Kane's POV..
Nagising ako sa kwarto namin ni Az..
Gusto kong tumayo pero nanghihina parin ako..
Napatingin naman ako sa picture namin ni Az sa side table ng bed at kinuha ko yun.. At niyakap..
Nagtalukbong ako ng kumot at tuluyan nang umiyak...
Ang daya naman..
Ganun ba palagi ang buhay?
Kung kailan ka na masaya..
Kung kailan mo na sinuko ang lahat..
Saka ka pa paparusahan..
Pwede bang iba na lang ang kunin nila?...
Kaso.. Kaso huli na ang lahat
Wala na siya.. Hindi na siya babalik.. Iniwan na niya ako..
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako..
.
.
.
.
.
.
.
Naramdaman ko namang may yumakap sakin...
Mga yakap na mamimiss ko.."Az" sabi ko at humarap sa natutulog na si Az....niyakap ko siya...
Isa lamang ba itong Imagination?
O panaginip?
Kung panaginip man to.. Sana huwag na akong gisingin..
Kung Imagination lang to..
Sana hindi ko na malaman na nagiimagine lang ako.."Gising ka na pala" sabi niya sakin at niyakap ako.. Napatulo na lang yung luha ko nang marinig ko yung bosses niya..
"Az" bangit ko sa pangalan niya..tumingala naman siya para tignan ako
"Bakit ka naiyak?" takang tanong niya at umupo .. Napaupo rin ako.. At hinawakan yung pisngi niya .. Pinunasan niya naman yung luha ko.. "bakit ka naiyak?" tanong niya ulit na may pag aalala sa boses niya..
"Totoo ba to?" tanong ko sa kanya.. "Nananaginip ba ako?" tanong ko..
"Ahhm... Hindi.. Gising ka na" sabi niya
Niyakap ko lang siya..
Alam kong hallucination ko lang lahat nang to.."natatakot na ko sayo Kane ha" sabi niya sakin..
"Namiss kita Az.. Nasa langit na ba ako?" tanong ko.. Parang totoo na kasi lahat...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"ARAY!" sigaw ko nang kagatin niya ako..
BINABASA MO ANG
My Creepy Lover
Misterio / SuspensoBakit ka ba laging paranoid? Always checking if the windows are closed kahit sa likod ng pinto, sa closet mo, pati na rin sa ilalim ng higaan mo tinitignan mo kung may tao.. Does scoping the area with your eyes reassure you? well, it shouldn't, beca...