Kane's POV
Kasalukuyan kaming papunta ni Migs sa Kulungan ..
Sabi kasi ni Migs.. Nandoon parin si Brandon.."Pare... Parang may mali kay Brandon nung pinuntahan ko siya" sabi ni Migs habang nagddrive..
"Ano?"
"Parang bumait siya.. At parang natatakot na ewan" sabi ni Migs
Nakapagtataka dahil alam namin walang kinakatakutan si Brandon.. Siya nga pinaka matapang samin ehh
Nakarating na kami sa kulungan at nakita namin si Brandon na nakayuko lang
Nang makita niya kami ay agad siyang tumakbo samin na akala mo may kinakatakutan..
"Kane.. Buti dumating ka... Ilabas mo na ako dito asap" utos niya sakin..
"Bakit naman?.. Sinaktan mo si Az.. Baka ulitin mo lang ulit" sabi ko sa kanya
"Hindi ako yun!... Si Byron yun!... Oo nga nasunog yung mukha ko pero hindi ako pumunta sa Mansyon noon!.. Si Byron ang umuwi noon!.. Yung kakambal ko.. Bakit ko naman pagsasamantalahan ang asawa ng kaibigan ko? Magisip ka ngang gago ka!" sigaw niya sakin "Frame up lang to.. Galit sakin si Byron kasi hindi siya ang gusto nang girlfriend ko.. At siya rin sumunog nang mukha ko.. Maniwala kayo.. Kayo lang ang inaasahan ko..Nagkamali kayo ng taong kinulong!.. " sigaw niya..
"Migs.. Tawagan mo si Az at Regie.. Sabihin mo magtago muna sila" sabi ko kay migs
"sabihin mo isama nila si Irene.. Iligtas nila yung girlfriend ko" sabi naman ni Brandon at umalis na si Migs..
Inasikaso ko na yung pagatras ng kaso ni Brandon..at nakalabas na siya..
Pagkalabas niya ay agad niya akong sinapak
"Gago ka! .. Isang buwan akong nakakulong hayop ka!" sigaw niya sakin
"Gago! Hanapin na natin yung kakambal mo" sabi ko at nauna nang sumakay nang sasakyan.. Hindi na ako makapagisip ng matino sa sobrang pagaalala ko..
"Bakit ka nagtago ng ilang taon kung wala ka namang kasalanan?" tanong ko
"Itinago ko si Irene kay Byron..ngayon simula nung nakulong ako wala na akong balita kay Irene.. Tangina! Nagaalala na talaga ako.. Pag may masamang nangyari sa girlfriend ko.. Papatayin ko talaga yung hayop na yun!" galit na galit na sabi niya..
"Sino pala yung girlfriend mo ?"tanong niya pa
"Makikita mo rin siya" sabi ko sa kanya..
"Tumigil ka na rin ba sa pagpatay?" tanong niya
"Oo.." tipid na sagot ko

BINABASA MO ANG
My Creepy Lover
Mystery / ThrillerBakit ka ba laging paranoid? Always checking if the windows are closed kahit sa likod ng pinto, sa closet mo, pati na rin sa ilalim ng higaan mo tinitignan mo kung may tao.. Does scoping the area with your eyes reassure you? well, it shouldn't, beca...