•••••
Halong ilang linggo na din yung araw na dumaan na puro school bahay lang ako dahil sa sobrang pagod lagi galing training pero madalas ko pa ding kasama si Julia para ko na nga syang bestfriend e dahil halos araw araw palitan kami ng kwento sa buhay, At araw araw ko din syang hinahatid dahil lagi nya kung hinihintay after training sya yung laging taga punas ng pawis abot tubig sakin. Sobrang bait wala akong masabi sa babaeng yon. Crush ko na tuloy sya bukod sa sobrang ganda nya napaka talino pa halos sya na nga nagawa ng assignments ko dahil pagod daw ako sa training pero keri ko naman ayaw nya nga lang kaya minsan ay sa bahay na sya nakakatulog dahil sa pagod kakagawa ng assignment naming dalawa tinutulungan ko naman sya di ko inaasa sakanya lahat. Bigla namang nag vibrate ang phone ko.
From Julia
Ang sakit ng puson ko bes!
Kakahiwalay lang namin nan ha. Halos 15 mins lang dahil nakahiga na ko ngayon sa kama dahil kakahatid ko lang sakanya wala kasing training dahil friday.
To Julia
Anong gagawin ko bes? Gusto mong pagkain? Mcdo? Chocolate? Fries?
From Julia
Wala ewan!
Agad ko namang kinuha ang susi ng kotse ko at nagmadaling bumaba nakita ko naman si Mama na nanonood sa sala.
"Ma alis lang po ako ha, punta lang po ako kina Juls. Lock the door. I have my key ok?" Hindi na ko naghintay ng sagot nya at lumabas na.
Dumaan ako sa 7/11 at bumili ng dalawang dutchmill at isang chuckie, kumuha din ako ng cool blend (para syang shake na chocolate) for meh hehe at limang pepero at nagbayad na. Nagdrive na ko papunta sakanila. Kaya pepero ang binili ko dahil fav nya yon kasi nung nakita nya yun sa bahay tuwang tuwa sya habang kinakain yon. Nangmakarating ako sa apartment nya ay tinignan ko muna ang phone ko para itext sya pero gulat ko tadtad ng text nya galit na sya natawag na sya e, agad ko naman sinagot. Kaya hawak ko yung paper bag ng 7/11 at yung cool blend ko.
"Hello?" Panimula ko.
"Di mo na nireplyan e aa!"
"Lumabas ka muna ng apartment mo dali!"
"Bakit?"
"Basta dali!"
"Ito na!" Narinig ko namang may nahakbang na papuntang pintuan kaya naman nagtago ako sa gilid. *call ended*
Narinig ko naman yung pag unlock ng mga lock sa pinto bumukas naman ito kaya ginulat ko sya.
"Arghhh! Bwiset ka!" Gulat nyang sabi ng makita ako.
"Oh pang pawala ng bwiset." Sabi ko at nginitian sya.
"Pumasok ka muna." Sabi nya at sinara ang pinto umupo naman ako sa sofa nya.
"Oh bat dyan ka?" Tinignan ko naman sya. "Dun na tayo sa kwarto! Nanonood akong me before you e. Dali." Sabi nya at hinila ako.
"Oh ito oh." Abot ko sakanya ng paper bag at umupo sa kama nya.
"Wow thankyou." Sabi nya at binuksan yung paper bag nilabas naman nya lahat at tuwang tuwa naman sya. "Ano yan?" Tanong nya sakin habang iniinom ko yung shake na binili ko.

BINABASA MO ANG
Meeting You
RandomNagkagusto na ba kayo sa taong hindi nyo alam yung pangalan, tapos ang bait nya pa. Yung sa araw araw gusto mo syang makita. Ps. ayako ng masyadong mahabang description na s'spoiler eh, bawi yan sa laman ng story hahaha. read, comment & vote mga b...