HIM 4 KIA'S SICKNESS

767 24 3
                                    


KIA POV

Takbo dito, takbo dun. Ayun may nakita akong convinient store. Antanga mo Hershey, bat ba kasi di mo dinala gamot mo? Hay nako. Nakaupo ako sa pinaka dulong upuan sa isang store ng may lumapit na lalaki sa akin. 

"Ahmm.. Okay ka lang ba Miss?" sabi ng isang lalaking singkit ang mata at may katabaan ang mukha. Ang sarap pisilin ng pisngi niya. Sabi ni Kia sa kanyang isipan ngunit nawala din dahil mas lalong di siya makahinga kaya nagpaalam na siya sa lalaki at saka kumaripas ng takbo. Ngunit napaupo siya sa kalsada dahil sa nararamdaman niyang tila nauupos na kandila. 

Ganuon na lamang ang gulat ng dalaga ng binalikan siya ng lalaking kausap niya kanina at may kasama pang isang lalaki. Sasabihin na sana niya ang salitang "tulungan niyo ako.." ng bigla siyang mahimatay. Pagkatapos ng ilang oras, nagising na lamang ang dalaga sa isang hospital. 

"uhm..." 

"A-anak.. Anak ko.. Anong nangyari sa yo? Di ba sabi ko sa yo wag mo kakalimutang dalhin ang gamot mo?" may pag aalalang paalala ng ina ni Kia sa anak. 

"Sorry Ma." matipid na sagot ng daaga ng pumasok ang isang doktor.

"Ano pong lagay niya, Doc..... Ikaw pala yan, Samuel." may galak sa boses na sabi ng ina ni Kia. 

"Wala ka pa ring pinagbago Krisha. Siya na ba ang inaanak ko? Ang laki na niya." sabi ni Dr. Samuel kay Kia. 

Tanging tango lamang ang isinagot ng dalaga. Sabay nginitian ang kanyang ina at ang doktor sa kanyang harapan. Sumeryoso naman ang mukha ni Dr. Samuel habang iniisip ang sasabihin sa kanyang kaibigan at inaanak.

"Natatakot man ako pero kailangan niyo pa rin malaman ito. Unti unting humihina ang puso niya Krisha, mas mabuti na nakakasagap siya ng hangin. Hindi siya pwede sa mga kulob na lugar, sa masikip. Hanggang maaari, iwasan rin niya na i-stress ang sarili. Subukan mo makinig ng mga kanta sa gabi bago ka matulog. Nakaka relax iyon. sa ngayon, bibigyan ko siya ng gamot." seryosong sabi ni Dr. Samuel  habang naglalabas ng gamot na nasa supot. 

"Para saan yung gamot, Doc? " sabi naman ni Kia. 

"Para sa puso ito, Kia. Mas makakabuting lagi ito nasa katawan mo, sa bag mo pag nasa labas ka. Maiinom mo ito kahit walang tubig." sabi naman ni Dr. Samuel habang iiniaabot ang gamot. 

"Sobra sobra na ito, Samuel." sabi ni mama Krisha sa kaibigan. 

"Tulong ko na iyan, pag nakakaramdam ka  ulit, dito ka na lang pumunta. Di na kita pagbabayarin. At wag ka na mag alala, ipa private ko ang records mo dito." naka ngitiing sabi ni Samuel sa inaanak at kaibigan. 

"Maraming salamat ah. Sige iuuwi ko na anak ko." sabi ni Krisha. Inasikaso naman ni Samuel ang mga gamit ng inaanak at saka hinatid sa sakayan.

Sa bahay nina Kia. 

"Ma, alam na po ba ni Papa?" matamlay na boses na tanong ni Kia sa ina. 

"Oo anak, kailangan niya malaman kahit nasa trabaho siya." sagot naman ng ina ni Kia habang inaayos ang mga gamot ng anak. 

Lumipas ang gabing iyon ng maayos, tahimik at matiwasay. 

~~ cont.

Nung araw din na iyon.

FORDENZO POV

"Kuya Ford, uwi ka na agad. May good news kami kung nasaan si Ate Hershey." sabi ni Ruby sa kabilang linya ng telepono. 

Nagpaalam ako kina Gio at Lexus na di na ako makakasama sa kanilang dalawa sa pagpunta sa Ying hospital. Pero kinakabahan ako. Tila gusto ng loob ko na sundan sina Gio ngunit mas nanaig na umuwi ako at marinig ang sasabihin nila. Nakarating ako ng bahay at lahat sila ayt nasa sala at ako na lamang ang hinihintay. 

"So what is the good news? Mom? Dad?" seryoso ang boses na sabi ni Ford sa kanyang magulang. 

"They are here in Philippines. But we can't locate them." frustrated na sabi ng Daddy ni Ford. 

"Don't worry son, if kailangan namin magpa press para makita si Hershey, magkikita din kayo." nag aalalang sabi ng Mommy ni Ford. 

"I'll just change my clothes, mom." sabi naman ni Ford. 

Nakapag palit na ng t-shirt at short si Ford pero ang isip niya ay lutang pa din ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. 

"So, whats the news?" seryosong sabi ni Ford kay Cooper na  tumawag sa kanya. 

"May dinala kaming babae sa hospital kanina. You know what bro. She seems familiar." malaman na sabi ni Stanley kay Ford. Natahimik naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Stanley. 

"What do you mean, Stan?" sabi ni Ford dahilan para mapaupo siya at mapaisip. 

Huminga muna ng malalim si Stanley saka nag kwento.

"Do you guys remember back when we're still young, may kalaro tayong babae. Parang siya yun.." seryosong sabi ni Stanley

"You mean...." bitin na sagot naman ni Cooper. 

"Nakuha niyo ba ang pangalan?" tanong ni Ford.

"Hindi tol e." sagot ni cooper na tila nakakaramdam ng tension.

"Antatanga niyo naman tinulugan niyo tapos di niyo alam yung pangalan!!" sigaw ni Ford na agad namang sinagot ni Gio. 

"Kumalma ka, Fordenzo. Hindi nadadaan sa sigaw yan. Hindi na namin naitanong dahil dumating yung nanay. Pwede naman natin hingin yung CCTV record nila or makita para malaman natin kung siya na nga yun e." kalmado pero malaman na sabi ni Gio na ikinatahimik ng lahat.

"Ginawa ko na yan, Gio. Pero wala akong nakita sa CCTV yung oras na dinala natin yung babae. Nagtanong na rin ako sa mga doctor pero di sila pwede mag bigay ng information kung hindi kamag anak." mahabang pahayag ni Lexus. 

"Sorry brothers, nasigawan ko kayo." sabi naman ni Ford na tila nahimasmasan. 

"Oh gabi na, wag na kayo mag bar at may pasok pa bukas. Sige Ford, kita kits na lang bukas. Good night." sabi ni Gio sa mga kaibigan. 

Sabay sabay namang nag goodnight ang magkakaibigan.

*****



Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon