Caitlyn.
Konti na lang. Konting-konti na lang at kakainin ko na talaga sa inis ang etchuserong boss ko! Hindi niya ba alam na may nagugutom na magandang nilalang sa opisina niya?! Walang awa talaga!
Pumikit ako at pinigilang huwag ma stress. Hindi pwedeng ma stress ang magaganda, diba nga nakaka-pangit yun?
Ini-staple ko na ang panghuling kumpol ng mga papeles na ipinagawa sa akin ng walang awa kong boss! Mag-aala-una na, hindi pa ako nakaka-pag-lunch break! Namamawis na ako sa gutom dito!
At sa wakas! Natapos na rin ako. Thank you Papa God. Niligpit ko na iyong nakakalat sa desk ko. Makakain na ako.
"Lord, naku naman po! Salamat at--"
"I want you to make a presentation about this--"
"Palakang buntis!" napahawak ako sa dibdib sa sobrang gulat nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ko ang pesteng amo ko. May lahi din pala siyang kabute? My God.
"Sir naman! Ba't kayo nanggugulat?" may kainisang tanong ko kaya naman napataas ang kilay niya. Ayan, maiinis na naman. Nakuu! Wag niya akong masupladuhan ngayon at gutom ako. Baka siya ang gawin kong tanghalian. Rawr.
Uh,oh. Not bad. Yummy naman siya eh. Sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Oo nga naman. Sang ayon naman ng malanding bahagi. Ipinilig ko na lang ang ulo ko.
"What did you say?" magkasalubong ang kilay na tanong niya. Kita mo, siya na nga ang nanggugulat, siya pa ang mainit ang ulo. Pektusan ko 'to sa abs eh.
Suuus, chachansing ka lang eh. Tudyo ng malanding isip ko. Pano ba titigil sa kakasalita 'to?
Hindi ko na lang pinansin ang kadramahan sa maganda kong utak at nag focus na lamang sa masarap -- este sa masungit na nilalang sa harapan ko.
"Ang sabi ko sir, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" I faked a smile. Yung tipong ngiting-aso.
Nagmumukhang buto na kasi siya sa paningin ko sa sobrang gutom eh.
Saka, pwedeng pakagat? Isa lang.
"I said, make a presentation about this." inilapag niya sa kaka-ligpit ko lang na desk ang isang kumpol na naman ng papel. Halos manlaki ang ulo ko sa kapal nun.
"And I want that to be in my e-mail at three." tila haring sabi nito. Sabagay, hari naman talaga ang tingin nito sa sarili sa loob ng opisinang 'to. Ni hindi pa nga ako maka-get over sa kapal ng mukha niya ... o nang papel pala na ibinigay niya eh dinagdagan pa niya ng time limit yun?! Diyos ko. Pakiramdam niya sa'kin? Robot? Kakagatin ko na talaga siya. Pigilan niyo ko.
Pero... tangina lang! Mag-aala-una na at hindi pa ako kumakain! Ano 'to? Sineswerte ata siya ah.
"Ano? Eh it's quarter to one na sir ah." reklamo ko. Ahhh, wala akong pakialam kung iinit na naman yang ulo niya. Palagi namang mainit yan eh. Magugulat pa ba ako?
At ayun nga. Naningkit ang mata niyang tiningnan ako.
"Why, Miss Sarmiento? You're complaining now? Isn't it part of your job? Tell me, you're quitting." he said mocking me.
At dahil gutom ako, wala akong pakialam sa sinasabi niya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko nang matagal sa swivel chair. Nangangalay na ang pwet ko.
Tiningnan ko ang walang pusong amo ko. Matangkad nga siya. Pero maganda ako. Wala na akong pakialam kung paano niyo iko-connect yun.
"Hindi rin part ng trabaho ko ang gutumin mo. Wala akong pakialam kung mainit na naman yang ulo mo. Hindi ako aalis sa trabahong 'to dahil kailangan ko ng pera. At lastly, makakasa kang ipapasa ko sa'yo ang presentation na hinihingi mo. So, excuse me muna SIR, dahil kakain pa ako. Ala una na pero hindi pa ako naka-lunch! Kaya kung ayaw mo pong mareklamo sa Department of Labor, hahayaan niyo po akong kumain. " inis na sabi ko. Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Sabagay, ako nga din eh. Hindi makapaniwalang sinabi ko iyon sa kanya. Hihi. Ah, bahala siya.
BINABASA MO ANG
My Hot Headed Hot Boss
RomanceNagalit si Lucian kay Caitlyn dahil sa pagbasag ng babae sa windshield ng pinakamamahal niyang sasakyan. At mas nagalit siya nang takbuhan pa siya ng babae! Dammit! Kailangan niyang mabayarana yun! Dahil gipit, kinailangang makahanap ng trabaho ni C...