Tatlo

85 2 2
                                    

Mapilit si Doc Kevin na ihatid ako sa pupuntahan ko pero ang totoo ay wala naman akong pupuntahan. Nasa isip kong magpalaboy laboy muna. Pero nangangamba ako sa kalagayan ng anak ko.

"Sabihin mo sa akin ang problema, Mera." Umupo si Doc Kevin sa harap ko. "Alam kong maraming gumugulo sa isip mo kaya ka nahimatay. Sabihin mo sa akin at baka makatulong ako."

Pagod na akong umiyak pero sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari ay nagiinit na lang bigla ang mata ko. Akala ko ubos na ang mga luha ko.

Tumungo ako at niyakap ang bag ko. Ang isa ko namang maleta ay nasa gilid ko.

Nadito ako sa clinic ni Doc Kevin. Pedia pala sya. Nasa mid 20s lang siguro itong si Doc Kevin. Kitang kita mo sa clinic na ito ang pagkamahilig nya sa bata. Puro stuffed toy ang nakapaligid at malamlam sa mata ang pintura ng kwarto. May isang jar rin na puno ng candy at box ng chupachups. Ang stethoscope nya ay nakabalot sa giraffe at may background music na 'It's a small world after all' ang clinic. Mahina lamang ito.

Tinignan ko ring mabuti si Doc Kevin. Malalim ang kanyang mga mata at clean cut a buhok. Maliit ang mukha nya at may manipis na labi. Ang tangos ng ilong pati. Matangkad ito. Bumagay sa kanya ang pagsusuot ng puting gown ng mga doctor. Meant to be a doctor.

Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya kaseryoso sa pagpipilit sa akin at sa pagaalala. Hindi ko rin alam kung paano nya ako mabilis napagtiwala sa kanya.

"Ang totoo po, naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil nahuli ko syang may ibang babae maliban sa akin. Hindi po alam ng mga magulang ko na buntis ako. Ngayong naghiwalay na kami ng boyfriend ko, hindi ko na alam kung saan ako pupunta." nakatungo akong nagkwento sa kanya. "Ayaw ko pang umuwi sa amin dahil natatakot ako sa maaaring sabihin at gawin ng Nanay at Tatay ko. Hiyang hiya ako sa mga nagawa ko. Nagpakatanga ako."

Naramdaman kong hinaplos ni Doc Kevin ang mga braso ko. Haplos ng pagpapatahan. Umiiyak na naman ako.

"Hiyang hiya ako. Ang tanga tanga ko. Ilang beses akong sinabihan ng mga magulang ko na huwag ko bg ulitin ang nangyari sa Ate ko pero ganun pa rin. Naulit pa rin. Gusto kong humingi ng tawad pero natatakot akong hindi nila ako patawarin. Hindi nila ako tanggapin at ang magiging anak ko kagaya ng ginawa ng tatay nya."

Lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Kung natatakot ka, sumandal ka sa 'kin. I'll help you, Mera. Let me help you."

Umiling ako.

"Hindi mo ako kilala. Paano kung isa akong modus? Paano kung palabas lang ang lahat? Na gumagawa lang ako ng paraan para malibre sa ospital? Ha? Doc Kevin?"

"Alam kong hindi ka ganung tao, Mera. May pinanggagalingan ang lahat ng luha na  'yan. At ang sakit sa puso mo, nararamdaman ko. Mera, tignan mo ako bilang kaibigan mo at hindi stranger. Kaibigan mo na ako. Takbuhan mo na ako. Shoulder to lean and cry on."

Mas napaiyak ako. Totoo ba sya? Talagang may taong katulad nya?

Sa mundo ngayon, hindi ka basta basta nagpapatuloy ng ibang tao lalo pa't hindi mo kakilala sa buhay mo. But why Kevin? Bakit ang bilis para sa kanya na akayin ako at patuluyin sa kanya kahit kagabi lang nya ako nakita at nakilala.

Pero hindi ko aabusuhin ang kabaitan niya. Magsasabi na lang muna ako sa kaibigan ko kung pwede ba akonbg tuuloy sa kanya. Maghahanap muna ako ng trabaho para may panggastos ako at makapag- board rin muna.

Hindi muna ako uuwi sa amin. Ayaw ko munang magkagulo ang pamilya ko. Parang hindi ko rin kayang makita na isa rin akong disapppointment katulad ng nmangyari kay Ate.

"Ihatid mo na lang ako sa kaibigan ko. Doon muna ako."

Buti at nasabi ko na kay Doc Kevin ang address ni Stephanie na kaibigan ko. Nakatulog kasi ako sa byahe. 

Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon