Zyrine Puentabella
Naka mukmok ako ngayon sa Penthouse nya. Naka tingin sa labas, naglalakihan ang mga building. Wala akong nagawa kung hindi ang suotin ang damit nya. Naka shirt ako abot hangang sa gitna ng hita ko at ang boxer nya at Wala din
akong suot na bra. Wala sya ngayon, Nasa opisina sya at iniwan akong mag isa dito. Ayaw nya akong paalisin dito sa pesteng Penthouse nya.Ilang minuto palang ang nakalipas ay nararamdaman kona ang mga bulate ko sa tyan ko. Uggghhhh I'm hungry.
Pumunta ako ng kusina at dumirecho sa refrigerator nya at ang lala! Anong kinakain nya? Puro beer lang ang nandito. Napa nguso nalang ako sa gutom.
Bumalik nalang ako sa kwarto nya at nahiga. Niyakap ko nalang ang unan para maging komportable ako. Damang dama ko parin ang sakit sa ibaba ko. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa pag iisip.
Nagising ako ng may naramdaman akong humiga sa kama at wala pang isang minuto ay yumakap ito sa akin. Humarap ako sa kanya pero nabunggo ng ulo ko ang dibdib nya.
"Did you miss me?" Naka ngising sabi nya. Para akong nabuhusan ng tubig ng mapagtanto ko na nasa kama pala kami.
Naitulak ko sya bigla at diko namalayan na bigla akong nahulog sa kama. Napa aray ako sa sakit at sa pagka pahiya.
"What the hell?! What happened to you?" Gulat na sabi nya at mabilis akong ini upo sa kama.
"Okay lang ako." sabi ko at napa hawak sa likod ko. Napa iwas ako ng tingin sakanya ng makita kong nakatitig sya sa akin.
"Ahm, Sir?" sabi ko.
"Just call me by my name, It's Bruce." Iritadong sabi nya. Tumango naman ako. Bakit ba napaka moody ng lalaking ito?
"Ahh okay Bru-ce." sabi ko.
Dati naman natatawag ko sya sa pangalan nya na hindi ako nauutal, anong nangyayari ngayon?
Umayos sa Zyrine!
"What ha--" natigil sya sa pag sasalita ng kumalam ang sikmura ko.
Nakakahiya! Napakagat ako sa labi dahil sa pag tunog ng tyan ko.
"You're hungry..." mahinang sabi nya pero sapat na iyon para marinig ko. Kahit nahihiya ay Bahagya naman akong tumango.
Inilabas nya ang Cellphone nya at may idinial sya doon. Umorder sya ng mga unfamiliar foods, hindi ako nag reklamo dahil hindi naman ako pihikan sa pagkain.
After 10 minutes, the foods arrived! May 5 klase ng pasta doon, may rice, chickens and also a soda. Meron din big size ng pizza at fries.
Nanubig ang bibig ko sa nakikita ko. Mukha silang masarap lahat!
"Super hungry?" Naka ngising sabi nya.
"Yes and I'm getting angry." sabi ko. He chuckled.
Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. He kissed me. Malalim ang halik na iginawad nya sa akin at Ng maghiwalay ang mga labi naman ay hingal na hingal ako.
"Did my kiss ease your hunger?" pabulong na sabi nya. Damn His husky voice. Napasandal nalang ako sa balikat nya habang nag hahabol parin ang hininga ko.
Napatingin ako sa mga pagkain sa mesa. Kaagad akong lumapit doon at nag simula ng kumain. Gutom na gutom ako.
"Eat slowly, no one's gonna take your food. They're all yours." sabi nya ng ma ubo ako dahil sa mga kinakain ko.
"The debts of your Family has been paid. I'm sure, you'll consider that you're my property from now on." Seryosong sabi nya.
"Kaya nga ibinigay ko ang buong pagka tao ko kagabi, hindi ba?" Seryosong sabi ko na ikina kunot ng noo nya.
"Tumutupad ako sa pangako Bruce, pagsisilbihan kita hanggang sa magsawa ka sa akin." Sabi ko.
Napa yuko ako sa kahihiyan at awa para sa sarili ko. Ganito lang ba ang halaga ko para sa lalaking ito?.
"Sure then." Malamig na sabi nya at may inilabas syang papil.
"Ano to?" Tanong ko ng may inabot syang papel sa akin.
"Read it." Seryosong sabi nya.
"You're just my fucking toy from now on." bulong nya. Hinawakan nya ako sa baba at seryosong hinarap ako.
"You'll do everything I want, you have to be with me all the time. Start being my secretary tomorrow
"You're my Property and no one can get you from me, even them. Remember that Zyrine." Sabi nya matapos bitawan ang baba ko.
Napa bitaw nalang ako sa mga pagkain na hawak ko. Nawalan na ako ng gana. Nakakatakot sya, parang lalapain nya ako kung sumaway man ako sa utos nya.
Kahit nawalan nako ng gana ay tinignan ko ang papil at kumunot ang noo ko sa Nakita ko.
My rules.
Anong ibig sabihin nya dito? Lalo akong napa kunot sa mga nakasulat.
1, FOLLOW EVERYTHING I SAY.
Ano bang akala sa akin nito? Sunud sunuran sakanya? Nahihibang na to.
2, DON'T LIE TO ME.
Napaka banal ko naman kung gagawin ko to at ano bang pinupunto na lalaking yun? Kung si Pinocchio ako walapang 1 week napaka haba na ng ilong ko sa pagsi sinungaling.
3, OBEY EVERYTHING I ORDER.
Feeling ata ng lalaking to pinagpala sya para gawin ko ang mga ito?
4, I DON'T WANT YOU NEAR ON OTHER MEN.
Anong tawag dito? Protective or Possessive? Pano nalang mga nakaka salubong kong lalaki? Ano pipikit ako para diko sila makita? Lilipad ako para di nila ako malapitan?
5, YOU'RE OBLIGE TO TELL EVERYTHING ON ME.
Addict ba sya para sabihin lahat sa kanya? Paano kung gusto kong umutot? Sasabihan kopa ba? Walang kwenta.
6, LIVE WITH ME.
Sayang naman yung perang 1k na binayaran ko kay Aling Maming, pwedi ko kaya i refund yun?
7, DON'T ACT AS MY GIRLFRIEND.
Napaka feelingero naman ng lalaking yun para isipin nya ang ganito.
8, and lastly. DON'T FALL IN LOVE WITH ME, BECAUSE I WON'T LOVE YOU BACK.
Well advanced syang mag isip, baka mauna pang main love sa akin yun.
BINABASA MO ANG
The Demon's Property
RomanceThe Demon's Property (under Revision) Zyrine Puentabella is living a peaceful life until she found out that she's Property of someone she doesn't know.