Part Four

6.4K 64 2
                                    

Caitlyn

Nagising ako sa katok ng pintuan. Ang unang pumasok sa isipan ko ay baka si Aling Cecille na naman siguro iyon at maniningil na naman.

But no. Kilalang-kilala ko si Aling Cecille mangatok. Parang gigibain niyon ang pintuan sabay sigaw mula sa labas na bayaran ko na daw ang renta ko.

Kaya, sino naman kaya ang morning visitor ko, hmm? Bumangon na ako. I checked my oh so beautiful face in the mirror. Baka may muta o natuyong laway doon at nakakahiya naman kung sakali. Ang mga magaganda katulad ko ay kailagan parating maganda kahit bagong gising lang. Wala naman akong bad breath dahi bawal iyon sa mga maganda kaya hindi ko na pinatagal pa at binuksan na ang pinto.

Pinigilan ko ang sariling mataranta matapos makilala kung sino ang nasa labas.

"Good morning, Miss Sarmiento right?" tila hindi pa sure na sabi nito. Tumango ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Bisitahin ka ba naman ng HR Head ng kompanyang in-apply-an mo na si Miss Katarina Villafuerte?

OMG. Nandito ba siya para sabihing tanggap na ako sa trabaho? Sana naman, Lord!

"Can I talk to you?" marahang sabi niya. Tumango ulit ako.

"Uhm, inside?" tarantang binuksan ko ang maliit na apartment ko at pinaupo siya sa sofa. I composed myself. Ang mga magaganda ay hindi dapat natatranta. Mawawala ang poise mo nun. Kaya naman, pinilit kong maging kalmado.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss Sarmiento. I want to talk about what happened yesterday." seryoso niyang sabi.

Kahapon? Ahh, yung interview niya sa'kin?

"Tungkol po ba sa interview kahapon ma'am? Ano po ang tungkol dun? Tanggap na po ako?" masayang tanong ko na nakangiti. Wala namang ibang rason kung bakit narito siya kung hindi tungkol doon diba?

"No."

Parang binagsakan ng langit ang magandang mukha ko sa narinig na sagot niya. Huwaat? Hindi ako tanggap?! Eh, bakit siya nandito?!

"No, I mean--- hindi dun muna ang pag-uusapan natin sa ngayon. All I want to know is the the incident that happened in the parking lot."

Nanlaki ang magaganda kong mata sa narinig! Paano niya nalaman iyon? Oh my God! Hindi pa nga ako nag-uumpisang magtrabaho, may bad record na agad ako?

"Gusto kong malaman mo na nagalit at inis na inis sa iyo ang CEO." Dagdag pa niya nang hindi ako sumagot.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Natatakot akong lumuwa iyon kaya ibinalik ko siya sa normal size. Pero...

What the fuck!

Iyon yung CEO? Yung gwapo na yun? In fairness hindi siya matandang binata.

Gusto kong sabunutan ang sarili. Paano ko nagagawang sabihin to matapos ng mga narinig ko? Posibleng mawalan na ako ng trabaho! Diyos ko, patawarin niyo po ako sa ginawa ko kahapon, pero deserve niya rin naman talaga yun eh! Minura ba naman ako. Sa ganda kong 'to?!

"Ahh, Ma'am Villafuerte, edi ibig sabihin nun, hindi na ako pwedeng maging secretary niya? But believe me Ma'am, ginawa ko lang naman yun kasi minura niya ako! Hindi naman yata makatarungan iyon sa magagandang babae tulad natin." nininerbiyos kong paliwanag. Pero kahit saang anggulo ko man tingnan, malabong makuha ko na ang secretary position na yun. Afer what I did?

"But it's not a reason para naman batuhin mo yung sasakyan niya. He got mad as hell. Ni hindi nga niya magawang um-attend ng mga meetings niya kahapon dahil sa inis sa'yo. Kahapon ko lang siya nakitang ganun kainis." napalunok ako. Nagsisimula na akong kainin ng guilt ko.

"And I liked it."

Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya.

How...?

"My brother, Lucian is very controlling. Nakakainis siya! At talagang sinagad niya pa ang inis ko when he didn't agree for me to marry my boyfriend. So, I want your help."

So, kapatid pala ng hinayupak na yun ang magandang 'to. At napaka naman talaga ng lalaking yun! Bakit nito pipigilan ang dalawang pusong nagmamahalan?

Gosh, I'm being cheesy here.

Pero, ano naman ang maitutulong ko sa kanya?

"Ano naman po ang maitutulong ko sa inyo, Ma'am?" takang tanong ko.

"Isa pa Ma'am, baka po hindi ko na kayo matulungan kasi maghahanap pa ako ng trabaho---"

"I'll hire you as his secretary."  putol niya sa iba ko pa sanang sasabihin.

Kung nagkataong hindi ko alam na ang pesteng lalaking yun ang magiging amo ko, siguro ay gugulong na ako sa tuwa. But no. Baka patayin niya ako dahil sa ginawa ko sa sasakyan niya. I won't risk my beautiful life just to be murdered while working under him.

"Ma'am, kung hindi lang sana nangyari ang insidenteng iyon sa parking lot kahapon, matutuwa pa ako na tanggap na ako sa trabaho. But knowing that I'll be working with your brother na kulang na lang yata ay sakalin ako sa inis gaya ng description niyo kanina, huwag na lang."

"Please, Miss Sarmiento. I know na kailangan mo ng pera para sa renta mo dito. At hindi ganoon kadali ang maghanap ng trabaho. Walang mangyayaring masama sa'yo, I'm making sure of it. Saka, hindi naman nananakit physically yung kapatid ko. Mainitin lang ang ulo nun. Please Miss Sarmiento. Ikaw na lang ang last option ko." kulang na lang yata ay lumuhod sa harap ko tong maganda na to eh. Paano ko ba matitiis to? Pareho kaming maganda eh.

Saka tama siya. Hindi madaling maghanap ng trabaho. Pero yung trabaho ko naman ngayon ay baka naman yung ikamatay ko!

Huminga ako ng malalim.

"Okay, sige. Pero once na may gawing hindi maganda skin ang kutong-lupa mong kapatid, ay aalis agad ako." mariin kong sabi.

Nakita ko kung paano nagliwanag ang magandang mukha niya.

"I assure you that nothing bad will happen, Miss Sarmiento. Thankyou very much. By the way, you'll start tomorrow." masayang sabi niya. Nagulat ako. Bukas agad?!

"Ilang linggo na yang walang secretary. Why would we delay? And one more thing, mas mataas yung sweldo mo kaysa sa napau-usapan natin kahapon." sabi niya nang makita ang gulat sa mukha ko.

"Sige po Ma'am. Makakaasa po kayo na maaga pa ako bukas sa office ng kapatid mo." i said.

Tumayo na ito.
"Thankyou, Caitlyn. And by the way, call me Kat." tumayo na rin ako at nakangiting kinamayan ito.

"Salamat din, Kat."

Nakalabas na't lahat-lahat si Kat sa pinto ay tila lutang pa rin ako.

Saka nagliwanag ang lahat na tanggap ako at may trabaho na. Wala akong pakialam sa lalaking magiging amo ko.

"May trabaho na 'kooooooo!" masayang sigaw ko at pumasok na sa kwarto.

My Hot Headed Hot BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon