HIM 5 KIA'S VOICE/MEET THE C.H.A.R

832 22 0
                                    

Maagang nagising si Kia para bumawi sa kanyang mga magulang dahil sa pag aalala sa kanya. Nag ehersisyo si Kia ng kaunti pagkatapos ay nagluto ng kanilang kakainin. Nag sangag siya ng kanin, nag luto ng corned beef at itlog, nag init ng tubig pang kape at saka nagligo para sa pagpasok. Pagkatapos maligo ng dalaga ay tinungo niya ang kwarto ng magulang niya saka ginising ang mga ito. 

"Mama.. Papa.. Gising na po kayo. May nakahanda ng pagkain sa lamesa." pagtawag ng dalaga sa kanyang ama at ina. 

Lumabas naman ng kwarto ang mga magulang niya. Humalik naman siya sa pisngi bilang pag bati. Habang kumakain...

"Anak, balak ko sana kausapin ang principal ng papasukan mo. Alam mo naman na mahina ang katawan mo, hindi ba? Para din sayo yun." seryoso pero malaman na sinabi ng ama sa kanyang nag iisang anak. 

"Sige Papa. Kayo po bahala." maikling sagot ng dalaga. 

"Ayos ka lang anak?" may pag aalalang tanong ng ina ni Kia sa anak. 

"Okay lang ako Mama, wag po kayo mag alala inayos ko na po gamit ko nandito na din sa bag mga gamot ko. Pa, may klase pa ako. Punta na lang po kayo sa university pag free time niyo po." paliwanang ng dalaga sa kanyang ama. 

Tumango lamang ang ama ni Kia pagkatapos ay lumabas na ng bahay si Kia. Eksakto naman na padaan si Kade kung kaya't sumabay na siya. 

"Tara na best, mahuhuli ka pa sa first day mo. Hahahaha!!! Good luck." sabi ni Kade habang nagmamadaling maglakad. 

"Wuuuuy hintay.. Lam mo naman na di ako pwede mapagod diba?" sabi ni Kia na tila hinihingal kakahabol kay Kade. 

"Huh? Ahmm.. May nangyari ba kahapon, Kia?" seryoso ang boses na sabi ni Kade kay Kia habang tinitiitigan ang dalaga. 

"Ahh ano.. wa-wala.. Ano ka  ba?" nauutal na di makatinging sagot ni Kia. 

"Bestfriend mo ako, alam ko kapag nagsasabi ka ng totoo at pag nag sisinungaling ka. Gusto mo pa ba na magtanong ako kay Tita Krisha kung ano nangyari sa yo kahapon?" mahabang pahayag na tila naiinis na sinabi ni Kade kay Kia. 

"Oh sige ganito na lang, 12noon, sa Canteen. Magkita tayo." sabi ni Kia pagkatapos ay naglakad na papunta sa kanyang paghahanap ng room number na nasa class schedule niya.

L5 POV

"Hay nakaka antok pa."  sabi ni Stanley habang sina Cooper, Lexus at Gio ay isa isa namang tumatayo sa kanilang higaan. May bahay kasi silang kinuha na para lamang sa kanilang magkakaibigan. At dahil di nila kasama sa bahay si Ford ay nag tig isang kama silang lahat.

"Hey guys, c'mon it's our first day to meet the sophomores." nagkukusot mata na sabi ni Gio sa mga kasama.

Habang si Lexus naman ay naghahanda ng kanilang makakain, ang tatlong lalaki naman ay naliligo na.  Sumunod naman na maligo si Lexus ng natapos si Cooper. Nang kakain na sila ay tila hindi pa din natatapos si Lexus sa CR. 

"Oh ano nasan na si Lex?" sabi ni Cooper na kumukuha na ng tinapay at itlog.

"Eh paanong di tatagal yun e, antatagal niyo din kumilos e." sabi naman ni Gio.

"Ipagtatabi ko nalang siya. Sa sasakyan na lang siya kumain." sabi naman ni Stanley habang sumusubo ng pagkain. Nasa kalagitnaan ng pagkain ang tatlo ng biglang tumawag si Ford sakto naman ng paglabas ng kwarto ni Lexus. 

"Matagal pa ba kayo? Kanina pa ako dito sa labas." naiinip na tono na sabi ni Ford sa kabilang linya ng tawag sa cellphone ni Gio. 

"Oh eto na pala si Lexus e. Tara na ibaba mo na yan. Labas na." sabi naman ni Cooper. 

"Oy teka, wala pa nga ako nakakakain eh." sabi naman ni Lexus sabay may inabot sa kanya si Stanley. 

"Oh tol, kain kain din." abot ni Stanley ng sandwich. Sabay ay inalok na din siya ni Ford ng inumin. 

Nakasakay na sila ng sasakyan ng mag salita si Ford.

"Ang tagal niyo talaga mag sikilos." sabi ni Ford sa kawalan. 

"Hindi kami noh. Si Lexus kaya tagal maligo." natatawang sabi ni Cooper. 

"Buwisit kayo ako na nga nagluto ng kinain niyo e. Mabuti nalang pinag handa ako ni stanley. Iba ka talaga bunso." sabi ni Lexus kay Stanley sabay gulo sa buhok ng binata.

"Aishh!!" reaksyon ni Stanley dahil sa pag gulo ni Lexus ng kanyang buhok.

"Baba na. Nandito na tayo. Oy lex, wag mo dumihan sasakyan ko. Di ka na makakasakay dito." sabi ni Ford sa mga kasama.

Tumingin lamang si Lexus kay Ford tapos ay sabay sabay silang nagtawanan.

"Akala ko, mag aaway kayo e." sabi naman ni Gio habang naglalakad silang lima.

Natigilan sila sa CR ng babae dahil sa may narinig silang nag ha-hum. 

KIA POV

Mabuti na lang at nadala ko ang gamot ko. Nasa school na ako ng maramdaman ko ulit ang dibdib ko. Alam ko na hindi na maganda ang nangyayari sa kalusugan ko pero gusto ko pa rin mag aral. Gusto ko matupad ang pangarap ko. Na maging isang sikat na manunulat at mang aawit. 

Kaya dumiretso ako sa comfort room ng mga babae mabuti na lang at walang tao. Pagkatapos kong uminom ng gamot, nilagay ko ang headset sa aking tainga at nagpatugtog ng kanta. Hindi ko alam pero sa tuwing pinapakinggan ko ang kantang to, um-okay ako. Pa-minsan minsan naman nagiging emosyonal ako. Kaya nag hum ako. 

"Hmmmm... Hmmm..." Humming in the tune of Wedding Dress By Taeyang. 

Napakanta na ako dahil sa umayos ang pakiramdam ko. Hanggang sa..

L5 POV

"Pasukin na kasi natin.." sabi ni Cooper sa mga kasama dahil sa gusto nila makilala ang babae sa likod sa boses na iyon.

Iyon din ang pangalawang beses na narinig nila ang mala anghel na boses na iyon. Sa sobrang pagka inip at pagkainis, si Lexus ang bumukas ng pinto ng CR ng mga babae at...

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!" Sigaw ni kia ng makita ang lalaki na pumasok sa CR ng mga babae. Tila nanigas naman sa katayuan si Lexus kaya di siya naka alis kaagad hanggang sa nakita ng CHAR ang L5.

"Hoy!!! Bakit kayo nandito sa harap ng CR ng mga babae?" Nakataas ang kilay na sabi ni Cara.

"Sino na naman minamanyak niyo ahh?" Minamatang sabi ni Hazel sa L5.

Nilapitan naman ni Joy at Ruby si Kia. 

"Uhmm pasensya ka na sa kanila ah.." paumanhin ni Ruby kay Kia.

"Ahh wala yun.. bakit ba kasi sila nandiyan?" sabi ni Kia na di makatingin sa mga lalaki.

"Pabayaan mo na sila, ako nga pala si Aljoy Ortiz. Siya si Ruby Miles. Si Cara Cannon ang leader ng grupo samantalang yung babae naman na yun e si Hazel Dixon. And you are?" pagpapakilala ni Joy kay Kia ng mga kaibigan niya sabay tanong.

"Uhmm.. Kia.. Kia Brooks. Sige, male late na kasi ako." sabi ni Kia sa mga babae sa harap ng naka yuko. 

"Sasabay na kami sa yo. Girls.." sabi ni Cara sa mga kaibigan sabay tinitigan ang grupo nina Gio. 

*****

Kia Hershey Brooks on Multi Media.


Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon