Kane's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas, pero hanggang ngayon wala paring bagbabago sa kalagayan ni Az..
"Kane, magpahinga ka muna, Ilang linggo ka nang straight na nagbabantay dito" sabi sakin ni Regie at lumapit sakin
"Ok lang, ayoko siyang Iwan .. Kahit isang segundo" sabi ko
"Pare, magpahinga ka naman.. Nakakaligo ka nga dito, pero hindi ka naman natutulog ng ayos.. Minsan ang hirap mo pang pakainin" sabi ni Migs
"Wala ako sa mood makipagtalo, bukas .. Bumalik na lang kayo bukas" sabi ko habang nakatingin kay Az..
"Pare, pinapayuhan ka lang, tingin mo ba matutuwa si Azalea kapag nagkasakit ka dahil sa kanya? Imagine na lang kung anong mararamdaman niya " sabi ni Migs
"Kami na bahala dito" sabi ni Regie
"Please hayaan niyo na lang ako.. Ayoko siyang Iwan dito" sabi ko at hinawakan ko yung kamay ni Az
"Bahala ka pare, Mukha ka nang Adik.. Matulog ka na nang ayos huh... Baka mabaril ka na lang diyan" pang aasar ni Migs
"Gago.. Mas mukha ka pang adik sakin" sabi ko
"ahahha.. Gago.. Sige alis na kami" sabi ni Migs at umalis na
.
.
.
.
.
"Hoy.. Az.. Angtagal ko nang naghanap sayo dati.. Ngayon pinag aantay mo naman ako?.. Andaya mo naman" sabi ko at may tumulong luha sa pisngi ko..
"Az.. Miss na miss na kita, Andami ko nang hindi napapanood na magagandang horror movies.. Gusto ko kasing panoorin natin yun nang sabay.. Kaya gumising ka na" at sunod sunod nang umagos yung luha ko at napatungo na lang sa kamay niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bigla na lang may naramdaman akong humawak sa pisngi ko..
Kaya napatingin ako kung sino yunNakita ko siya.. Nakaupo siya at nakatingin sakin na may bahid ng pag aalala ...
"Az!" sigaw ko sa sobrang tuwa at niyakap siya.. Iyak lang ako ng iyak habang yakap ko siya..
Niyakap niya naman ako nang mahigpit..
"Az.. Sorry.. Sorry talaga" sabi ko .. Tinanggal niya naman yung pagkakayakap niya sakin at pinunasan yung luha ko..
"Sorry for what Kane?" tanong niya
"Sorry kasi Hindi ko man lang pinakinggan yung paliwanag mo.. Nagalit agad ako at pinagbantaan ko pa yung buhay mo" sabi ko sa kanya at hinawakan yung kamay niya.. "Let me make it up to you" sabi ko habang naiyak..
"Baliw ka talaga Kane.. Pinakinggan mo naman ako ehh.. Alam mo ba yung time na papatayin mo ko.. Yun yung time na pinaka napasaya mo ko?.. Nalaman ko kasi na Mahal mo talaga ako" sabi niya..At may tumulong luha sa mga mata niya.. "Napatunayan ko na kaya mo palang magbago para sakin.. Na Hindi mo ko kayang saktan.. Sorry kasi hindi ko napansin yun agad" sabi niya at niyakap ako "Sorryyyy" iyak niya..at tinanggal niya na din agad yung pagkakayakap niya sakin
"Look at yourself.. Pagod na pagod ka na.. Halika nga dito!" sermon niya at humiga kami sa Bed niya.. Nakaunan lang ako sa dibdib niya habang hinahawakan niya yung buhok ko..
"Az?"
"Oh?"
"I love you" sabi ko at niyakap siya nang mahigpit.. "Sorry ngayon ko lang nasabi sayo"
"Atleast nasabi mo sakin" sabi niya at hinalikan yung noo ko
"Kane.. Mangako ka.. Kahit anong mangyari Huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo ahh" sabi niya habang yakap niya ako.."Promise me"
"ok.. I promise" sabi ko
"Kane.. Can I kiss you?" tanong niya
"Ayoko nga.. Pinagantay mo ko ehh" sabi ko
" Dali na Plsssss" sabi niya sabay ngumuso
"Daya mo.. Alam mo namang hindi kita mahihindian ehh" sabi ko at I kissed her...
Hinawakan niya naman yung batok ko to deepen our kiss..
"Kane..sorry.. I love you and I will forever love you tandaan mo yan.." sabi niya between our kisses.. Bigla namang may pumatak na luha sa mata niya kaya napalayo ako at nagtaka..
"Bakit ka naiyak?" tanong ko at pinunasan yung luha niya..
"hindi kasi kita kayang Iwanan... Pero Kane... Sory talaga.. Sorry" sabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit na akala mo ay ayaw niya na akong bitawan...
"Paalam na.. Kane" sabi niya at bigla na lang siyang parang usok na tinagangay ng liwanag...
Hahabulin ko sana siya nang mapabalikwas ako ng Bangon
"Az!" sigaw ko at napatayo ako..
Bigla ko nalang nakita na bumababa na yung heartbeat niya.. At agad tinawag yung doctor..
Habang tinatry nilang irevive si Az ay nararamdaman ko na lang ang pagsikip ng dibdib ko..
Parang gumuho yung mundo ko nang makita ko na lumapit sakin yung doctor
"We've try all our best" sabi niya at umalis na.. Sinubukan ko siyang pigilan pero nanlabo yung mata ko..
Lumapit ako kay Az na nakabalot ng puting kumot..
Nahawakan ko yung kamay niya at napaiyak ako.."Az" sabi ko at tuluyan ba akong nawalan ng malay..
Bakit sa dinami dami ng parusang pwede kong maranasan..
Bakit siya pa?
Bakit siya pa yung kinuha sakin?
BINABASA MO ANG
My Creepy Lover
Mystery / ThrillerBakit ka ba laging paranoid? Always checking if the windows are closed kahit sa likod ng pinto, sa closet mo, pati na rin sa ilalim ng higaan mo tinitignan mo kung may tao.. Does scoping the area with your eyes reassure you? well, it shouldn't, beca...