HIM 11 DISCOVERING KIA'S SICKNESS

629 17 0
                                    


"Uhmm.. Miss?" sabi ng lalaki kay Kia habang si Kia ay nakatungo. 

Nang mag angat ng ulo si Kia ay si Kade ang bumungad sa kanya. Agad namang napayakap si Kia habang patuloy na umiiyak. 

"Anong nangyari, Kia? Ikuwento mo sa akin, makikinig ako. Tumahan ka muna, pakiusap. baka may mangyari na naman sayo niyan." nag aalalang sabi ni Kade sa kaibigan. 

Lumabas muna sila ng campus, nagpahangin at umupo sa isang park na malapit sa unibersidad. Tumahan na si Kia ngunit bakas sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman. Himihikbi man ay kinontrol niya ang sarili na hindi mag emotional breakdown sa harap ni Kade. Tumikhim muna siya bago siya nag salita. 

"Si Fo-Ford.. Naaalala pa rin niya ako, Kade. Pero ano gagawin ko? Ayoko malaman niya yung tungkol sa sakit ko. Iiwan din nila ako pag nalaman nila ang sakit ko. Ayoko na kaawaan nila ako. Wala na akong pag-asa gumaling, alam ko yun. Ayoko sila maiwan pag nagkataon." umiiyak na sabi ni Kia. 

L5 POV

Nag meeting ang magkakaibigan, Batid nila ang tensyon na nangyayari kapag kaharap nila si Kia. Alam ni Stanley na may itinatago ang dalaga kaya naman isa isa nilang kinausap ang mga magulang nila. 

"Yes Ma. Di ba si Tito White ang isa sa major stockholders ng mga hospital dito? Pwede kaya ako makiusap kay Tito about something.. Okay Ma. Pa-send nalang po ng number ni Tito White. Thank you Ma, I love you." sabi ni Lexus sa kausap sa kanyang cellphone. 

"May alas na tayo, guys." seryoso ang mukha na sabi ni Lexus sa mga kaibigan. 

"Kontakin mo na, Lexus." inip na sabi ni Gio. 

Pagkatapos ng ilang segundo na pag ring. 

"Tito White, can you do me a favor?" Lexus. 

"So, what it is my niece?" Tito White.

"Do you remember hershey? My friends and I are curious about what she's hiding from us. We want to see the CCTV records in Ying Hospital. One of the hospital here in Philippines." Lexus na seryoso ang tono ng boses. Naghihintay naman ng sagot ang kanyang mga kaibigan. 

"Alright. Just tell them that about my name. You and your friends allowed in the CCTV room. And Lexus..." Tito White in his serious cold tone. 

"Yes, Tito White.." Kinakabahang sagot ni Lexus. 

"Whatever it is that you will find out, take good care of her. And tell it to Ford, okay?" malaman na tono na sabi ni Tito White. 

"Okay, Thanks Tito White. Bye." Lexus pagkatapos ang binaba ang telepono. 

"So.... saan na tayo?" sabi ni Cooper na tila kinakabahan. 

"Ying hospital, pero sa likod tayo dadaan." sabi ni Lexus habang nag aayos. 

"May kailangan ba kaming malaman, Lexus?" makahulugang tono na sabi ni Ford sa kaibigan. 

"I'll tell you guys pag nakasakay na tayo..." sabi ni Lexus habang nila-lock ang condo.

~~ Sa loob ng sasakyan. 

"Sabi ni Tito White na kung ano man ang malalaman natin, ingatan at alagaan natin si Kia." sabi ni Lexus na binigyan naman ng makahulugang tingin ng magkakaibigan. 

"May sakit siya?" nag aalala na tono ni Stanley. 

"But how?" sabi naman ni Ford. 

"Kailangan na natin makausap ang Mama ni Kia. Pwedeng nasa genes na yun or pwede rin namang nakuha lang niya sa Lolo or Lola niya. " sabi naman ni Gio. 

~~~cont. 

Nakarating ang magkakaibigan sa Ying Hospital. Para makapasok sila, sinabi ni Lexus ang pangalan ng kapatid ng Mama niya na si Tito White upang mapayagan sila na makapasok magkakaibigan.

Sa CCTV Room, pinapanuod nila ang kuha sa video kung saan kausap ni Kia ang doctor na napag alamanan nila na Ninong pala ng dalaga at kaibigan ng Mama ni Kia. Binalikan naman nila ang unang araw na pinasok nina Stanley at Cooper si Kia sa hospital na iyon kaya nalaman nila ang totoong dahilan kung bakit laging nadadala sa hospital si Kia. 

"Tama ka, stanley. May sakit siya.." sambit ni Cooper na lalong nagpa tensyon sa paligid. 

"But how?" napahilamos sa mukha na sabi ni Ford. Napansin naman ng magkakaibigan na napa-close fist si Ford. 

"I can't lose her.. again.." naluluhang sabi ni Ford. 

"Pero napapaisip ako mga tol, bakit nakukuha niya pa rin mag aral? Pumasok sa university?" sabi naman ni Cooper out of the blue. 

"Oo nga.. Ano yun? I mean para saan?" Gio na napapaisip din.

"Maybe because she wanted her dreams to come true. May gusto siyang marating.." seryosong sabi ni Stanley. 

"You're right. She wanted to pursue something she really wanted." sabi ni Ford na napahawak sa braso ni Stanley. 

"Okay. This is for tonight guys. pack up na. Bukas ulit." sabi ni Gio habang hinihintay ang mga kaibigan papalabas ng kwarto.


*****


Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon