Three

947 21 8
                                    

Nalate ako ng gising. Kaya kahit 10am 'yung klase ko. At kahit 1 hour ang biyahe ko, umalis parin ako ng mga 9:30 am sa bahay. Magaling hindi na? Pero nakakaasar din at the same time. Pero slight nga lang naman hindi ba? Saka bakit bako naiinis? Eh kasalanan o naman bakit ako nalate ng gising.
Sumakay na ako ng bus papasok. At ang pinaka favorite kong pwesto is sa side ng bintana. Actually, ang everyday routine ko lang naman pag biyabiyahe ay lakad palabas ng village. Wait ng bus, tapos tricycle papasok ng University.

Alam mo 'yung itsura na na nagmumusic ka sa biyahe tapos ang lalim ng iniisip mo. Tapos 'yung mukha mo pala pang music video na? Ganun. Ganun nga 'yung mukha ko. Wala nag flashback lang 'yung memories. Naalala ko lang kasi 'yung ex boyfriend ko lagi akong inaantay sa labas ng village and kahit malayo pako at pag nagkatinginan na kami. Ibang iba 'yung pinta ng ngiti saming mga labi. Alam mo 'yung ngiting "mahal ko'to"
Minsan iniisip ko, bakit kaya ang kapal ng mukha ng tao mang loko, pero pag liligawan ka palang parang bulating naasinan sa sobrang hiya na tanungin ka kung puwede kabang ligawan. Eh bakit ba kasi palagi nauuwi dito 'yung naiisip ko. Jusko. So bogus 'yung biyahe ko. Akala ko one hour lang. Inabot ako ng one hour and thirty minutes dahil sa traffic at hindi ko alam kung bakt traffic. Nakakairita hindi ba? Kapag nagmamadali ka traffic, pag hindi ka nagmamadali ang bilis ng biyahe. Pero most of the time. Traffic talaga. Siyempre! That's why it's more fun in the Philippines. Right?

Nakarating nako sa class ko ng quarter to twelve. And sobrang nakakahiya ng pumasok pero pumasok nako. Kumatok muna ako at putangina nagquiquiz na sila gusto niyo 'yon? Pagkapasok ko pa, dahil sa malabo ang mata ko. Pinaliit ko 'yung mata ko at inikot ko ang mata ko dahil hindi ko makita ang mga friends ko. "Jourdane, wala ng upuan. Kuha ka nalang sa ibang room." Sabi ni Sir.
Atsaka ko sila nakita. "Ah okay sir" Sabi ko. Lalabas na sana ako ng biglang tumayo tong sobrang gwapo kong kablockmate. "Oh sa'yo na to. Ako nalang kuha sa labas." Sabi niya. Nagulat naman buong diwa ko. Dahil hindi talga kami nag-uusap.

"Ah, Thank you." Sabi ko at kinuha ko na 'yung upuan papunt sa pwesto nila Amber. "Okay number 20" sabi ni Sir. Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko. Halos mabingi ako at halos gusto kong mag "ha?" kay Sir kaya lang baka mapahiya pako. Ang kapal na nga ng mukha ko na pumasok kahit one hour late nako. Tapos mag aattitude pako ng "ha?" So clinose ko nalang 'yung mouth ko. Baka makalunok pako ng langaw. Agad ko namang sinira dahil last number na ng quiz. Fuck

Hindi nako nagpretend, hindi nako kumilos dahil tangina. Ano kahit komopya ako magugulat si Sir. Kakarating lang may sagot sa 1-20? Naiinis nanaman ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ako late umalis. Bakit ba kasi late nako gumising. Or baka mali talaga na kinuha namin ang 10am class.

Ugh. Nakakainis. Natapos na ang klase at nababadtrip parin ako. "Tanginang 'yan pumasok 5 minutes nalang natitira" Pang-aasar ni Amber.
"Nakakatawa. Wala nangang quiz di ba?" Sabi ko at nagroll eyes ako. "Ay ate chona ka ah" Pang-aasar ni Amber.
"Next time nalang agahan mo." Sabi naman ni Kendra
Pero baliw din kasi ako eh. Pumasok five minutes. "Dapat pala Hail hinintay na kita ehno" Sabi ko. "Ikaw kasi eh, sabi mo papasok kana." Sabi ni Hail.
Actually, absent si Hail. Late siya, kung late ako mas late siya. "Okay lang atleast may attendance ako kahit walang quiz" Sabi ko.
"Bobo 'yung quiz 'yun yung attendance" Sabi naman ni Jilian.

"Okay lang 'yan. At least binigyan ka upuan ni Dalcom." Sabi ni Julian at tumili tili siya at pumadyak padyak.
"Ang sarap sarap talaga nung putanginang 'yun. Niyakap yakap ko nanaman siya kanina okay lang sakniya." Sabi ni Julian. Kinilig kilig namaman siga. "Ikaw ang tunay na baby girl kanina." Pang-aasar nila.
"Prinsesa ka ng tunay ha" Sabi naman ni Hail. "Binigyan lang ng upuan. Akala mo manliligaw na eh" Sabi ko. At nagtwanan kami. Minsan talaga may mga oa tayong maybigan kung makapagreact akala mo liligawan ako nung tao eh.

Reasons Why ( u don't have a boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon