Tapos na ang finals. Nahirapan akong mag-aral dahil sa mga biglaang pagsakit ng katawan ko tapos ang takaw takaw ko sa tulog. Konting sandal lang, tulog! Tapos hindi ko naman pwedeng pagurin ang sarili ko at magpuyat dahil pinapagalitan ako ni Stephanie. Sya raw naman kasi ang inaabala ni Nico pag kinakamusta nya ako e.
At ngayon nga ay tinutulungan ako ni Nico mag-impake ng mga dadalhin ko. Kaunti lang naman. Mga labahin lang na maiiwan ko rito ay iuuwi ko na sa amin.
"Hindi muna ako sasama sa iyo. Tulad ng napagusapan natin, ako na muna ang bahalang ayusin ang clearance mo pati na rin ang grades mo. Basta baka mga makalawa ay pumunta na ako sa inyo." sabi ni Nico sa akin.
Ako na rin ang nag-suggest na huwag muna syang sumama sa akin. Titignan ko muna kung maayos ba sila Tatay roon. Kung wala namang masama ay saka ko sya pasusunurin. Umisip na lamang si Nico ng paraan o dahilan para hindi naman masayang ang pagstay nya ng ilan pang araw.
Sinabi rin nya sa mga magulang nya na dadalaw muna sya ng ilang araw sa amin bago sya umuwi sa kanila ngunit di nya muna sinabi na kasama ako sa pag-uwi sa kanila. Siguro'y ayaw rin nyang mag-alala ang mag ito sa amin.
Hindi kami illegal. In fact, tuwing pyestahan o kahit anumang importanteng okasyon ay pumupunta ako sa kanila at ganun rin si Nico. Hindi naman kami pinagbawalan ayun nga lang ay nalabag namin ang isa sa pinakamahalagang paalala sa amin ng aming mga magulang... "Wag muna magbubuntis."
"Kinakabahan ako." sabi ko. "Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko."
"Hindi kaya morning sickness iyan? Ano? Sumama na lang kaya ako sayo?"
"Wag! Kaya ko na 'to. Kung morning sickness man ito ay ako na ang bahala."
Inihatid ako ni Nico sa terminal. Bago ako sumakay sa bus ay kainamang pagpapaalala nya sa akin. Si Steph naman ay nagreremoval ngayon kaya hindi nya ako naihatid. Nag-paalam na rin naman ako sa kanya kagabi pa kaya napaalalahanan na rin nya ako.
"I love you. Hintayin mo ako." sabi ni Nico bago ako sumakay.
"Yep. I love you too. Behave ha!"
"OPO!"
Tatlong oras ang byahe mula sa Batangas City hanggang sa San Juan. Pagkarating pa sa San Juan ay may isang oras pang sasakay ako ng tricycle papunta sa baryo namin.
Halos meryenda na ng makarating ako sa bahay dahil sa baku-bakong daan ng tricycle.
"Ninang!" salubong kaagad sa akin ni Jay at kinuha ang aking kamay upang mag-mano.
Kita ko naman si Tatay na nakadungaw sa may bintana at kumaway nang makita ako. Si Inay ay lumabas ng bakuran upang salubungin ako.
"Mera!" tinignan muna ako ni Inay na para bang hindi ito makapaniwala na naroon na ako. "Buti at nakarating ka ng maayos. Panay ang pagaalala ko sa iyong bata ka."