Apat

65 1 1
                                    

"Tell me! Who's that cute Doctor?!" untag agad sa akin ni Stephanie. 

"Wait! Type mo?" Tanong ko.

"Wait! What? Teka..."

Sa sobrang excitement ni Stephanie ay hindi na rin nya naiintindihan ang sarili. 

Tinignan ko na lamang sya habang inaayos ang sarili. Nakakatuwa na makita syang ganito. Eversince ganito na sya. I love her so much. Hindi ko nga alam kung paano ko sya naging bestfriend. Basta na lang one day, we clicked and the rest was history.

"OK ka na?" tanong ko sa kanya muli.

"Yeah. Teka. I don't know where to start."

"Ako na lang kaya magkwento?"

"Yeah. Yeah. And I'll shut my mouth." sabi nito at talagang umupo ng ayos para pakinggan ako.

"Steph, maipapangako mo ba sa akin na hindi magbabago ang tingin mo sa akin?"

"Mera, we've been friends for like four years or so and I saw many changes in you. Pero nag-iba ba ang tingin ko sa 'yo? At kilala mo ako, I don't judge people." sabi nito na ikinataba naman ng puso ko.

"Salamat. Sa... sa sasabihin ko sa 'yo... magugulat ka."

"Come on! Don't let me wait!" untag nyang muli sa akin.

"OK... Stephanie, b-buntis ako."

Literal na napanganga si Stephanie ngunit nakabawi naman sya agad at naguluhan ang itsura. 

"Wait, what?" 

"Sabi ko... buntis ako."

"Ninang ba ako?"

Napangiti ako sa sinabi nya. 

"Oo naman!"

Niyakap nya ako ng mahigpit. Pero bigla rin akong hiniwalay at nagtaka na naman ang itsura.

"Wait! Sino ang ama? Si Doc?!" May bakas ng panghihinayang sa boses ni Stephanie sa sinabi nya. Alam ko na agad na type nya si Doc.

"Hindi! Si N-nico."

"Ha?! Kung si Nico then bakit ka nya hinahanap kaninang madaling araw? Nag-away kayo? Nakipaghiwalay ka ba sa kanya?!"

Napayuko ako. Alam kong maiinis sa akin si Stephanie. Ang daming nangyari sa akin at ang tagal kong hidni nagparamdam sa kanya. Ngayon, pupunta ako rito... biglang makikitira... biglang magsasabi na buntis... biglang magpapakita.

"Alam mo bang hinanap kita? Tinext kita ng hindi lang isang beses o dalawa. Maraming beses! Ilang linggo kang hindi nagparamdam sa akin, tapos ngayon may problema ka hindi mo sinabi sa akin? Muntikan nang pasukin ni Nico ang bahay ko dahil lang akala nya tinatago kita gayong wala naman akong kaalam alam sa nangyayari sa yo!"

"Eh, Steph, sorry na. Patawarin mo na ako. Sa sobrang gulo at dami na rin kasi ng nangyari sa akin, hindi ko na rin naalala na tawagan ka." 

Natahimik sya. Wari ko'y nag-iisip sya. Kilala ko sya. Bago sya magsalita ay iisipin muna nya kung ano ba magiging epekto nito sa akin.

"Ok. Kung ako rin naman nga ang nasa sitwasyon mo baka hindi ko rin alam ang gagawin ko." sabi nya.

"Tama." napakagat ako sa labi ko. Susundan ko na ang kwento ko. "Tumira ako ng ilang araw sa boarding house ni Nico. Sabi nya kasi papanagutan nya ako. Pumayag ako. Pero kagabi may tumawag sa phone nya... babae. Steph, sobrang lakas ng tibok ng puso ko noon. May hinala na kaagad ako noon. HIndi ko mapigilang hindi maghinala kaya nang marinig ko ang sinabi ng babae... nag- breakdown na agad ako."

Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon