Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa lahat na nangyari kahapon. Sobrang hindi ko naenjoy ang day 5 ng December Fest dahil sa aksidente na nangyari.
Hindi naman ako nagpapavirgin o ano man.
Pero hindi ko lang maiwasan maisip ang nangyari. At sobrang nakakahiya yun.
Nagtuturuan ang boys kung sino nangtulak kay Dalcom. Pero hindi ko nalang sila pinansin.
"Ano gusto mo kainin?" Tanong ni Hail saakin."Kayo kahit ano gusto niyo." Sagot ko.
"Shawarma rice nalang tayo tapos kain nalang tayo sa room." Sabi ni Hail. Tumango naman ako.
Day six na ng December Fest. Halo halo na ang mga tao na nanandito. Puro rakrakan na banda na lang mamaya.
"Dane, 65 pesos" Sabi ni Hail.
"Sige bayaran kita mamaya" Sabi ko. Napatingin ako kay Hail pero iba ang tingin niya sakin na parang may sinasabi. Kaya napalingon ako kung ano ang tinuturo niya at si Dalcom.
"Dane" Tawag niya sakin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko. Ngumiti nalang ako.
"Dalcom, kain!" Sabi ko nalang sakaniya.
"Aayain nga sana kita." Sabi niya. Napatingin naman ako kay Hail. At nakatingin din siya saakin.
"Sige! Sabihin ko nalang kila Amber." Sabi ni Hail.
"Eh 'yung dala dala mo?" Tanong ko. "Samahan muna kita pabalik sakanila" Sabi ko.
"Tulungan na kita Hail." Sambit ni Troy. Nagulat naman kaming dalawa.
"Hindi ako na to" Sabi ko kay Troy. Pero halatang pinilit ni Troy na akuin ang gawain ko. "Oh sige. Kunin ko nalang shawarma ko" Sabi ko.
At binigay naman to ni Hail. "Text ko kayo maya" Sabi ko kay Hail at tumango naman siya.
Ayoko talaga munang makausap si Dalcom. Sino ba naman kasi gustong kausapin yung tao after nung aksidente na nangyari.
Sobrang nakakahiya. Oo crush ko si Dalcom peo hindi 'yung aabot na mamanyakin ko yung paghalik niya sakin.
Bumili rin ng pagkain si Dalcom.
At siyempre, san pa ba kami kakain."Sa paboritong tambayan?" Sabi niya sakin.
"Sa paboritong tambayan" Sagot ko at sabay ngumiti sakaniya. How can I resist this guy? Laging seryoso but seeing his cute side makes my heart melt.
Pagdating namin sa rooftop. May nakaset up ng table at upuan.
"Uy! Bat may table and chairs?" Tanong ko.
"Wag ka na madamng tanong. Kain na" Sabi niya. Nilapag na namin 'yung binili naming pagkain at binuksan.
I ordered shawarma rice and Dalcom ordered Siomai with rice. Habang kumakain kami, biglang umawkward ang sitwayson hindi ko din alam. Baka siguro sa ihip ng hangin. Buti nalang hindi tirik ang araw.
Buti nalang makulimlim.
Kundi magsusunbathe kami ng wala sa oras."Umayos sa timing 'yung kulimlim" Sambit ko na meron pang laman ang bibig.
"Shhh! Jourdane, don't talk when your mouth is full" Sabi niya. At nagsungit face siya.
"Bat Shh?!" Pabiro kong tanong sakaniya.
"Eh kasi kulit ka?" Sagot niya. Natawa naman ako. At natawa narin siya. At ngayon para kaming baliw dalawa tumatawa ng walang dahilan.
Hanggang sa tumigil na kami sa pagtawa at pinaawkward nanamn ni Dalcom ang sitwasyon.
"Dane, sorry talaga." Paninimula niya.
"Hindi ko din alam. Sorry. Somobra na 'yung panunukso nila." Sambit ulit niya.
"Dane promise-" nagbuntong hininga muna ako at agad kong pinutol ang gusto niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Reasons Why ( u don't have a boyfriend)
RomanceThe Reason's Y (u don't have a boyfriend)