HIM 12 KIA'S NEW LOOK/OUTFIT

627 18 0
                                    


Nang araw ding iyon, pagkatapos mag usap nina Kade at Kia ay hinatid na ni Kade ang kaibigan sa bahay nito. 

"Tita, pwede po ba tayo mag usap?" sabi ni Kade sa mama ng kaibigan.

Tumango lamang ang nanay ni Kia. Nag usap sila sa sala ng bahay habang si Kia ay nasa kwarto niya. 

"Tita alam na po ni Ford na si Kia si Hershey. Ano na po gagawin niyo? Di naman po pwedeng habang buhay kayo magtatago." malumanay na boses na sabi ni Kade.

"Salamat iho. Dahil sa pagiging maaalalahanin mo kay Kia. Siguro nga tama ka, kung kinakailangan na paglapitin ko sila ulit. Kaso ako ay natatakot, sa kalusugan ng anak ko. Sana maintindihan mo. Hindi magiging madali. Lalo na sa Papa niya." nag aalalang sambit ng ina ni Kia. 

Napabuntong hininga na lamang si Kade sa narinig sa Ina ni Kia. Batid niya na naiintindihan niya ang ina ng kaibigan dahil na rin sa mga pinagdaanan ng kanyang kabigan. 

"Sige po Tita, salamat po. Alis na po ako, baka hinahanap na po ako sa amin." pamamaalam ni Kade sa ina ng kaibigan. 

Ngumiti at tumango lamang si Nanay Krisha. 

~~~ Next day... 

"Ma, ano po napag usapan niyo ni Kade kagabi?" pagtatanong ni Kia sa ina habang sila ay nag aalmusal. 

"Nabanggit na sa akin ni Kade ang lahat, Anak. Huwag ka mag alala, hindi ako galit. Naiintindihan ko kung gusto ka ulit makasama ni Ford, magkababata kayo." sabi naman ng nanay ni Kia. 

"Ma, sorry po.." sabi ni Kia sa ina sabay yakap ng mahigpit. 

"Hwag ka mag sorry anak. Hindi mo kasalanan okay? Kung sino man ang dapat sisihin dito, kami yun ng papa mo. Anak, inalagaan ka lang namin sa paraang alam namin. Oh sige na, male late ka na. Yung gamot hah. May clinic naman sa university niyo, pag may masakit sa yo pumunta ka na lang agad huh. Mahal na mahal ka ni Nanay." mahabang litanya ng Ina ni Kia. 

Ngiti lamang ang sinukli ng dalaga sa kanyang Ina. Alam niyang napaka swerte niya dahil sa natatamo niyang pagmamahal na nagmumula sa kanyang ina kahit hindi sila gaano nagkikita ng Ama niya. 

~ Sa LGR University. 

"Bakit antagal ni Kia?" sabi ni Cara. 

"Baka naman late lang.." sagot naman ni Hazel kay Cara. 

Napanganga ang CHAR sa nakita nila.. 

"Oh my.. Kia? Ikaw ba talaga yan?" sabi ni Aljoy sa pagkamangha. 

"Oo ako to. Si Mama kasi e. Dinala ako sa parlor. Ahmm.. Bagay ba?" nahihiyang sabi ni Kia sa grupo ni Cara.

"Wow!! Ang ganda ganda mo lalo Ate Kia." sabi naman ni Ruby sabay yakap sa braso. 

"You look so gorgeous." Cara.

"Stunning.." Hazel.

"Simply Beautiful.." Aljoy.

Pagkatapos niyon ay sabay sabay na tumawa ang magkakaibigan. Nang matapos ang 3 subject ay nag lunch break ang magkakaibigan. 

"Oh nandito din pala sila." Sabi ni Cara sabay turo sa grupo nina Gio. 

Nilapitan naman nila ito ng di mapapansin ng L5 si Kia. 

"Oh himala, apat lang kayo." panunukso ni Cooper. 

"Di niyo yata kasama si Kia.." sabi ni Gio na tila nakikisali na din sa panunukso ng kasama. 

"Impossible bang di namin siya kasama?" sagot naman ni Hazel na nakataas ang kilay.

"Eh tignan niyo nga apat lang kayo. Ano yun? Invisible lang?" pamimilosopo naman ni Stanley.

"Oyy tigilan niyo na nga sila. Tara sabay na kayo sa amin." sabi naman ni Ford sa mga kaibigan at kina Cara. 

"Kia, lika na kain na tayo. Libre nila." sabi ni Hazel na may halong pang aasar sa L5. 

"Anong libre? Grabe oh.." sabi naman ni Lexus. 

"Oo libre.. libre ni Kuya Ford. Diba, kuya Ford?" sabi ni Ruby na may ngiting nakakaloko.

"Anong.... ikaw talaga ruby.. may binibigay sayo si Tita na pera kaya may pera ka. Halika na." sabi ni Ford.

Bigla namang natahimik ang grupo nina Gio ng lumabas na si Kia sa likod ng mga kaibigang babae. 

Napanganga sina Gio, Lexus, Cooper at Stanley samantalang di naman makatagal ng tingin si Ford dahil sa ganda ng kaharap nila.

"Hello to earth!!" sabi ni Hazel. 

"*baaaam!!* ano nangyari huh? Nakita niyo lang si Kia ng ganyang ayos e natameme na kayo..." pabagsak na kamay sa lamesa saka sinabi ni Cara sa mga kaibigang lalaki. 

"halika dito Kia, kain tayo..." hila ang kamay na sabi ni Ford kay Kia na kinapula ng mukha ng dalaga. 

*****

Bitin ba? 

HAhahhaah!!

UD Soon. :) 


Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon