HIM 1 LGR UNIVERSITY

1.7K 40 2
                                    

"Mama!!! Aalis na po ako." Sigaw ni Kia sa ina na naglalaba sa likod ng bahay nila.

KIA POV

Annyeonghaseyo!! *sabay ngiti* Ako nga pala si Kia Hershey Brooks, 18 taong gulang at isang anak lang. Si Papa ay nagtatrabaho bilang isang voice coach sa isang studio samantalang si Mama naman ay isang plain housewife. Si Papa ay ang naging inspirasyon ko kung bakit mas ginugusto ko ngayon na makapasok ng LGR University. Hindi nila ako pinipigilan dahil ang dahilan nila lagi sa akin..

"Kung saan ka masaya anak, masaya kami ng Papa mo para sayo..."

Oh di ba? Sinong di mata-touch?

Simple lang ang pamumuhay namin. Minsan kinukuha si papa na voice coach sa iba't ibang istasyon o contest pero nananatili pa ring tahimik ang buhay namin. Mag eenroll ako ngayon sa LGR University dahil pinayagan na ako nina Mama at Papa. 

"Kade!!! Tara samahan mo naman ako? Pwede ka ba ngayon?"

KADE POV

"Hi Girls.." *wink* (a/n: Che!! Pakilala ka na..)

Ako nga pala si Kade Stevens, 19 taong gulang at boy best friend ni Kia, pero di niya alam ang isang sikreto ko na matagal ko ng tinatago.

Teka sasabihin ko na ba sa inyo?

Huwag muna. ;)

Paalis na ako ngayon papuntang LGR University dahil dun ako papasok. Kukuha lang ako ng schedule ng makita ko si Kia.

"Kade!!! Tara samahan mo naman ako? Pwede ka ba ngayon?"

Syempre bakit ko naman siya tatanggihan diba?

"Oh tara na. Baka may manligaw pa sa yo e." ngingiti ngiting sabi ni Kade.

"Nang aasar ka na naman ba kade?" pagtataray ni Kia.

"Oh wag ka na high blood, malapit na pala tayo e." may pagsusuyo ang boses na sabi ni kade sa dalaga.

"Sabihin mo na lang kung saan ako pupunta. Wag mo na ako ihatid. Baka ikaw naman pagkaguluhan. Gwapo mo kase e noh?" nakataas ang kilay na sabi ni Kia sa kaibigan na may halong sarkastiko sa boses.

"Hahahahahahah!! You really made my day, gf." Pang aasar pa lalo ni Kade.

"Mr. Kade Stevens, I am warning you. I'm going to punch your face big time. Say it or..... No treats.." pananakot na may halong pang aasar ni Kia.

"Okay okay. Kaw naman di na mabiro. Since nasa hallway na tayo, sa gilid ng pinto na iyon may daanan dun. Derecho ka tapos kaliwa, makikita mo agad ang itim na pintuan, pagpasok mo makikita mo agad ang malaking machine dun. Yun ang entrance exam nila, bibitinin na kita dahil di ko pwede sabihin ang entrance exam nila dito. Nasa school rule book yun e." Nakataas ang kamay nung una saka sinabi ni Kade ang daan na agad naming tinandaan ng dalaga. Mabilis na namaalam sa isa't isa ang magkaibigan at tinahak na ni Kia ang daan patungo sa kanyang entrance exam.

~~ cont.

AUTHOR POV

Habang naglalakad si Kia ay kinakabahan siya. Kaya kinuha niya ang keychain niya na may letrang F sa gitna saka siya mariing pumikit at bumulong...

"Ford.. sana makaya ko.." pagkadilat ay saka pumasok ang dalaga sa itiim na pintuan. 

(Ang mga naka italic ay ang talking machine na makakausap ni Kia.)

Go to the center

"Hala nagulat naman ako.." sabi ng dalaga sa kanyang sarili. Ginawa na lamang niya ang sinabi ng machine na nasa gilid ng pintuan. Kulay dilaw ang ilaw ng kwarto. Makakakita ka ng iba't ibang gamit pang tugtog. At saka muli nag salita ang machine. 

Say your codename

Codename? Napaisip ang babae sa kanyang narinig. Codename? Seryoso? Hmmm.. Hanggang sa sinabi ng dalaga ang nasa isip nito.

Rhythm Player. Bigkas ni kia habang nasa gitna pa din ng kwarto. 

Sing after you heard the 1.

Sinunod naman ito ng dalaga. 

*****

Ooohh..  Sounds interesting right? 

Sige update ulit si Author. 

Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon