyfriend any way" sabi nya na halatang nang-aasar.
"Cane naman! Ano ba?! I'm serious here!" naiinis nang sabi ko.
"Do you think I'm not?!" tanong nya saka ako inirapan, tumayo at nilayasan ako.
"Pag di mo ako sinamahan, isusumbong kita kanila kuya!!" bulyaw ko sa kanya. Huminto naman sya and gave me the look, "seriously?!"
"Really Zane?! Go on! As if it's on my disadvantage." Sabi nya saka ako nginitian ng nakakatakot. Saka ako napaisip. Pag nalaman ng magagaling kong kuya na di ako inaalagaan ni Cane dito, malamang, kukunin nila ako at ililipat kung saang university nila gusto.
"nakakainis!!" nasabi ko nalang saka ako nagpunta sa kwarto.
"Oh! Bakit nakabusangot ka?" tanong ni Sky sakin habang nakaharap sa salamin at nag aayos.
"Si Cane kasi!! Ayaw nya akong samahan sa mall para makapamili ng isusuot ko para sa ball." Litanya ko.
"Sorry, Zane, as much as I want to accompany you, I have important matter to do at the art's club." Alangan na sabi ni sky
"Ayos lang yun. Ano ka ba?!" sabi ko saka ngumiti ng pilit.
"Have you asked Basty?" tanong nya
"As if naman na sasamahan nya ako. Di nya nga ako pinapansin diba?" –ako
BINABASA MO ANG
Careful Who You Wish For (Ongoing)
Teen FictionMeron ka bang love life ngayon? Kung wala... Meron ka bang wish? Kung meron... Meron ka bang isang taong winiwish na maging love life mo? Kung meron... Pano kung magkakaron ka ng lovelife pero, hindi yung taong winiwish mo?