Chapter 6

145 2 0
                                    


•••••

Sa halos isang oras at kalahating pagmamaneho ko ay nakarating na kami dito sa rest house ni Kim kaya dumeretso na kami papasok ng bahay dahil wala namang tao sa labas, pag pasok namin ay andun si Kim D, Tin, Kianna at Sam.

"Uy!" Tawag ko sa atensyon nila.

"Ay anjan na pala kayo!" Sabi ni Sam.

"Picture lang to prend wag kang masyadong magulat." Sabi ko kaya binato naman nya ko ng unan.

"Happy birthday pala Kim, i miss you." Bati ko kay Kim at hinalikan sya sa pisnge.

"Thank you michyy." Sabi nya at niyakap ako.

"Happy birthday." Bati ni Julia. "By the way Julia nga pala Michelle's friend." Sabi nya. Nakalimutan ko sya ipakilala boba!

"Oo Kim si Julia pala, kaibigan ko." Sabi ko at tinuro si Julia.

"Ohh she's pretty ha." Sabi ni Kim.

"I know." Full of confidence na sabi ni Julia.

"Hmm. Tara na sa kwarto? Pwede bang share na lang kami?" Tanong ko kay Kim.

"Oo naman! Sam samahan mo naman sila." Sabi ni Kim.

"Osige tara?" Sabi ni Sam samin ako naman binitbit ko na yung gamit ni Julia at umakyat na kami.

"Dito na kayo Chelle ikaw na magbukas ng aircon." Sabi ni Sam.

"Sam pasabe naman sakanila na magpapahinga lang kami." Sabi ko at tumango naman si Sam at lumabas na ng kwarto.

"Are you tired?" Tanong ko kay Julia.

"Medyo." Sabi nya at umupo sa kama at inangat naman nya yung paa nya bat kaya ang kinis ng babaeng to? Sarap eh! Ay bastos! "Manyak ka talaga! Wag ka ngang tumingin sa legs ko!" Sabi nya at binato ako ng unan.

"Sarap mo kasi e!" Biro ko sakanya.

"Bastos!" Sabi nya at binato sakin yung unan.

"Mamaya pag labas ayakong ganyan pa din susotin mo ha!" Sabi ko sakanya.

"Aba! Puro shorts kaya dala ko!" Sabi nya sabay belat sakin.

"May dala naman akong mga tokong so ikaw ang gagamit nun, ok baby?" Sabi ko at nag pacute sakanya.

"No! Ayako!!" Sabi nya.

"Eh pano kung mabastos ka dun? Edi mapapaaway pa ko?"

"Wala naman akong sinabing ipagtanggol mo ko ah!"

"Syempre ayako pa ring may nababastos na babae lalo na ikaw."

"Sweet mo naman sige na nga sya tulog na muna ko ha? Sweet talaga nito minsan iniisip ko may crush ka sakin e." Sabi nya habang nakayakap sa bewang ko at nakahiga sa braso ko.

"Hanggang isip mo lang yon! Sige na matulog na tayo dahil pagod ako." Sabi ko at hinalikan sya sa ulo at niyakap sya.

--------

*knock knock*

Napabalikwas ako dahil sa kumakatok.

"Oh?" Sabi ko habang nakahiga pa din.

"Bumaba na kayo may mga bisita na kakain na din!" Sigaw ni Kim (tropa)

"Osige sunod na lang kami." Sabi ko naramdaman ko namang nagalaw na tong katabe ko kaya tinignan ko sya nakita ko namang nakangiti na sya sakin. "Tara na?" Tanong ko sakanya.

"Ayako talaga mag tokong." Sabi nya sabay pout at diin yung ulo nya sa dibdib ko.

"Sige kumuha ka na lang ng flannel sa bag ko tapos ilagay mo dyan sa bewang mo, hindi naman siguro masisira OOTD mo nyan no?" Sabi ko sakanya agad naman syang humarap sakin at ngumiti ng pagka tamis tamis.

Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon