•••••"Arrggh!!" Maktol ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, sobrang sakit ng ulo ko parang gusto ko ng putulin haha. Pero nadadala naman to sa kape kape. Kaya bumaba na ko at dumiretso sa kusina nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa nakita ko si Mama nandito sa bahay ko?!?!?!
"Ma?! Bat ka andito?!" Gulat ko aniya sakanya kaya naman napalingon sya.
"Sampalin kaya kita jan! Tignan mo ang gulo gulo ng bahay mo say thankyou dahil wala ka ng labahin." Sabi nya sakin at lumapit tsaka sya humalik sa pisnge ko.
"Well thankyou. Pero bat ka nga andito ma? Bat may dala kang bag? Are going to stay here?" Oh no! Wag naman sana i cant!!!
"Yes I will honey. So you better be a good girl ok?" Nooooo!!!,
"But ma! Pa---"
"No buts honey."
"Mama naman ehhh."
"Bat ba ayaw mo kung kasama ha?"
"Ma kasi hindi naman kita maaasikaso dito." Sabi ko at umupo sa tabi nya.
"You dont have to dahil ako magaasikaso." Sabi nya sakin.
"Fine. I'll just going to clean the empty room." Sabi ko sakanya at aakyat na sana pero tinawag nya ko.
"Kumain ka muna. Bago mo gawin yan. Saluhan mo ko dito." Sabi nya kaya sinunod ko naman sya.
Habang kumakain kami di ko maiwasang tumingin sa mga mata ni Mama feeling ko she's in pain. Pero di ko sya matanong kasi were not close kasi laki ako sa mga lola't lolo ko. Lumaki akong akala ko si Lola at Lolo ang tunay kong mga magulang. Simula nung nawala sina Lola't lolo bigla silang sumulpot na ngayon sila ang magulang like pano ko mag a'adjust di ko alam kung pano sila patutunguhan, narealize ko din naman na sila din talaga ang mga magulang ko dahil nung nakatira pa ko kina Lola hindi kami nauubusan ng pera at ngayon naman ay laging may laman ang atm ko dahil sakanila. Well, thankful ako dahil kahit papano hindi nila ko pinilit na makitungo sakanila pero itong si Mama sya yung nag aaproach sakin lagi.
After naming kumain ay pinagpahinga ko na lang muna si Mama sa sala para marelax naman ang kanyang katawan. Nilinis ko kaagad ang pinagkainan namin.
"Ma akyat na ko ha? Linisin ko na yung kwarto mo. Iloveyou." Sabi ko umakyat na.
Habang naglilinis ako ng isang kwarto ay punyeta puro gabok!! Bakante kasi syang kwarto e ang nakalagay lang don ay isang kama at may foam na nakaplastic binili ko talaga yun dahil sa mga gantong tulad na may makikitira. Punas dito walis dito ang ginawa ko para naman maging komportable si Mama dito sa bahay ko. Simula kasi ng mag 1st year college ako lahat ng mga bagay na hindi ko naman hinihingi. Nilagyan ko naman ng cover ang mga unan at ang foam pinalitan ko naman ang mga kurtina.
Tapos na ko sa wakas!!! Lahat ng kalat ay ibinaba ko na naabutan ko namang tulog si mama sa sofa kaya dahan dahan ang aking kilos para hindi sya magising. Pawis na pawis ako dahil hindi ko binuksan ang aircon sa kwarto habang naglilinis ako dahil mas lalong kakalat ang alikabok. Dahil pawis na rin naman ako ay tinuloy ko na ang aking pagpapawis nag gym muna ako hindi na umalis ng bahay para mag gym dahil sa bahay ko ay may corner na may mini gym ako.
------
Pagdaan ko sa may sala ay wala na si mama baka umakyat na sya kaya sinilip ko naman sya sa kwarto at andun nga nakatalikod at narrinig ko syang humihikbi. Naiyak si mama? Agad ko naman syang nilapitan.
"Ma?" Sabi ko at umupo sa gilid ng kama.
"O-oh anak." Sabi nya habang pinupunas ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti.

BINABASA MO ANG
Meeting You
RandomNagkagusto na ba kayo sa taong hindi nyo alam yung pangalan, tapos ang bait nya pa. Yung sa araw araw gusto mo syang makita. Ps. ayako ng masyadong mahabang description na s'spoiler eh, bawi yan sa laman ng story hahaha. read, comment & vote mga b...