01 - Unos

1.2K 24 0
                                    

Revised version; published on 09-02-2020, 1:30 AM

-

WHEN A GANGSTER LOVES

CHAPTER 1

Kaisler Jake's POV

March 24, 2019
School Gymnasium

"Traitors don't stand as your enemy but sometimes, as your friend and a family." I heard Max uttered while his eyes were focused on the book he was reading. Tiningnan namin siya ng nakataas ang kilay. Kanina pa siya nagbabasa pero sinadya niyang iparinig sa amin ang linyang iyon.

"It was a good line and it was written in the last part of the book," he explained upon noticing that we were all looking at him. Nag-unat pa siya pagkatapos ilapag ang librong binabasa niya kanina roon sa lamesa. I  just remained silent when they all started to make a comment regarding the line.

I agree, it was a good one. It was actually true. No more defense for that. I have already experienced being betrayed by someone who's close to me and it was my father.

The alarm rang so I started to fix my bag and stood up to leave. Tahimik lang ako at hindi na sana magpapaalam sakanila dahil masyado silang abala sa pagtatawanan ngunit napuna ako ni Gray kaya napahinto kaagad ako sa paglalakad at nilingon sila.

"Hintayin mo kami! Pareho-pareho naman tayong walang vacant ngayong araw! Di man lang nag-aaya," reklamo ni Bry at inilagay sa dibdib niya ang isang kamay sabay umakto na nasasaktan. Tiningnan ko lang siya dahil naiinip ako. Major subject ko na kasi ngayon at may recit kami.

Mukhang napansin nila ang pagkainip ko kaya naman nagsikilos na sila agad at hinabol ako. Inakbayan pa ako ni Zeke.

"Recit niyo ba? Kaya mo 'yan, pre," aniya at tinapik pa ako sa likod.

Nagkibit-balikat lang ako sakaniya dahil hindi rin ako confident sa recit ngayon. Nagwalwal lang ako kagabi imbes na magreview eh. Bahala nalang sana mamaya.

Nang makarating ako sa room ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa roon ang prof ko. Kung nagkataong nasa loob na siya, malamang pag-iinitan ako n'on. Ayaw na ayaw niya kasi sa mga late comers dahil kawalang disiplina raw iyon sa sarili. Ang astig nga kapag siya naman ang late ng 30 minutes pinipigilan niya kaming umalis ng room when in fact, we have the right to leave the class if the teacher didn't show up within half of an hour. Tss. Anong klaseng mindset 'yon. Unfair.

MASASABI KONG magaan ang klase ngayon dahil natawag man ako ay nakasagot ako ng maayos. Swerte ko lang kasi natandaan ko 'yong lesson na tinanong niya sa akin. Taking a medical related course is not a joke. Take note na pre-med course palang ito.

I don't know if I can survive this but I am trying my best because I am doing this because of Shazney. I know ho she wanted to take med course...

I went home after that but upon entering the house, I noticed a stranger's shoes at the entrance. Tinitigan ko itong mabuti upang kilalanin at nang matapos ay agad akong nagmadali sa paglalakad at hinanap siya.

Iniyukom ko ang aking mga kamao nang makita ko siyang nasa kusina at nagluluto.

"Bakit ka nandito? How are you able to barged in?!" I exclaimed really mad.

Mukhang hindi niya inaasahang dadating ako kaagad base sa ekspresiyon nang makita at marinig niya ako. Naibagsak niya pa ang hawak niyang sandok dahil sa gulat. Padabog akong naglakad palapit sakaniya at inunahan na siyang pulutin ang nailaglag niya.

I looked at him despised.

"Why are you even cooking? Saan ka nakakakuha ng lakas ng loob, Dad?"

#2: When A Gangster Loves [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon