Caitlyn
Maaga akong nagising ngayong araw. Ngayon na kasi magsisimula ang impiyerno ng buhay --este ang bagong trabaho ko.
Kahit kinakabahan ako ay hindi ko na lang pinansin iyon. Hindi ako magpapatalo sa kaba ko. Mawawalan ako nang tirahan pag nagkataon.
Muli kong tinitigan ang repleksiyon ko sa salamin at kusang umangat ang labi ko.
Ang ganda-ganda ko talaga! Walang kupas!
At gagawin ko ang mabuti ang trabaho ko. Wala akong pakialam kung mainitin man
ang ulo ng magiging boss ko.Kinuha ko ang bag ko and I am ready to go! Six forty pa lang naman at malapit lang ang kompanya. Mga fifteen minute walk.
Sisimangot na sana ako nang makita ang receptionist kahapon na tinarayan ako. But I hold myself. Siguro, nagagandahan lang siya sa akin kaya ganun lang ang reaksiyon niya kahapon nang makita ako.
Instead, ngumiti ako ng matamis sa kanya habang papalapit.
"Good morning, Francine."
And as usual, tumaas ang isang kilay niya sa akin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ito nandto sa front desk. Eh, ang sama ng ugali niya! Ano'ng problema niya sa'akin?
"What are you doing here?" mataray niyang sabi.
"Again." mariing dugtong niya.
"Oh, you weren't informed?I'll inform you. I work here." ngumiti ako ng matamis sa kanya.
Napamaang siya. Tinalikuran ko na siya habang wala siyang reaksiyon.
Subalit napahinto ako at muli siyang nilingon.
"And, oh. As the CEO's beatutiful secretary." nakita ko kung paano siya ngumanga sa sinabi ko. I shrugged.
"Just to inform you." sabi ko.
"Again." dugtong ko rin.
I sighed and look at my watch. I can't believe I waste my three fuckin' minutes on that ugly duck. Pumasok na ako sa elevetor.
Nasa 38th floor ang opisina ng Gwapong CEO na mahilig magmura. I wont deny that he's freakin' hot. Two minutes more at seven na. Seven thirty ang start ng trabaho ko. I came earlier than the usual time of course, para magpa-impress.
Hindi para sa kanya, but for my work performance. Wala akong pakialam sa gagawin niya unless it's business.
Nang bumukas na ang elevator ay hindi ko mapigilang mapanganga sa ganda ng opisina niya. It was the only office on this floor at walang dudang napaka-lawak dito.
Agad kong nakita ang isang may kalakihang desk pagpasok mo pa lang. Siguro, ito ang magiging desk ko.
Tutal ay seven o' five pa lang, may chance pa akong malibot itong opisina niya. Inilapag ko sa desk ang hawak kong bag at binuksan ang malaking glass door na humahati sa labas at sa CEO's office. Pero mas malaking area ang nandito. mga 3/4 nitong whole floor.
Pinigilan ko ang sarili kong mapanganga sa nakita kong view ng siyudad sa likod ng isang glass table. Napakaganda!
LUCIAN ANGELO D. VILLAFUERTE
Chief Executive OfficerNapaismid ako. Ang gwapo ng pangalan saka mukha, matabil naman ang dila. Bawas points yun.
May mga mamahaling paintings na nakasabit sa dingding. Black and white ang theme nitong opisina niya. Halatang napaka-cold sa aura pa lang ng opisina. It screams intimidation and control. May isang black couch na naka display sa tila living room. May flatscreen TV at DVD player rin. Yaman.
Binuksan ko ang isang pintuan at nakita ko ang tila isang kitchen. Hindi lang basta kitchen dahil napakagandang kitchen ito na nakita ko sa buong buhay ko!
Puro magagara ang kagamitang naririto. Walang duda na napakayaman talaga ng mga Villafuerte.
Tumingin-tingin ako sa shelf at doon nakalagay ang mga achievements niya. In fairness, kahit ganun siya achiever ah. May iilang pictures din na naka display doon at nakakawalang gana lang manood kasi ni hindi man lang umaangat ang gilid ng labi ng CEO sa mga pictures.
Kumuha ako ng isa kung saan siya ang naka frame. Kahit saang anggulo mo titingnan ay walang bahid ng kapangitan sa katawan itong lalaking 'to.
Pwera na lang sa ugali. Tss.
"Who the hell are you?"
"Ay tiyanak!" sa sobrang pagkabigla ay nabitawan ko ang hawak na picture frame. Oh my God! Patay ako!
Nilingon ko ang nakabukas na pinto at mula doon ay nakita ko sa harap ko mismo ang lalaking nasa picture frame lamang kanina.
Picture frame na ngayon ay basag na. Ngumiwi ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya pinagana ko na lang ang kagandahan ko.
Ngumiti ako ng matamis.
"Good morning, Sir! I am Caitlyn Sarmiento. And I am your new secretary, Sir." who will kick your ass. Masaya kong sabi kahit kinakabahan na ako sa uri ng titig niya na nanunuot sa magandang kabutuhan ko.
"First, you broke my car's window. Now, you broke something here in my office! Sinong matinong tao ang gaganda ang umaga dahil sa ginawa mo?" inis niyang sabi.
Ay, inis na kaagad siya? Natawa ako sa naisip. Mukhang hindi naman ganoon kahirap itong pinapatrabaho ni Kat sa'kin eh. Kitam's? Wala pa ngang limang minuto ay nainis na kaagad siya sa akin! Gusto kong palakpakan ang sarili.
"You're fired."
What? Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Napalunok ako. But I composed myself. There is no way I will let him intimidate someone beautiful like me. Tss.
"Sir naman, first day ko pa lang, paalisin niyo ako agad?" I pouted. Dramahan na this.
"I don't care. Just get out and don't come back here. Remember, you broke my car's window. Malaki ang utang mo sa akin." naglakad siya papuntang desk niya. Gusto ko nang umiyak, but no. Papangit ako. At wala sa vocabulary ko yun.
"Sir naman, mahilig naman kayong mag-throwback. Kalimutan na lang natin yun and let's move on. What do you think, Sir?" nakangiti kong suhestiyon subalit tiningnan niya lang ako ng masama. Napaismid ako. Ba't kasi mainit na naman yung ulo niya sa'kin? Eh ang ganda-ganda ko naman ah. Hindi pa ba sapat yun?
Pasalamat na lang siya dahil napaka-hot niya. Kung hindi...
"You're talking nonsense. Get out. You're fired, didn't you heard it?" inis na tiningnan ko siya. Yan na naman ang matalim niyang dila!
"You can't fire me, so you know." I confidently said and cross my arms on my chest.
He chucled.
Nabibingi ba at nabubulag na ako o ano?
Seryoso?! Ngumisi siya? Oh my God!
"How can you say that? I am the CEO of this company and I can fire whoever I want. Even you." agad napalitan ng takot ang naramdaman ko matapos niyang sabihin iyon. Pero hindi ako nagpatinag.
Taas noo akong sumagot.
"Miss Katarina hired me. Siya lang ang makakapa-alis sa akin dito. Soooo, what do you want for coffee, Sir?"Lihim akong napangisi nang nagsalubong ang kilay niya. Halatang hindi nagustuhan ang pagsagot-sagot ko sa kanya.
Okay,
Caitlyn-1 point.
Lucian-0.I think I love my job already.
BINABASA MO ANG
My Hot Headed Hot Boss
RomansaNagalit si Lucian kay Caitlyn dahil sa pagbasag ng babae sa windshield ng pinakamamahal niyang sasakyan. At mas nagalit siya nang takbuhan pa siya ng babae! Dammit! Kailangan niyang mabayarana yun! Dahil gipit, kinailangang makahanap ng trabaho ni C...