HIM 3 STANLEY'S DIFFERENT SIDE

797 25 2
                                    


Natapos ni Kia ang kanyang kinanta ng mabigat ang dibdib. Alam niya sa sarili niya na namimiss niya si Enzo pero di na niya alam kung nasaan ang binata. Kaya nung sinabi ng isang talking machine sa kanya na pwede na siya umalis, mabilis pa kay flash, siya ay nanakbo palabas ng kwartong iyon. 

Mabuti na lang walang tao sa hallway. Bulong niya sa kanyang sarili. Dumiretso siya sa isang convinient store at bumili ng tubig. Habang hawak hawak ang dibdib. 

L5 POV

"Tara guys kain tayo." sabi ni Stanley dahilan para mabasag ang katahimikan simula ng marinig nila ang boses ng babaeng huling kumanta. 

"Bili ka na lang ng maiinom. May malapit na convinient store dito. Samahan mo na Cooper, baka takasan tayo nitong isang to." sabi ni Lexus. 

"Grabe ka sa akin, tol! Jugeullae?" sabi ni Stanley kay Lexus na kinagulat ng mga kasama nila. 

Sinamaan naman ng tingin ni Gio si Stanley kaya..

"Sabi ko nga bili na ako. Buwisit!" pagdadabog ni Stanley na siya namang hinabol ni Cooper. 

"Dapat sinakyan mo na lang tol." sabi ni Ford kay Gio. 

"Pang aasar ko lang nga yun e. Matinik nga sa chicks, takot naman sa leader." sabi ni Gio sabay nuon ay tumawa ang tatlo. 

Sa convinient store. 

Habang nagbabayad si Cooper sa counter ay nakita naman ni Stanley ang babaeng hawak hawak ang dibdib. Tila na-robot naman si Stanley at nilapitan ang dalaga. 

"Ahmm.. Miss okay ka lang ba?" sabi ni Stanley sa babae na parang nahihirapan huminga. 

"Ahh eh.. O-oo okay lang ako. Sige alis na ako." sabi naman ng babae kay Stanley saka nanakbo palabas ng store.

"Oh nalingat lang ako, nambabae ka na agad stanley?"  sabi ni Cooper habang iniinom ang tubig na binili. 

"Baliw!! Nambabae agad? Hindi ba pwedeng concern lang?" seryosong sabi ni Stanley  na kinagulat ni Cooper.

"Lika, sundan natin siya." mabilis na sabi ni Cooper kay Stanley.

"Bakulaw ka!! Wag na. baka matakot lang yun sa atin." pagpipigil naman ni Stanley. 

"Hindi ka mag seseryoso ng boses kung wala lang yun. Lika na.." sabi naman ni Cooper. Mabilis silang lumabas kaya naabutan nila na napaupo ang isang babae sa kalsada habang tumataas ang balikat. 

Mas lalo pang tumakbo ang dalawa at naabutan nila ang babae na tila kinakapos ng hininga. Mabilis silang pumara ng taxi at dinala sa malapit na hospital. Nag talo pa sina Cooper at Stanley kung sino magbabayad ng taxi.

Samantala.. 

"Ang tagal naman nung dalawa na yun.." sabi ni Gio na tila naiinis na. 

"Binili na ata yung buong store e." Asar na sabi ni Lexus.

"Pero.. di kaya may nangyari na.." kalmado pero tila biglang natakot na sabi ni Ford. 

Habang lakad ng lakad si Gio ay bigla namang nag ring ang cellphone ni Gio. 

"Tol, pasensya na ah. Dala pa rin naman namin yung binili namin. Nandito kami sa Ying Hospital. Sunod na lang kayo."

Nagkatinginan sina Lexus at Ford tapos ayy..

"Ano?! Hospital? Sige itext mo sa akin kung nasaan kayo eksakto ah. Sige, bye." aligagang sabi ni Gio.

"Oh nasan na raw sila?" sabi ni Lexus na tila nangamba na.

"Halika, sa sasakyan ko ikukwento." sabi ni Gio. sumunod naman sa kanila si Ford. 

Nasa parking na ang tatlo ng biglang...

"Di ako makakasama sa inyo, tinatawagan ako ni Ruby. Sige na, balitaan niyo ako ah." sabi ni Ford sa dalawa na siya namang punta sa kanyang sasakyan at kumaripas ng andar ng kanyang sasakyan. 

Habang nasa sasakyan ang dalawa ay saka naman kinuwento ni Gio kay Lexus ang nangyari. Mas lalo pang binilisan ni Gio ang pagmamaneho.

Sa Ying Hospital.

"Ano nangyari?" Bungad na tanong ni Gio kina Cooper at Stanley. 

"May tinulungan kaming babae. Alam niyo naman si Stanley diba? Wala siyang kapatid na babae, kaya concern siya sa mga nakikita niyang may sakit." mahabang pahayag ni Cooper. 

Samantalang si Stanley ay palakad lakad. Nagulat naman sila ng dumating ang isang nanay. 

"Nasaan ang anak ko? Nurse may pinasok bang babae dito? Hindi katangkaran, maputi, maamo ang mukha? May nunal sa hgjgshdgsahdjgsahjk.." sabi ng Nanay ni Kia. 

"Ma'am nasa emergency room po siya. Kayo po ba ang ina ng pasyente?" sabi ng Nurse. 

"Ay hindi, hindi. Hindi siya yun? Ay tanga lang? Siya nga yun, sinabi na nga niya eh." Gigil na pamimilosopo ni Stanley  na kinagulat nina Cooper, Gio at Lexus. Natakot naman ang nurse kaya tumango na lang siya sabay umalis. Binasag naman ni Cooper ang katahimikan.

"Ahmm, magandang gabi po. Ako po si Cooper, sila po mga kaibigan ko. Kami po ni Stanley ang nagdala sa anak niyo po." kalmadong paliwanag ni Cooper sa ina. 

"Mabuti at nakita niyo siya. Salamat. At pasensya na sa abala." sabi naman ng nanay ni kia. 

"Sige po, aalis na po kami." sabi ni Gio sa ina na nasa harapan nila. 

"Teka, saan ba kayo nag aaral mga anak?" tanong ng nanay. 

" Sa LGR University po. Sige po, ingat po kayo. Alis na po kami." sagot ni Lexus sabay alis. 

******

Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon