Part Two

6.7K 63 1
                                    

Caitlyn.

"Villafuerte Company. Nandito na yata ako." muli kong tiningnan ang papel kong hawak at ang mataas na buliding sa harapan ko. Sooo, dito pala ako magtatrabaho pag natanggap ako. Hehe.

Matatanggap ako. Ako pa. Kaya ko 'to!

Matapos humugot ng malalim na hiniga ay nakangiti akong naglakad papasok ng magarang kompanya. I walked confidently towards the front desk.

"Hello, Miss ... Francine." bati ko matapos matingnan ang nameplate niya. Well, di siya kagandahan.

"Hello, Miss. Ano ang kailangan mo?" mataray niyang sabi. I was shocked. A receptionist like her is supposed to be kind to a beautiful visitor like me, right? Paano napunta sa ganitong trabaho ang walang modong babaeng 'to?

"I just wanna ask if where is the HR department?" mahinahon kong sabi kahit na gusto kong sabunutan ang babaeng to. I won't stress myself dahil lang sa kanya. In fact, I didn't come here for her.

"Fourteenth floor, room 621." sabi niya.

"Thankyou." dumiretso na kaagad ako doon.

Madaming aplikante tulad ko ang naroon at karamihan ay mga babae. Iilan lang ang lalaki na nandito.

Umupo ako sa silyang nakasunod sa pila.

"Balita ko, ilang beses nang magpalit ng secretary ang CEO. Masungit daw eh. Saka laging mainit ang ulo." narinig kong sabi ng isa sa mga kasama ko. Katabi ko silang nakaupo at busy sila sa pagkukwentuhan. Nakinig na lamang ako.

So, CEO pala ang nangangailangan ng sekretary? Akala ko naman ordinaryong empleyado lang nitong kompanya. Big time pala ang magiging boss ko pag nagkataon.

"Oo nga. Baka naman matandang binata kaya ganun? Hindi naman iinit ang ulo nun kung hindi laging nagkukunsumisyon." naghagikhikan sila.

Naku naman! Mas okay na yung matandang binata na mainitin ang ulo yung magiging boss ko kaysa naman yung matandang manyakis pareho nung nakaraang amo ko. Naupakan ko nga yun bago nag resign eh. Walang ibang ginawa kundi titigan ako buong maghapon. Nakakailang, promise.

Ilang aplikante na rin ang natapos at malapit na nang ako ang iinterview-hin. Inayos ko ang black pencil skirt ko saka sinuklay ang mahaba kong buhok using my fingers. Kaya mo 'to Cait.

Bumukas ang pinto.

"Miss, ikaw na ang susunod." sabi ng babaeng lumabas mula sa kwarto. Huminga ako ng malalim at taas noong lumakad papasok.

This is it ...

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

My Hot Headed Hot BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon