•••••Halos tatlong araw na kami laging magkasama ni Erin kasi after showtime rehearsal nya napunta syang school nanonood syang training ko. Pero ngayon susunduin ko sya ngayon dahil nagpapasundo sya kakatapos lang daw ng rehearsal nila at kakatapos lang din naman ng training ko. Papunta na kung parking lot pero nakita ko si Julia na nakasandal sa kotse ko kaya agad ko syang nilapitan halos ilang araw na din di nya ko pinapansin.
"J-juls?" Yung lang lumabas sa bibig ko ng makita ko sya. Pero bigla nya kung sinampal ng malakas. "Ouch! Para san yon?!"
"Wag mo kung masigaw sigawan ha! Tangina Michelle ayaw mo ko ng may kasamang iba pero ano to ha! Gago ka kahit kelan! Wag na wag mo na kung kakausapin! Manloloko!" Sigaw nya sakin at binato sakin phone nya tinignan ko naman yung nasa screen nakita ko picture namin ni Erin sa mall?! What? San galing to!
"Julia let me explain!" Habol ko sakanya dahil naglakad na sya palayo sakin pero dire'diretso pa din sya sa paglalakad, nahawakan ko naman ang braso nya. "Let me explain, please. Wag ganto. Ayokong mawala ka ng tuluyan sakin."
"Wala kang dapat i'explain you better go baka hinihintay ka na nya." Sabi nya sakin.
"Wag naman ganto, ano itatapon mo na lang pinagsamahan natin? Ganyan ka ba katigas? Hindi mo man lang ako papakinggan?" Naiiyak na ko dahil ayaw nya kung pakinggan.
"Oo ganun na nga! Wala kung pake! Ikaw ba naisip mo yung mararamdaman ko ha? Naisip mo bang may tiwala ako sayo na hindi ka basta basta makikipag landian sa kung sinong babae simula nung sabihin mong gusto mo ko! Tapos biglang ganito na may ibang babae ka ng kasama?! Gano kasakit sa part ko yon! Umasa ko Michelle, umasa ako." Hindi na nya napigilan yung luhang kanina nya pang pinipigilan agad ko naman syang niyakap dahil ayokong makita syang naiyak at nasasaktan.
"Sorry Juls, sorry, ikaw lang naman talaga, si Erin? Eh sa totoo lang may anak na yon e magkaibigan na lang kami, maniwala ka please. Ayokong mawala ka sakin. Hindi pa nga nagiging tayo iiwan na ko?" Sabi ko sakanya at hinarap ko sya sakin halata sa muka nya ang gulat.
"M-michelle seryoso ba yon?" Nahikbi pa sya habang nagsasalita.
"Oo kaya lang kami magkasama dahil masaya sya kasama at dahil sobrang galit ako sayo hindi ko magawang lapitan ka para magsabi ng sorry. Kaya ngayon JULIA ALVAREZ! IM SORRY! SORRY! SANA PATAWARIN MO KO! KASI AYOKONG MAWALA KA SAKIN!" Lumuhod ako sa harap nya para mas maniwala syang seryoso ako.
"Michelle naman e! Tumayo ka na please." Sabi nya at hinihila ako patayo.
"Sabihin mo lang na ok na tayo tatayo ako." Sabi ko habang hawak ang dalawang kamay nya.
"Alam mo namang isang sorry mo lang nalambot na puso ko, ewan ko ba bat ganyan ka." Sabi nya at hinila na ko patayo tumayo na din naman ako pero hindi ko pa din binibitawan ang kamay nya.
"I promise to you hindi na to mauulit." Sabi ko at hinalikan ang kamay nya na hawak ko.
"Make sure that you'll not going to do this again because i swear to all saints i'll kill you!" Sabi nya at kinurot ako sa tiyan kaya hinawakan ko naman sya sa dalawa nyang pisnge at hinalikan sya sa noo.
"Promise." Sabi ko sakanya at niyakap sya. "Julia tara sunduin lang natin si Erin ipapakilala na rin kita." Sabi ko at inakbayan sya.
"Sige sandali lang ha!" Sabi nya pinagbuksan ko naman sya ng pinto ng kotse agad din naman akong sumakay at nagmaneho.
Nakita ko namang naghihintay si Erin kaya agad akong nagpark sa harap nya at lumabas.
"Kasama ko sya Erin!" Natutuwa kung sabi sakanya at sya naman ay napangiti.
BINABASA MO ANG
Meeting You
AcakNagkagusto na ba kayo sa taong hindi nyo alam yung pangalan, tapos ang bait nya pa. Yung sa araw araw gusto mo syang makita. Ps. ayako ng masyadong mahabang description na s'spoiler eh, bawi yan sa laman ng story hahaha. read, comment & vote mga b...