Eight

502 16 0
                                    

"Pinipilit niya pa talaga kanina na may multo daw talaga kakaiba daw pakiramdam niya." Pagkwekwento ni Hail. "Ang ending?" Tanong ni Julian.

"Ang ending ginago lang pala siya nung teacher nating isa sa business math" pagkwekwento ni Hail. Halos humagalpak nanaman sila sa tawa pakiramdam ko, hindi malalaos 'yung video kong 'yun ngayon sa araw na'to.


Hindi ko na lang sila pinansin at nagsalaksak ako ng earphones sa tainga ko. Dahil pagod narin naman ako sa dialogue kong 'nakakainis talaga 'yang Ayres na'yan'

Kaya sige. Mananahimik nalang muna ako, kahit ano mang ulit ko na naiinis ako sakaniya eh wala parin maman magbabago. Dahil inis na inis parin talaga ako sakaniya. Habang nagkasakpak 'yung earphones sa magkabila kong tenga, naririnig ko 'yung tawanan nila Amber. At sobrang lakas din ng music ko. At may binabasa pa akong script na kailangang kabisaduhin.

Shiet! Nalilito nako. Para akong nahihilo at nabibingi dahil sa pinag-gagawa ko. Kung sana pumunta muna ako sa tahimik na lugar di'ba? Tumayo naman ako. At naagaw ko ang atensyon nila dahil napahampas ako saking lamesa. "Ang ingay niyo guise!" Sabi ko at lumabas na ng room.

Hindi ako napipikon or pikon na at the moment ha at hindi sa pinagtatawanan nila video ko. Wala ayoko kang ng maingay kaya lumabas ako ng classroom at inakyat ko ang rooftop at doon ako nagpractice. "Oh—" gulat ko.

"Dalcom."

"Oh, Dane"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya. Ano Jourdane di mo ba nakikita? Nagprapractice siya. Tsk. "Ah, nag-mememorize lang ako ng mga lines. Kasi alam mo na, haha" sabi niya at napakamot siya sa ulo niya ng kaunti.

"Ikaw ano ginagawa mo dito?" Pabalik na tanong sakin ni Dalcom. "ganun din sana. kakabisaduhin ko lines ko ang ingay kasi sa room" pagkwekwento ko.

"Edi rehearse nalang natin ng sabay" pag susuggest niya.

"Oooh, okay sige" Yun nalang nasabi ko kay Dalcom. Alangan naman tumanggi ako di ba? Ang ganda ko naman masiyado.

"Ayos, magaling ka naman pala Dane as Juliet eh" Compliment sakin ni Dalcom. Hindi ko alam sasabihin ko kasi sobrang awkward talaga ako sa mga boys especially pag dalawa lang kami. I don't know I found it weird.

"Ah" I chuckled. Napakamot nalamang ako sa ulo ko. "Hindi naman" Sambit ko. Napansin din siguro ni Dalcom na naawkwardan ako base sa kilos ko at tawa. "Sige na, baka hinahanap ka na nila" Sambit ni Dalcom.

Tumango nalamang ako. "Ah, oo sige." Ayan na lamang ang huli kong nasabi sakaniya at nauna na akong bumaba. Pagkabukas ko ng pintuan agad ko namang nakasalubong si Ayres.

Parehas tumigil ang mundo namin nagmagkaharap kami. At halata sa mukha niya hindi siya makagalaw kagaya ko. Siguro mga limang segundo tumigil ang mundo namin bago namin marealized sa isa't-isa na siya.

Siya kailangan niyang tumakbo, at ako? Kailangan ko siyang habulin dahil sa katarantaduhang ginawa niya saakin. "Hoy!" Sigaw ko kay Ayres ngunit hindi siya tumigil sa pagtakbo at hanggang sa tuluyang hindi ko na siya nahabol. Hingal na hingal ako sa pagtakbo. Pinunasan ko ang mukha ko na puno ng pawis. "Oh panyo" Alok ni Dalcom. At nagulat naman ako sa pag-abot niyang to.

"Uy! Akala ko nasa taas ka pa" Sambit ko sakaniya. "Narinig kitang na tumakbo ng mabilis eh. Akala ko may nangyari sa'yo kaya sinundan kita" Sabi niya ng walang emosyon. Kinuha ko nalamang 'yung panyo mula sa kamay niya. "Sa-salamat" Pagkakautal kong pasasalamat sakaniya.
Natapos na ang lahat ng klase namin at may natitira nalang na isa. At nasa kalagitnaan din kami ng rehearsals namin. "Ano? San tayo kain maya?" Tanong ni Amber dahil lahat kami ay hindi pa kumakain. Gutom at pagod narin ang lahat. Nakakapagod pala mag ganito.

Reasons Why ( u don't have a boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon