Chapter 15

50.7K 556 2
                                    

Zyrine Puentabella

"Salamat Warren, gumaan ng konti ang pakiramdam ko." Sabi ko ng maihatid nya ako sa harap ng Building.

"No problem Rin, basta ikaw." Ngumiti sa akin si Warren at ginulo ang buhok ko.

"Basta kapag hindi ka ayos, tawagan mo lang ako. One call away lang ako." Sabi ni Warren na ikina tawa ko.

"Oo sige, salamat." Sabi ko. Kumaway ako ng umalis ito.

Nagulat ako ng lumingon ako at si Anica ang Nakita ko, galit itong naka tingin sa akin. Luminga linga pa sya sa paligid at pagkatapos ay hinatak ako papasok. Ginamit namin ang Elevator, ng magsara ito ay hinarap nya ako.

"Bakit ka umalis?! Ang pinag usapan natin ay huwag na huwag kang aalis hindi ba?!" Iritadong sabi nito sa akin.

"Malalagot kami ni Jacob kapag nalaman ni Sir Bruce na umalis ka at sumama ka sa ibang lalaki!" Galit na sabi nya sa akin.

Bigla akong nairita sa sinabi nya sa akin. Sumama sa ibang lalaki?! E pinag tabuyan nga ako ng babaeng Honey ng boss nila.

"Mabait si Warren." Iritadong sabi ko.

Lumingon ito sa akin at gulat ang reaction nya. Umiiling sya na para bang dismayado sya sa sinabi ko.

"Kaya pala lagi kayong hindi magka sundo ni Boss, hindi ka marunong sumunod sa utos at ginagawa mo lang kung ano ang gusto mo." Sabi nito na may pagka dismaya sa boses nya.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya, napa yuko ako sa hiya. Ng bumukas ang Elevator ng 20th floor ay iniwan nya ako. Hindi ako maka tingin sa kanya Hanggang sa makarating ako sa Office ni Bruce.

Ng maisara ko ang pinto ay napa sandal ako dito at tinakpan ko ang bibig ko para hindi maka gawa ng ingay. Nanlalambog ako sa nararamdaman ko ngayon.

Bakit ang dali lang nilang pagsalitaan ako? Napaka dali sakanila na husgahan ako? Bakit ang dali nilang saktan ako?

Ilang oras lang akong tulala sa loob ng Opisina at pinag mamasdan ang pag ikot ng orasan sa wall clock. Naalis lang ang atensyon ko doon ng bumukas ang pinto, pumasok si Jacob na napaka tahimik at seryoso lang.

Unusual ang aura ni Jacob ngayon hindi gaya kanina na masayahin at panay ang biro.

"Hatid na kita sa bahay Ma'am." Seryosong sabi ni Jacob. Tumango ako at tumayo na. Nadaanan namin si Anica pero hindi nya kami parehong binigyan ng pansin. Nagsalita lang ito ng lampasan na namin sya.

"Gawin mo ang tabaho mo Jacob at Zyrine, matuto kang sumunod, huwag mong ipapahamak ang mga nakapaligid sayo." Malamig na sabi nya.

Nakita kong nilingon sya ni Jacob, kita ang irita at inis sa mukha ni Jacob. Kumuyom din ang kamao nito pero hindi rin nagsalita.

"Pasensya kana Ma'am sa amin ni Anica, that's unprofessional. Hindi na namin uulitin iyon, nawala sa isip namin ang utos ni Boss. Pero sa susunod Ma'am huwag kang magtitiwala sa kung kani kanino lang." Seryosong sabi sa akin ni Jacob habang nagda drive.

"Mabuti si Warren, kilala sya ni Bruce." Sabi ko.

Bumuntong hininga si Jacob.

"Masyado kang mapagtiwala Ma'am, pero si Boss hindi mo mapagkatiwalaan." Sabi ni Jacob na ikina gulat ko. I didn't expect him to say that!

Gusto kong mag paliwanag pero wala akong maisip, wala akong maisagot sa sinabi nya.

"Sa lahat ng taong nakapaligid sayo Ma'am, si Boss ang mas nakaka kilala sayo. Sa susunod Ma'am, mag masid ka sa paligid, konting pagkaka mali mo lang ma'am baka lalong gumulo." Dugtong ulit ni Jacob.

Hanggang sa makarating kami ng bahay ay hindi ako nakapag salita. Pinagbuksan ako ni Jacob ng pinto kaya lumabas ako.

"Pasensya na sa mga sinabi ko Ma'am." Sabi nito bago nag drive pa alis.

Papasok na sana ako ng bahay ng mag ring ang Cellphone ko, tumatawag si Warren. Hindi ako nag dalawang isip na sagutin ito.

"Shit h-elp me." Nanghihina ang boses nito.

"Bakit? Anong nangyari sayo?" Natatarang tanong ko.

"Nabar-il ako." Sabi nito, dinig ko ang panghihina ng boses nya.

"Nasaan ka?" Nag a alalang tanong ko.

"Nandito ako sa Hospital." Sabi nito.

"Sige pupuntahan kita." Sabi ko at dumirecho sa daan palabas.




Nag taxi ako at pina direcho sa Hospital na sinabi ni Warren, nakita kong panay ang tingin sa akin ng driver ng taxi. Nagulat ako ng iliko nya ito sa maling daan.

Nagsimula na akong kabahan at matakot ng ngumisi ito sa akin. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka lock ito.

"Boss hawak kon-." Sabi ng driver sa kausap nito.

Nagulat kami ng may lumiko sa harapan na sasakyan, lumabas dito si Josh at Isang lalaking hindi ko kilala. Nagulat ako ng barilin nila ang driver. Napa sigaw ako sa gulat at takot.

"Ligtas na Boss." Narinig kong sabi ni Jacob sa Cellphone nya. Binuksan nila ang pinto at inalalayan akong maka labas ng taxi.

"Nandito si Paulo para ihatid sya jan sa Russia. Naka ready nadin ang private plane boss." Sabi ulit ni Jacob sa kausap at pinapasok ako sa sasakyan nila.

Nagda drive yung kasama nyang lalaki habang sya ay may kausap parin. Nagulat ako ng huminto ang sasakyan sa Airport.

"Ikaw na ang Bahala sa kanya Paulo." Sabi ni Jacob at iniwan ako.

"Saa-n moko dadalhin?" Natatakot na sabi ko.

"Pinapasundo ka po ni Boss." Sabi nito at pinapasok ako sa loob.

Hindi ako makatulog sa buong byahe. Nandito parin ang kaba at takot ko sa nangyari. May pinatay silang tao sa harapan ko! Hindi ko nakita ang pagsisisi sa mga mata nila.

Nagulat nalang ako na hindi ko pala namalayan na nakalapag na kami, buong byahe akong tulala. Napa luha ako ng makita ko si Bruce na naghihintay sa akin sa labas at seryosong naka tingin sa akin.

"Why do you have to be fucking stubborn!" Mariing sabi nito sa akin at hinablot ang braso ko.

Napa aray agad ako sa sakit.

Dinala nya ako sa sasakyan nya at pinapasok nya ako doon. Mabilis syang nag drive at dinala ako Isang Hotel.

Ng maka pasok kami sa kwarto nya ay itinulak nya ako papasok, munti nakong sumubson sa sahig.

"Why can't you fucking trust me!" Galit na sabi nya. Mabilis akong napa luha.

The Demon's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon