Isa

136 4 1
                                    

Malamig na ang simoy ng hangin at nagiging iba na rin ang mga taong naglalagu rito sa plaza. Ngunit heto pa rin kami ni Nico, hindi nagkikibuan.

Simula nang sabihin ko sa kanya ang balita ay hindi na sya nagsalita at lumalim na ang iniisip.

At simula rin noon ay hindi na mawala ang kaba sa dibdib ko at ang takot na baka iwanan nya ako.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya na natatakot ako dahil ayokong matakot rin sya at baka bigla nya akong iwan. Pero kung hindi ko sasabihin sa kanya, kanino ako kakapit?

"Ano na ang plano natin, Nico?" tanong ko sa kanya. "Papanagutan mo ba ako?"

Naghilamos sya ng mukha at pinadaan pa nya ang kanyang mga daliri sa buhok niya.

"Anong klaseng tanong yan, Mera? Syempre papanagutan kita! Anak ko 'yang dinadala mo."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Sobrang saya ko. Ang mga salitang 'yun lang naman ang hinihintay kong lumabas sa bibig nya.

"A-akala ko iiwan mo na ako. Akala ko hindi mo tatanggapin ang magiging anak natin." umiiyak akong niyakap sya. "Maraming salamat. Mahal na mahal kita, Nico."

"Mahal ko kayong dalawa." sinabi nya at binalik sa akin ang yakap.

"Kailan natin sasabihin sa mga magulang ko?"

Nagkulay suka si Nico sa narinig nya mula sa akin.

"H-hindi kaya mapatay nila ako?" takot na tanong ni Nico.

"Hindi namN siguro. Isa pa, sinabi mo namang papanagutan mo ako. Tumupad ka lang, matatanggap ka rin nila."

Sa kanila Nico na ako tumuloy matapos ang ilang araw. Aniya'y para mas mabantayan nya ako at ang aming baby.

"Kaya ko pa, Nico. Semis namin ngayon, hindi ako pwedeng umabsent." pagpupumilit ko rito. Ayaw kasi ako nitong pabangunin man lang sa kama.

"Pero sabi mi masakit ang balakang mo."

"Normal daw yun. Tsaka tatawagan na lang kita pag emergency na emergency talaga."

Bumuntong hininga sya bagi yumuko sa harapan ko.

"Ok. Pinapayagan kita pero ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang sarili mo. Ok ba?"

"Aye aye, captain! I love you!"

Napagplanuhan namin ni Nico na umuwi sa aming probinsya sa sembreak. Sa mga panahon na yun ay tatlong buwan mahigit na ang tiyan ko. Mahahalata na kaagad ang umbok dahil sa payat ako.

Kinokondisyon ko rin si Tatay. Lagi akong nangangamusta kung hindi ba inaatake ng high blood si Tatay. Sinabi naman ng Inay na mahusay naman raw silang lahat roon.

"Buntis... boy... anakin..." kinabahan ako sa sinasabi ni Inay. Putol putol ang mga salita dahil sa mahinang signal sa  baryo.

"Ano ho, Inay? Sinong buntis? Hindi ko ho kayo maintindihan. Chappy!"

Kinabahan ako dahil baka alam na nina Inay ang pagbubuntis ko. Pero sino naman ang magsasabi? Wala pa kaming pinagsasabihin ni Nico.

"Yung baboy kako ay buntis. Sa paguwi mo ay aanak na ito at maipapagbenta na rin sa wakas. May pang tuition ko na sa susunod na sem."

Napalunok ako.

Nakaplano na kasing hihinto muna ako sa pagaaral hanggang sa maka-anak ako. Matapos ay saka ako magpapatuloy ng pag-aaral.

"Ah, mabuti naman ho pala. Inay, ang Ate po?"

"Lumuwas sa bayan para ibili ng gamot sa hika itong pamangkin mo. Madalas kasing atakihin ngayon dahil sa mainit ang panahon."

"Nakapagpadala na po ba ang tatay ni Jay ng sustento?"

"Wag na wag mong ipapaalala ang sustento ng walanghiyang ama ni Jay at tumataas ang dugo ko! Ikaw Almera ha! Wag kang gagaya sa ate mo na nagpabuntis sa kung sino na lang at wala namang bayag para tayuan ang responsibilidad! Hesusmaryosipo! Ang sakit ng batok ko!"

Naghurumentado na kaagad si Inay hindi pa man rin ako nakakahirit.

Kinabahan tuloy ako sa pag-uwi ko.

Hindi naman gagawin ni Nico sa akin ang ginawa ng tatay ni Jay kay Ate. Hindi ko kakayanin at baka kapag nangyari iyon ay magpatiwakal na lamang ako.

Sinamahan ako ni Nico sa center para magpatingin. Binigyan ako ng doctor ng mga gamot at vitamins para sa bata. Pero dahil sa pareho kaming estudyante at maliit lamang ang mga allowance ay ibayong pagiingat na lamang ang gagawin ko.

Sa boarding house rin nila Nico ako nakatuloy ngayon. Nakakailang man dahil ako lang ang babae roon maliban sa landlady ay tinitiis ko na lang. Ayaw ko rin naman kasing mawalay kay Nico.

Isang gabi ay nagkaayaan ang mga boarders na mag-inom sa terrace.

"Mera, pwede ba akong sumali sa kanila?"

Kahit noon pa, kita ko man o hindi, ay laging nagpapaalam itong si Nico sa akin. Ngayon na kita ko naman sila, papayagan ko na.

"Konti lang, ah? Ayaw kong amoy alak ang katabi ko mamaya."

"Sure. Love you." saka ako hinalikan sa labi na mabilis lang.

Napabaling tuloy ako sa landlady na masama ang tingin sa amin. Bawal kasi ang babae rito pero dahil malapit naman si Nico sa kanya ay napakiusapan nya ito nang hindi sinasabi ang aking kondisyon.

Nang una ay nakiupo muna ako sa kanila. Di naman ako uminom at pulutan lamang anf akibg kinain.

Pinaguusapan nila ang eskwelahan at ang dumaan na semis. Kanya kanyang bida ng mga sagot at diskarte sa panunulad sa katabi ang kwento.

Maya-maya oa ay napunta na sa babae ang usapan. Nailang ako. Lalo pa't 'chicks' ang tawag nila.

"Pero ang pinakamalupit ay yung kakilala kong naka-bull's eye na nga, may girlfriend pang isa." si Harold ay medyo may tama na.

"Oo, at inuwi pa sa bahay ang toro! Kunwari ay papanagutan pero sa huli iiwanan rin!" si Lance naman iyon.

Hindi na naiwasan ng utak ko na isipin na ako ba ang toro tinutukoy nika? Na si Nico ba ang naka-bull's eye na ay may girlfriend na iba?

"Oh, Nico? Mukhang pinagpawisan ka yata? Relax, pare."

Tumayo na ako.

Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.

Ako man o hindi ang tinutukoy nila, nababastusan oa rin ako para sa mga kapwa ko babae na kung oagusapan na lamang nf mga walang habas na lalaking ito ay ganun na lang.

Nakahiga na ako sa kama ni Nico pero hindi ako dalawin ng antok.

Paano nga kaya kung naging ganoon ang sitwasyon naman ni Nico? Na may iba syang girlfriend sa likod ko?

Marami akong kilalang tao na tinu-two time sila ng boyfriend or girlfriend nila. Mas madaling tapusin ang relasyon nla dahil damdamin lamang nila ang naguugnayan (minsan ay init ng katawan). Paano kung katulad kong may batang isinasaalang alang? Paano ang gagawin ko?

Tumunog ang cellphone na nasa ilalim ng Unan ni Nico. Naiwan nya pala.

Kinuha ko ito at nang makita na tawag ito ay sinagot ko agad.

"Bakit di mo ako pinuntahan ngayong gabi? I miss you, Nico."

Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon