Dalawa

97 2 1
                                    

Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko sa katawan ay nawala. Naramdaman ko ang panghihina kahit na nakahiga na ako sa kama.

"Hello, Nico? Baby? Kasama mo na naman ba si Mera? Sabi mo hihiwalayan mo na sya? Sana magawa mo na iyon para tayo na talaga. 'Yung hindi tayo nagpapanggap na magkaibigan lang. 'Yung malaya nating nahahawakan ang kamay ng isa't isa. 'Yung napapakita natin sa lahat kung gaano kita kamahal at kung gaano mo rin ako kamahal. Siguro nga kasama mo sya kaya hindi ka nagsasalita. I understand. Kelan mo nga pala sasabihin sa kanya ang plano mong ipa-abort na lang ang bata?"

Hindi ko alam kung paano ko naatim na pakinggan ang sinabi ng walang hiyang babae pero nang marinig ko na ang huli niyang sinabi ay sumabog na ang utak ko.

"Hayop ka! Walang hiya!" sinigawan ko ang babaeng nasa kabilang linya. "Aaaaah! Mga baboy kayo! Hayop! Hayooop!"

Ibinato ko ang cellphone sa dingding at saka kinuha ang maleta ko at niligpit ang mga gamit ko.

"Mera!" at narito na pala ang walanghiya kasama ng mga kaboardmate nya pati na rin ng landlady na nag-aalala sa akin.

"Hayop ka!" hinarap ko sya saka sinampal. "Walang hiya ka, Nico!  Pinaasa mo ako! Sabi mo ako lang. Sabi mo mahal mo ako at ang anak natin. Pero bakit may iba kang babae? At bakit plano mo pang ipa-abort ang anak natin?! Ha?! Tarantado ka! Hayop! Walang hiya!" At bumigat na ang mga kamay ko. Sinampal at sinuntok suntok ko sya.

Walang luhang lumalabas sa akin ngunit ramdam ba ramdam ko ang init ng ulo ko.

"Kung ayaw mo sa responsibilidad, pabayaan mo na lang ako! Mabuti pa sana'y sinabi mo na una pa lang na hindi mo kaya. Sana'y hindi na Ko umasa."

Hinarap kong muli ang maleta ko at isinara ko na iyon. Hayaan na ang mga ikang vamit na maiiwan makaalis lamang ako sa bahay na to at sa buhay nya.

"Mera, ano bang sinasabi mo?!" iniharap nya akong muli sa kanya at pinigilan ang aking mga kamay. "Saan mo ba nakuha ang mga ideang iyan?!"

"Wag ka ng magmaang maangan, Nico. Ang babae mo na ang nagsabi. At ang mga kabarkada mo na rin ang unang nagsalita. Kaya ba hindi mo ako mapangakuan ng kasal?! Dahil plano mo nang hindi ako ang maging kasama mo habangbuhay? At sino ang walanghiyang babae?! Ah! Wag na pala. Hindi ko na aalamin dahil baka makalbo ko sya kapag nalaman ko pa."

Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng kwarto.

"Nico, hinding hindi ko ipapa-abort ang bata. Pero sisiguraduhin kong hinding hindi mo makikita ang anak ko. Tapos na tayo, Nico."

Pinabayaan nya lang ako makaalis.

Nang nakalayo na akk ng ilang kanto sa paglalakd ay doon ko lang naramdaman ang luha sa mata ko na bumagsak na. Doon na ako napaupo sa kalsada at umiyak ng umiyak.

"Hayop na lalaki. Hayop sya."

Pakiramdam ko'y wala na akong lakas pang tumayo, lumakad at magmulat ng mata. Ang sakit sakit. Hindi ako makahinga ng ayos sa sobrang sakit nv nararamdaman ko sa dibdib ko.

Parang tinatadtad ang puso ko at pinipiga sa sobrang sakit. Hindi ko na kaya.

Nagising ako sa isang puting kwarto. May swero rin ako sa kamay at may lalaking nakasubsob sa tabi ng kamang hinihigaan ko.

Ang naleta ko ay nakapatong sa sofa sa loob ng kwartong ito. At ang suot ko ay ganun pa rin.

"Anong nangyari?" bulong ko sa aking sarili.

Gumalaw bahagya ang lalaki at tumunghay.

"Miss, ok ka lang? Ok na ba? May gusto ka bang kainin o inumin o ano ba?"

Nagaalalang tanong ng lalaki.

"Sino ka? Bakit ako narito?"

"Nakita kita kanina sa tabing kalsada. Nakahiga at walang malay. Pinagtitinginan ka ng mga tao at akala nila ay patay ka na. Doktor ako at tinignan kita. Dinala kita dito sa hospital para masuri."

"Ah, ganun po ba? Salamat po. Pero pagod lanf po siguro ito. Aalis na po ako." sabi ko rito at nagpumilit bumangon. "Wala po akong pambayad dito sa ospital. Uuwi na po ako."

"Teka, Miss! Hindi ka pa pwedeng umalis. Makakasama sa baby mo." pigil nito sa akin.

"Alam mo na buntis ako?"

"So buntis ka nga? I was just joking pero buntis ka nga pala talaga." ngumisi ito.

Wala ako sa mood na makipagkaibigan o makipagkilala o makihalubilo sa mga tao ngayon. Malaki ang problemang dala dala ko. Wala akong panahon.

"Aalis na ako."

"Hindi nga pwede e. Gaya nyang buntis ka pala at nahimatay ka dahil sa fatigue, kailangan ka munang masuri. Gusto mo bang mapahamak ang baby mo?"

Naginit ang mga mata ko at hindi na naman napigilan ang luha.

Sa panahon ngayon, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Kung kanino ang kakapit. At ngayong baka nanganganib ang baby ko, at may nafmamalasakit sa amin... tatanggapin ko na.

"Tahan na, Miss. Libre ko na 'to. Wag ka ng umiyak. Shhh..." inaalo nya ako sa pamamagitan ng paghihimas sa likod ko.

"Tulungan nyo po ako." 

Ginawan ako ng ilang tests at sinabi naman ng doktor na pahinga lamang raw ang kailangan ko. Kagaya noon ay niresitahan rin ako ng mga vitamins. Mas mahal ang mga ito kumpara sa binigay sa center at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambili.

"Heto na. Sagot ko na yung gastos mo dito sa ospital pati na rin anf mga vitamins at gatas mo."

"Maraming maraming salamat po. Kelan po ba ako pwedeng umalis?"

"Dito ka na magpa-umaga." 

HIndi ko alam kung anong pwersa ba ang meron sya at nang mahigip nya ang mga mata ko ay parang hinihigop nya ang kaluluwa ko. 

Agad kong iniwas ang tingin ko.Ito rin ang una kong naramdaman kay Nico noon. Pero agad agad? Hindi. Nabibigla lamang ako dahil nangungulila ako kay Nico.

Kahit papaano, mahal ko pa rin sya kahit na niloko nya ako. Walanghiya. 

"Sige po. Maraming salamat po talaga." 

Hindi agad umalis ang doktor na tumulong sa akin at hinintay pa nya akong makaayos ng higa.

"Uhm..." animo'y hindi mapakali ang Doktor. "Ano bang number ng asawa mo? Para matawagan ko na sya at maipaalam ang --"

"Wag na ho kayong mag- abala pa. Wala ho akong asawa."

HIndi na nagulat ang Doktor sa sinabi ko. Siguro'y naisip nya na isa na naman akong biktima. Sanay na sanay na. Nakakaawa ang sitwasyon ko.

"O sige. Uhmm... Sige Miss Almera." tumalikod na ito.

"Uhmm.. A- ano po ang pangalan nyo?"

Bumaling itong muli sa direksyon ko at ngumiti. Ang pinakamagandang ngiti na nakita ko. Ang dahilan kung bakit nakaramdam ng luwag ang puso ko.

"Ako si Kevin."

Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon