Part Three

6.7K 66 2
                                    

Caitlyn.

Tangina, nasaan ako?Inilagay ko sa bag ang hawak-hawak kong cellphone.

Ilang beses kong nilingon ang paligid at wala akong makitang iba kundi mga sasakyan.

Malamang sa parking lot ka. Tanga.

Napangiwi ako. Busy kasi ako sa kaka-text kaya hindi ko namalayang sa parking lot ako nitong building inabot ng elevetor. Nilingon ko ang nag iisang elevetor na narito sa parking lot at saka ko nakitang nakasara iyon. Nasa 34th floor pa! Anong oras pa to makaka baba?

Siguro, lalakarin ko na lang ang exit nito. Mas madali pa iyon.

Tama! Ang talino mo talaga Cait. Di ka na magugulat pag tinawagan ka ng HR Head na si Miss Katarina Villafuerte para sabihing tanggap ka na sa trabaho dahil sa katalinuhan mo!

Napangiti ako sa naisip habang naglalakad. Sinusundan ko lang ang ang EXIT sign dahil iyon lang naman ang paraan para makalabas.

*toot tot tooot tot*

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko. Nakita kong nag text si Mama.

"Baby, uwi ka dito sa monday. May importanteng sasabihin kuya mo. Saka nami-miss ka na namin ng papa mo. Uwi ka ha? I love you baby.Mwa."

Umingos ako. Ni hindi nga ako magawang tawagan ni papa, tapos sasabihin niya na na miss ako? Tse! Maaalala lang nila ako pag gusto nila. Hindi na ako nagreply. Ma se-stress lang ang beauty ko. Ayokong pumangit at tumanda agad.

Paano ako makakahanap ng gwapong prince charming kung mukhang palaka na ako pag nagkataon?

*iling-iling*

Sa wakas! Nakita ko na rin ang exit! Hay naku! Nangalay rin ang beautiful legs ko sa kakalakad ah.
Tumawid ako sa isa pang labasan dahil mukhang mas malapit iyon sa pinanggalingan ko kanina bago ako pumasok.

Ngingiti-ngiti pa akong naglalakad palabas ng mapansin ko ang lumikong sasakyan papasok ng parking lot. May kabilisan iyon at hindi ko alam ang gagawin! Hindi ko maigalaw ang paa ko!

Okay, sisigaw na lang ako.

"Aaaahhhh!!!!"
Nilakasan ko pa lalo ang sigaw at ipinikit ko na lang ang mga mata ko.Diyos ko, ang vocal chords ko,

ang magiging trabaho ko,

ang prince charming ko...



*ssssccccrrreaaaaacchhhh*

Nakakabinging preno ang narinig ko bago ako tumilapon sa di kalayuan. Huli na.

Nag preno pa siya! Bwisit talaga!
Agad kong naramdaman ang konting kirot sa balakang ko. Napangiwi ako.

Pinilit kong tumayo.

Nakita kong lumabas ang isang naka-amerikanang lalaki mula sa kotseng muntik nang tumapos sa magandang buhay ko!

Walang hiya siya! Hindi ba niya alam ang salitang slow down?!

Mangiyak-iyak na naglakad ako papunta sa kanya.

"May karera, ha?! Bakit ang bilis ng takbo mo?! Muntik mo na akong patayin, walang hiya ka!" Dinuro ko siya sabay hagod ng kumikirot kong balakang.

"What the hell are you doing here? This is a parking lot and not a park for you to stroll in. Do'nt blame me for your dumbness, lady."  malamig nitong sabi. Aba! Wag niya akong ma ingles-ingles. Siya na nga itong muntik nang makapata ng maganda, tapos siya pa ang galit?!

"Excuse me?! I'm not a dumb! Kahit saang anggulo mo tingnan, ikaw ang may kasalanan!" unti-unti na rin nawawala ang sakit ng balakang ko. Salamat, Lord!

"Wala akong kasalanan because in the first place, nasa tamang dadaanan ako. You're walking through the entrace nang dadaan na sana ako. Sino'ng matinong tao ang gagala-gala dito sa parking lot? Use your pea-sized brain." malamig na sabi nito at tinalikuran ako at pumasok na sa magarang kotse niya. Napamaang ako.

What the actual fuck? How dare he?! Hindi ako nakatikim ng ganoong salita mula sa sinumang lalaki! Gago siya ah! Ano'ng akala niya sa akin?! Ni hindi nga lang nag sorry ang hayop niya!

I heard the car starts. Umusok ang ilong ko. Tapos aalis siya ng ganoon-ganun lang?! No way, highway! Gago ka ah. Akala mo kung sino ka ha?! Ang tabil ng dila mong lalaki ka ha. Humanda ka sa'kin.

Nakita ko sa di-kalayuan ang may kalakihang bato. I smirked.

I'll have some li'l fun.

Paliko na ang kotse nang ubod lakas kong binato ang batong hawak ko doon.

Umalingawngaw sa tahimik na parking lot ang tunog ng nabasag na salamin. I hit the back glass. Lumapad ang ngisi ko. Now, we're even, jerk.

Nang makita kong huminto ang kotse ay dali-dali akong lumabas sa pesteng parking lot na yun at agad na pumara ng unang taxi na dumaan.

My Hot Headed Hot BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon