Exam

11 1 0
                                    

ZANE's POV

"Are you really sure, you've reviewed enough?" tanong ni Cane sakin habang nagda-drive sya, papunta kami ngayon sa Whistleton University. Ang totoo di lang ito yung unang beses nya akong tinanong, madaming beses na mula pa kagabi. Sa pagitan naming dalawa, parang mas kabado pa sya sakin, samantalang ako naman ang mag-eexam.

"Oo, promise, makakapasa ako." simpleng sabi ko.

"while, taking the exam, wag kang magmamadali. Take as much time as you can. No preassure." Paalala nya sakin.

"Cane, relax lang. makakapasa ako. pangako ko yan sayo at kanila kuya." Nakangiting sabi ko. Maya-maya pa ay nakapasok na kami sa parking lot ng university.

"Let's go." Sabi nya sakin saka kami naglakad papunta kung saan ako mag-eexam. Kanina ko pa napapansin na lahat ng nadadaanan namin mapa-babae man o lalaki, napapalingon samin. Ano bang meron.

"Imagination ko lang ba, o totoong pinagtitinginan nila tayo?" bulong na tanong ko kay cane.

"Wag mo na silang pansinin." –cane

"Eh, pano yon? naiilang ako?" –ako

"Ako yung pinagtitinginan nila, okay? The day after our birthday, when i came here to report and submit all my requirements, pinakilala na ako ni Stephen as official member ng group nya." –cane

"Wow! May ganong ganap? Ganon talaga sya kasikat dito? At mukang nirerespeto pa. sana naambunan man lang sya non para tinubuan sya sa katawan kahit konti." Inis na sabi ko nang maalala ko yung higanteng hukluban na yon. huminto si cane at hinarap ako.

"Zane, listen, he's not as bad as you think he is. He's my friend and you know i only have few friends but they are all true friends so, if you'll just try to understand Stephen. I don't want any misunderstanding between the two of you. you're both important to me." parang nakikiusap na sabi nya. sasagot palang ako ng may tumawag kay kambal.

"Cane!" si Basty. Kasama nya si Stephen na kung makakunot ng noo, mag-iisang linya nalang yung kilay nya.

"Hi, Zane." Bati sakin ni Basty nang makalapit sila samin. Automatic naman na napangiti ako.

"Hello din, Basty." –ako

"You're early. That's good. You still have time to prepare for the exam. Good luck to you by the way. I wish you all the luck." Jolly na sabi ni Basty.

"Tsk!" –Stephen

"Good morning to you too, Stephen." Bati ko sa kanya.

"I didn't greet you!" –stephen

"Sinusubukan ko lang i-convert sa good vibes yang bad vibes na nakasulat sa noo mo. Malas kasi yan." Pang-aasar ko. tumaas naman agad ang isang kilay nya.

"Zane!" saway sakin ni Cane.

"It's alright Cane. It might be the last time we're seeing each other." Kampanteng sabi ni Stephen saka naglakad na at nilagpasan ako.

"Pano kung makapasa ako?" tanong ko.

"you think you can pass the exam with your grade never reached 80%? Seriously? Are you trying to joke around?" –stephen

"Eh pano kung makapasa nga ako? magsosorry ka ba kay Cane?" tanong ko. natawa sya ng pagak saka lumapit sakin.

"Fine let's have a deal. The school has a passing grade of 90% in the entrace exam and then we have this Excellent Students Study room, the passing grade there is 95%. If you made it to that study room. i'll apologize to your brother and i'll welcome you to my group with open arms. That is if you pass." Sabi nya na may nakakatakot na ngiti sa labi nya.

Careful Who You Wish For (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon