Chapter 8

73 2 0
                                    


•••••

Ilang linggo na yung lumipas nung umamin sakin si Michelle na gusto nya daw ako, pero di na nya inoopen yon, para tuloy hindi totoo kasi walang nagbago sa pakikitungo nya sakin sweet tapos mang aasar. Ngayon naglalakad ako papuntang gym dahil may practice sila kasama ko si Drea yung classmate ko.

"Julia dito na lang ako may pupuntahan pa kasi ako e." Sabi nya.

"Tara nood lang tayo! Ipapakilala din kita kay Michelle." Sabi ko sakanya at hinawakan sya.

"Hindi na wag na talaga." Sabi nya at pilit na nagpupumiglas.

"Damot mo naman, mabait yon promise." Sabi ko sakanya.

"Kilala ko na yon." Sabi nya.

"Pano mo naman makikilala yon?!" Tanong ko sakanya.

"A-ano k-kasi ahh g-gawa ng varsity sya oo yon! Gawa ng varsity sya." Sabi nya na parang naguguluhan pa.

"Juliaaaa!" Bigla namang may sumigaw ng pangalan ko kaya napalingo ako dito si Michelle pala na dala ang sports bag nya habang suot nya pa din yung pag training nya na short at nagpalit lang ng damit.

"Sige na Julia ingat ka ha!" Sabi nya at tumakbo na. Ako naman ay papalapit na kay Michelle.

"Oh bat ang aga nyo? Di pa ko nakakanood ah." Sabi ko sakanya ng kaharap ko na sya.

"Sino yung tomboy na yon ha! Yun ba yung nakita ko sainyo last last week?!" Pasigaw nyang sabi sakin.

"Bat ka nasigaw? Para kang sira." Sabi ko at siniko sya sa tiyan.

"Eh kasi naman! Ayako ng may kaibigan kang tomboy lalo na pag hindi ko kilala!" Ayan nanaman sigaw nanaman! Pinagtitinginan tuloy kami.

"Michelle wag ka ngang sumigaw." Sabi ko na medyo hinihila yung laylayan ng damit nya.

"Tara na iuuwi na kita!" Sabi nya at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay.

"Aray ha! Nasasaktan na ko!" Sabi ko at pilit na nagpupumiglas sakanya.

"Bat kasi nasama ka pa don sa tomboy na yon ha? Diba sabi ko sayo ayako ng may kasama kang iba?! Bat ba ang tigas ng ulo mo!" Sigaw nya sakin kaya medyo naiinis na ko sakanya.

"Bat ba kung umasta ka ganyan ha! Ano ba! Hindi ba ko pwedeng makipag kaibigan?! Kailangan ba dapat kilala mo lahat ng kaibigan ko?" Napasigaw na din ako sa inis na nararamdaman ko.

"Bahala ka sa buhay mo! Gawin mo gusto mong gawin!" Sabi nya at iniwan ako ditong nakatayo sa parking lot pumasok sya ng kotse at nagmaneho. Iniwan ako! Bwiset na taong yon!

"Julia, hatid na kita?" Napalingon naman ako sa nagsalita nakita ko namang si Drea pala yon.

"Oh? Akala ko ba umalis ka na?" Pilit kung ngumiti sakanya.

"Nakita ko kasing nag aaway kayo e tapos iniwan ka pa nya kaya nilapitan na kita." Sabi nya.

"Ah ganun, sige ako na lang uuwi mag isa mag taxi na lang ako. Ingat ka na lang." Sabi ko at naglakad pero hinawakan nya ako sa braso.

"Hatid na kita mag didilim na oh." Sabi nya.

"Kulit mo naman. Tara na nga!" Sabi ko at sumakay na sa kotse nya.

••••••

Michelle's P.O.V

Hindi ko alam pero sobra kung naiinis sa tomboy na yon! Kahit di ko pa sya nakikita ng malapitan sobrang nag iinit dugo ko sakanya. Naiwan ko tuloy sya hays. Kailangan ko din siguro ng peace of mind. Nang makarating ako dito bahay ay walang tao baka umalis si mama. Naligo na lang agad ako. Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ko ng black na jeans at black t-shirt at roshe tsaka kinuha ang susi ng kotse ko at nag nameho papuntang bar nina Kianna.

Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon