President

6 1 0
                                    

CANE's POV

Hinayaan ko lang si Zane na magtanong nang magtanong at mangulit nang mangulit. Di naman din kasi sya titigil hanggan't di nya na-satisfy ang sarili nya. hanggang dumating na yung teacher namin.

Ayokong pansinin dahil baka, masyado lang akong observant pero, kumpara nang nakasama ko si Stephen sa US, ibang-iba yung ugali nya ngayon, lalo na kay Zane. Sa maniwala kayo at hindi, mabait na sya nyan.

Balak ko nang palampasin ang lahat pero, nagulat ako nang ilabas nya yung black na jacket na sobrang pamilyar sakin at ilagay sa balikat ng kapatid ko.

It's not the first time I saw that jacket, it looks old and cheap, he also use that back in US and according to Basty, it has a history, a family history. I just don't know why he gets mad when someone tried to use or borrow it. I've tried once but before my hand even touch that jacket he's already glaring at me as if any moment, he's gonna kill me. I thought he was just being so sensitive but I don't get what's happening right now.

"Anong sasalihan mong club Cane?" tanong sakin ni Zane, kakatapos lang namin mag-lunch and just like what our teacher said It's university club's enrollment. Nang lingunin ko sya, napakarami na nyang bitbit na fliers.

"You don't need to accept everything they give you." sabi sa kanya ni basty.

"pinaghirapan nila yung mga fliers, simpleng appreciation lang na tanggapin mo kapag inabutan ka." Sabi ni Zane habang abalang igala yung mga mata nya sa napakaraming booth ng clubs.

Nang sulyapan ko si Stephen sa tabi ko, nakatitig sya sa likuran ng kapatid ko, di ko maiwasang bigyan ng kahulugan yung tingin nya.

"Zane, which club do you prefer?" -basty

"Hindi ko pa alam, mahilig ako magdrawing kaya Art's club sana o Fashion Gal." -Zane

"Don't worry, when it comes to Clubs, you can choose whichever you want." -basty

"Talaga?!"

"Yeah, so, where do you want to go?" -Basty

"Ah..." bago pa man sya makasagot, nagsalita si stephen.

"Cane, let's go to my Club." -stephen

"May sarili kang club?!" gulat na tanong ni Zane kay Stephen

"Yeah." simpleng sagot ni Stephen.

"Ano? Dun ba si Cane? Pwede ba ako dun?" tanong ni Zane habang naglalakad paatras sa harap ni Stephen.

ZANE's POV

"No." patay malisyang sagot sakin ni Stephen. Ganito ba ako kaayaw nito? Sa pagiisip ko, di ako nakahakbang agad nang humakbang sya paabante. kaya naout of balance ako. handa na akong maramdaman yung pagbagsak ko sa semento nang may brasong pumalupot sa baywang ko.

nang dahan-dahan kong imulat ang mata ko, si Stephen yon na sobrang lapit na ng muka sakin. tumibok ng malakas yung puso ko, ramdam ko yung pag-angat ng dibdib ko. parang biglsng ang init ng pakiramdam ko. naramdaman ko ding umaakyat yung dugo ko sa ulo ko. napatitig lang ako sa mga mata nyang nakatitg din sakin.

"Ayos ka lang?" tanong nya nang dahan-dahan nya akong alalayang makabawi ng tayo.

"O-Oo, salamat." Nauutal na sabi ko. nang makabawi na ako halos patulak nya akong binitawan.

"You should be careful next time!" biglang bulyaw nya sakin at nilagpasan ako. Ano ba yon?! nauna na silang maglakad ni Cane at naiwan kami ni Basty.

"Are you alright?" tanong nya.

"Oo, salamat sa pagtatanong." -ako

"Do you want to check out the art's club?" -sya

"Sige." Sagot ko saka alangang ngumiti habang yung mata ko, nakatingin sa likuran ni Stephen na palayo.

Careful Who You Wish For (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon