Pito

42 2 1
                                    

Pero ang totoo'y hindi talaga ako nakatulog ng maayos. Mababaw at maya maya ko'y tinitignan ang cellphone ko. Gusto kong Makita kung nag-text nab a si Nico or si Stephanie man lang. Pero ni isa sa kanila ay walang nagte-text.

Nagising ako nang magising na rin si Jay. Maghahanda na sya para pumasok sa eskwela.

"Ninang," niyakap ako ni Jay at inilapat ang tenga sa tiyan ko. "Magiging kuya nap o pala ako."

"Oo, Jay. Kaya dapat maging mabait ka na bata para gagayahin ka ng baby ko." Sabi ko sakanya saka hinaplos ang buhok niya.

"Ok po, Ninang."

Ginayakan ko na si Jay sa pagpasok nya sa school. Inayos ko na rin ang mga gamit at baon nya at habang ginagawa ko 'to ay iniisip ko rin ang hirap ni Ate na mag-isang pinapalaki si Jay. Kung mangyari 'to sa akin... hindi ko alam kung paano tatanggapin o kung ano ang gagawin.

May bumusina na sa labas ng bahay. 6:45. Agad na dumungaw sa bintana si Jay at nakita ko ang pagkamangha sa mata niya.

"Wow! Ang ganda ng kotse, Ninang!"

Kotse? SI Doc... si Kevin nab a yun? Agad ko rn namang dinungaw at nakita ko nga na lumalabas ng kotse si Kevin. Naka-sun glass ito at naka-pormal na suot. Polo na kulay sky blue na nakatupi ang manggas hanggang sa siko at naka-slacks.

Nang Makita niya ako ay agad nyang tinanggal ang sunglass nya at kumaway.

"Ninang, kilala mo?"

"Kaibigan sya ni Ninang. Halika, ipapakilala kita kay Doc Kevin."

"Doctor? Wow!" tumakbo si Jay palabas ng bahay at agad namang sinuway ni Inay.

"Jay! Kainamang bata ito! Wag kang tumakbo baka madapa ka!"

At hindi nga nagkamali si Inay. Natalisod si Jay sa may hamba ng pinto at pumutok ang nguso niya.

Agad na tinulungan ni Kevin si Jay na makatayo na ngayon naman ay umiiyak na ng palahak.

"Pahingi po akong yelo," mahinahong sabi ni Kevin nang ma-examine nya si Jay. "Hello buddy, wag kang matakot. Doctor ako at gagamutin natin yan. Konti lang yan. Malayo sa bituka."

Pero iyak pa rin ng iyak si Jay at lumao'y tumakbo na sa akin. Niluhudan ko siya para amuin.

"Shh, tahan na. Gagamutin ka ni Doc Kevin. Tahan na."

Halos maiyak na ako sa awa kay Jay. Ang lakas ng palahak nya at halos hindi na rin magkaintindihan si Inay pati si Tatay sapaghahanap ng yelo at pamunas.

"Heto na," idinampi ng dahan dahan ni Kevin ang Bimpong may yelo sa bibig ni Jay. "Masakit pero kaya, 'di ba?"

Hindi sumagot si Jay pero tumahimik na sya sa pag-iyak. Kita kong naka-ikom ang kamay nito at halatang pinipigil ang sakit.

"Very good, Jay. Very good." Sabi ko habang inaalo ang likod nito.

Napatingin ako kay Kevin na 'yun pala ay nakatingin na rin sa akin. Ngumiti ako at ganun rin sya.

"Yan, patingin nga." Dahan dahang tinignan ni Kevin ang bibig ni Jay. "Ayan, better. Ang brave naman ni Jay. Lagay mo muna 'to sa bibig mo ha? Sasabihin ko kapag OK na."

Tumango si Jay at lumapit kay Inay.

"Naku, Doc, pasensya na. An gaga may pasyente ka kaagad.Sorry talaga." Agad agad na paumanhin ko kay Kevin.

"Wala iyon. Basta ikaw at ang pamilya mo." Ngumiti na naman sya. Hindi nya baa lam na nakakaganda ng umaga ang mga ngiti nya. Siguro nga alam nya dahil ngiti sya ng ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon