Part One

11.7K 85 2
                                    


Prologue

Caitlyn

"Hoy, Caitlyn! Bayaran mo na ang renta mo. Tatlong buwan ka nang tumitira sa apartment kong walang bayad! Aba! Mukhang nasasanay ka na ah! Magbayad ka na kung ayaw mong mapalayas!"

Napangiwi ako matapos marinig na naman ang boses ng landlady ko pagkatapos buksan ang pinto na kinakalabog nito.

"Eh, aling Cecille hindi pa po kasi ako sumusweldo. Sa mga katapusan pa yun. Pero promise po! Babayaran ko kaagad kayo kapag nakuha ko na po iyon. Sige na po aling Cecille." itinaas ko pa ang kanang kamay ko na tila nanunumpa da watawat sabay nguso. Kailangan kong magpa-cute na naman para hindi mapalayas. Sana umepekto ulit, Lord.

"Ganyan din ang sinabi mo noong nakaraang tatlong buwan! At tigilan mo ako sa pagpapa cute mong iyan dahil di na uubra sa'kin yan! Magbayad ka na!" namaywang ito sa harap ko. Napakamot ako sa batok ko. Langya, di na umubra ang ka-cute-tan ko.

"Aling Cecille, relax lang po kayo. Tingnan niyo, kumukulubot na naman yang noo mo. Pag naging permanente yang lines sa noo mo, asus papangit ka! Magbabayad din naman po ako eh. Huwag na po kayong ma-stress pa kasi mabilis kang tatanda niyan. Diba hahanap pa tayo ng forever mo?" agad nag iba ang reaksiyon niya at muntik na akong matawa ng malakas. Palibhasa kasi matandang dalaga na.

"Talaga bang madali kang tatanda sa stress?" seryosong tanong niya at hinagod ang noo. Mabilis akong tumango.

"Opo! Tingnan niyo ako, hindi nase-stress, at laging nakangiti. Wala po akong wrinkles! Makinis ang mukha ko at palagi akong blooming! At hindi rin kulubot ang skin ko. Tingnan niyo po." kinuha ko ang kamay niya at hinaplos iyon sa mukha ko. Tila namangha din ito at patuloy pang hinaplos-haplos iyon.

"Ay oo nga noh? Siya, sige. Hindi na ako maiinis sa'yo. Basta magbayad ka sa katapusan ha? Saka turuan mo pa ako ng mga tips mo para gumanda." parang gusto kong tumalon dahil sa sinabi niya. Walang puknat ang pagtango ko.

"Ay sus! Oo naman po, Aling Cecille! Ikaw pa ba. Pagbalik niyo po dito sa katapusan, tuturuan ko ulit kayo ng mga tips para gumanda tulad ko." nakangiting sabi ko.Yes! Nalusutan ko na naman siya. Haha!

"O sige, mauna na ako. Sa katapusan ha?" muling paalala nito.

"Yes Aling Cecille." matamis ko siyang nginitian.

"Kayganda mong bata. Sige, aalis na ako."
nakangiti na niyang sabi at tumalikod. Hinagod-hadod nito ang sariling noo.

"Bawal ma stress... bawal ma stress.."

Iyon pa ang narinig kong binubulong-bulong niya habang naglalakad.

Isinara ko ang pinto at doon na tumawa nang pagkalakas-lakas!

"Hahahahahahahahahahaha!"

Pinahid ko ang luhang umalpas sa gilid ng mga mata ko dahil sa kakatawa.

Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salaming nakasabit sa gilid ng pinto.

"Haaaay, iba talaga ang beauty mo, Cait. Nasasagip ka sa kagipitan." Ngumisi ako at muling bumalik sa pagkakaupo sa maliit na sofa nitong apartment ko.

Naghahanap ako ng trabaho sa diyaryo kanina nang kumalabog ang pinto ko at naningil si aling Cecille. Ang totoo niyan ay wala akong trabaho at etchos-etchos lang ang sinabi ko kaninang may sweldo ako sa katapusan. Paano naman ako magkaka-sweldo kung wala naman akong trabaho? Tsk tsk.

Kaya kailangan, makahanap na ako. Dalawang linggo na lang at katapusan na. Ayoko namang mapalayas at manirahan lamang sa kalsada.

No way, highway! Sa ganda kong, 'to, sa kalsada lang titira? No no no no!

Muli kong binasa ang Classified Ads sa diyaryo.

WANTED DRIVER.

*iling-iling*

Hindi ako marunong mag-drive. Pag sinubukan ko 'yun, baka naman mamatay kaagad ako sa first day ng trabaho.

At ayoko pang mamatay! Sayang ang napakagandang lahi ko pag nagkataon.

Naghanap pa ako.

WANTED YAYA

*iling-iling*

Hindi pang katulong ang beauty ko!

WANTED SECRETARY.

Namilog ang mata ko.

Eto! Eto yung hinahanap ko!
Dati rin kasi akong secretary at alam kong kaya ko ang trabaho na to.

Matapos ilista ang address kung saan mag-apply, ay agad na akong tumayo. Kailangan kong makapunta doon, ngayon mismo!

My Hot Headed Hot BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon