Chapter 12

113 4 0
                                    

Nandito kami ni Michelle, Toni, Gwenne at Tin sa resto na sinabe sakin ni Princess.

"Tagal naman ng pinsan mo Juls!" Angal ni Toni.

"Onga Juls pupunta ba yon?" Dugtong ni Tin. Mahigit 20 minutes na kasi kami naghihintay.

"Oo wait lang traffic lang." Sabi ko.

"Ano bang pangalan ng pinsan mo?" Tanong ni Gwenne.

"Princess." Sagot ko.

"Ah Princess, maganda naman?" Tanong ni Tin.

"Hay nako Tin wag kang haliparot." Sabi ni Michelle na busy naglalaro ng phone nya.

Bigla namang tumawag si Princess.

"Sis andito na ko san banda kayo?"

"Puntahan na lang kita. Wait."

Call ended

"Anjan na sya wait lang guys ha." Sabi ko at tumayo sa di kalayuan nakita ko si Princess na nakatayo kaya nilapitan ko sya.

"Sis." Tawag ko sakanya.

"Sis ano tara na?" Sabi nya nauna kung naglakad at nakasunod sya.

"Guys ito na pinsan ko si Princess." Sabi ko at bigla namang tumabi sa gilid ko si Princess.

"PRINCESS?!" Sabay na sigaw ni Tin at Toni nakita ko naman ang reaksyon na gulat ni Mich. Bakit?!

"Bakit? Kilala nyo ba sya?" Naguguluhang tanong ko at tinignan si Mich.

"H-Ha? H-hindi ah." Nauutal na tugon ni Mich.

"Bat ganyan reaksyon para kayong sira!" Sabi ko at umupo na naupo naman si Princess sa harap ni Mich.

"Ano kasi ang ganda ni ano ni Princess." Sabi ni Tin.

"Princess ikaw ba baka kilala mo tong mga mokong na to." Tanong ko kay Princess.

"H-hindi sis." Sabi nya at nginitian ako.

"Ito pa sis si Michelle sya yung babe ko, Mich si Cess my cousin." Sabi ko at nag ngitian naman sila pero parang may mabigat na kung ano sakanila.

"Princess mga kaibigan ko pala si Toni, Gwenne tsaka Tin." Pakilala ni Mich sa tatlo.

"Nice meeting you guys." Sabi ni Princess.

"Ganda mo girl ha!" Sabi ni Gwenne.

"Thankyou ikaw din girl." Sabi ni Princess kay Gwenne.

"Yan na yung order yay!" Masayang tugon ni Toni.

-----

After din ng dinner ay nagyaya ng umuwi si Tin dahil may pupuntahan pa sila nila Toni sinama pa nila baby ko kaya ako na nag drive ng kotse ni Mich dahil hinatid ko na din si Princess.

Ngayon ay nanonood muna ako ng movie dahil hihintayin ko si Michelle.

Michelle's P.O.V

Ang hirap naman malasing nito ni Toni jusko shenglot kung shenglot e. Lagot kami kay Gwenne sabi na kasing wag ako masyadong damayan lol hahahaha.

"Anong idadahilan natin kay Gwenne?" Tanong sakin ni Tin kami kasing tatlo yung magkakasamang nag inom si Gwenne hinatid namin kanina sa apartment ni Toni dahil sumama daw ang pakiramdam nya.

Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon