Lima

67 1 1
                                    

LIMA

“Hay sus, magbabati rin naman pala… ang dami pang arte.” Sabi ni Stephanie habang hinahanda ang pagkain naming inorder kanina. “Ikaw naman kasi Nico, tigil tigilan mo na ang paglandi, ha? Kaming mga babae, may feelings kami na nasasaktan. Baka akala mo, si Mera lang ang nasasaktan mo? Hindi mo alam, may iba ka na rin palang nasasaktan sa kakalandi mo.”

“Opo, Mam. Hindi na po uulit.” Parang masunurin na batang sagot ni Nico kay Steph.

“Isa pa, alagaan mo ng mabuti si Mera. Buntis sya. Maselan ang kondisyon nya kaya kailangan nyong mag-ingat. Buti na lang at may tumulong sa kanya kagabi nang umalis sya sa inyo. Nabigyan tuloy sya ng libreng check-up at vitamins ng hindi mo namamalayan.”

“Libre? Mahal ang mga vitamins na nireseta sa ‘yo diba? Sino naman ang manlilibre non?” tanong ni Nico sa akin.

“May nakilala kasi akong doctor kagabi habang minamalas malas akong naglalakad mag-isa sa hi-way kagabi. Dinala nya ako sa ospital ng mawalan na lang ako ng malay sa kalsada—”

“Nawalan ka ng malay?!” the horror in his face.

“Pero OK na ako. Umubos lang ako ng isang swero at nagpahinga kagabi. Kanina, bago ako inihatid ni Doc Kevin ay pinatingin na rin nya ako sa kaibigan nyang OB at binigyan na rin nya ako ng vitamins.”

“Mabait sya. Saan ba ang ospital nya para naman mapasalamatan ko sya sa pag-aalaga sa inyo ni Baby?”

“Naku, ayoko na syang makita dahil sinabi kong hiwalay na tayo. Baka isipin nun na modus tayo at bawiin pa ang mga binigay sa akin. Wag na lang. Tsaka nakapag-pasalamat na rin naman ako sa kanya.”

“Hehe Tama ka nga. Minsan lang maka-libre. Pero hayaan mo, maghahanap na ako ng trabaho para hindi lang sa allowance ko tayo ng panggastos natin.”

“Bakit, Nico? Hindi mo pa ba sasabihin sa mga magulang nyo ang nangyari?” usisa ni Stephanie sa amin.

“Sasabihin rin naman namin. Hindi pa lang sa ngayon dahil hindi naman kami parehong makakauwi sa aming probinsya.” Paliwanag ni Nico. “Isa pa, inaalala ni Mera ang tatay nya na baka atakihin ng sakit kapag nagsabi kami. Kinokondisyon pa nya ang tatay nya bago ang lahat.”

“Ah, tama naman. Naalala ko noong nagsabi ang Ate ni Mera na buntis ito at iniwan ng asawa ay halos mamatay na rin ang tatay nya sa sama ng loob. Kaya naku, Nico! Kung ayaw mong makapatay ng tao, lalo pa’t tatay ni Mera, magtino tino ka!”banta na naman ni Stephanie.

Si Stephanie talaga, para syang Ate ko. Kung masabihan nya si Nico, daig pa ang nagmamatanda ay ilang buwan rin naman ang tanda ko sa kanya.

“Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama. Tsaka, Steph, masyado ka ng madaldal. Alam ko naman na ang gagawin ko.” Sagot naman sa kanya ni Nico.

“Sinasabi ko lang naman, Pareng Nico, baka lang kasi makalimutan mo ang sinabi mo kaya ako na magpapaalala sayo ng may pagbabanta para matakot ka naman.”

Sa huli, umuwi pa rin si Nico sa boarding house niya at ako, naiwan kay Steph. Inalok ni Steph na imbis sa boarding house kami manuluyan ni Nico ay sumama na lang kami sa kanya sa bahay nya.

Makikihati na lamang raw kami sa bayad ng mga bills para naman hindi mabigat para sa kanya at para na rin daw may kasama sya sa bahay.

Pumayag naman kami ni Nico. Isa pa, ni-request ko rin kay Nico na kung pwede bang dito na nga lang dahil naiilang ako sa boarding house nila. Ako lang kasi ang babae roon at ang land lady na masungit.  Sinabi nya sa akin na kahit ano raw ang hilingin ko ibibigay nya.

Malapit na matapos ang first trimester ko. Magsisimula na akong maglihi. Sana hindi ako mahirapan.

Ibig Sabihin rin nyon ay malapit na rin akong umuwi sa amin. At nang maisip ko iyon ay agad kong tinawagan si Inay.

Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon