Faded Memories 24

1.1K 42 37
                                    

Ang tagal ba Guys, Sensya na Ha, Galing lang ng Vacay hehehehe.. Sulit naman.. Happy Newyear Guys, Hahahaha..:)



" Anne, Ano ka ba naman, Ke Aga aga eh, Nakasarado lahat ng bahay, Ano pano tayo papasukin ng swerte kung nakasarado ang bahay natin, Hoy May araw na, ay naku, kung andito lang si lola, nakurot ka na sa singit niyan eh,," Si Sasha, habang binubuksan ang bintana sa kanilang kwarto, May dala rin itong Plastik na nilapag lang sa gilid ng tukador..



" Nga pala, Anong oras ka dumating kagabe Mhadz?." Sabi nito, Na ngayon ay nakapameywang na sa harapan niya. Nagtakip naman siya ng Unan sa mukha, at kumot sa antok, Pagod na pagod rin kasi ang kaniyang katawan..



" Hoy, Mhadz anong oras ka dumating kagabe?" Sabi nito, Na umupo na sa tagiliran niya, Matapos magpalit ng damit, Nakaboxer na sando ito, at short shorts.. naghihikab din ito Mukhang galing ito sa School.. Kaya naman agad siyang tumayo, kahit na ayaw niya, dahil sa antok, Nilapitan naman siya nito, At hinawakan ang talukap ng kaniyang mata,,



" Ano?" Sbai niya rito, Tumawa naman ito sa kaniya, At biniro pa siya...



" Mukhang Puyat ka Mhadz, san ka ba sumusuot?" Si Sasha ulit..


" Ah, Sa trabaho, San naman ako susuot?." Kandabulol na sabi niya sa kabigan, Matapos tumayo sa kama, At pumunta ng Bintana, inayos niya ang kurtina doon... Humiga naman ito sa Kama, na hinigaan niya..



" Ay naku, Alam mo ikaw, Lagi ka nalang wala dito sa bahay, nagiging gala ka na, Sabagay Mhadz, hindi na rin tayo nagpang aabot kasi nga diba, Pang umaga ako, Panggabe ka,, Isa pa busy na ako ngayon sa school, Alam mo sa totoo lang, Rumaraket lang talaga ako, para kalay lola eh, Kaso alam mo, naiinis ako dun sa kabigan ni Sir. Marco. kapal talaga ng Mukha.. Kala niya naman, Napakagwapo niya, At akala niya Mapapayag niya ako sa Gusto niya, Isang beses lang yun, Dahil pinilit pilit ako ni Sir. Marco, Kaya hindi na mauulit yun.." Galit na sabi nito. Napalunok naman siya ng laway, sa narinig mula sa kaibigan, Kaya minabuti niyang lumabas, at Kunin ang dala nitong plastik, na may laman ngang pagkain, mabilis niyang tinanggal iyon sa lagayan, ng makita niya na tuyo ang laman niyon, Napangiti siya ng lihim, ng isalang ang kawali sa kalan, at nag umpisang magluto, Pasipol sipol naman si Sasha, na lumabas ng Kwarto, ng maamoy ang kaniyang niluluto.



" Oh niluto mo na pala Mhadz, Tara kumain na tayo, Kasi ako, talagang gutom na ako.." Sabi nito, Na nilagay ang pagkain sa lamesa, agad naman siyang sumunod sa kaibigan, Nas kalagitnaan na sila ng pagkain ng, May narinig silang busina mula sa labas ng bahay, kaya naman napatayo si Sasha,,



" Mhadz, may bisita ba tayo?" Sabi nito sa kaniya, napatingin naman siya sa kaibigan at nagkibit balikat..


" Wala naman, Baka basura lang.." Sabi niya rito, na ikinatawa nito,


" Paanong basura? sa tapat ng bahay natin eh,l sandali bubuksan ko lang ng masilip." Sabi naman nito, Hinayaan niya lamang ito, At ito ng tumayo,, Mula sa pagkakaupo,, subalit nakarinig na lamang siya ng Sigaw mula dito, Kaya naman napatayo siya, At napasunod sa kaibigan.

FADED MEMORIESWhere stories live. Discover now