HIM 10 KIA'S FLASHBACK

630 20 0
                                    

"Antagal kitang hinintay... Hershey.." Ford to Kia.

~~~

Natapos ang klase na tila di makapaniwala ang CHAR at L5 na kaharap nila ang last auditionist na si Kia. Kagrupo na rin ni Kia ang CHAR dahil sa assignment na ibinigay sa kanila sa klase. Ng maka alis na ang iba pang estudyante...

"Wow!!! You have an amazing voice Kia..." sabi ni Cara na sinang ayunan ng magkakaibigan.

"It was so angelic." Puri naman ni Hazel.

"So pure yet so unique." Aljoy habang namamangha pa rin.

"And you give justice to kuya Ford's song." sabi ni Ruby na kinagulat ng lahat.

"A-anong ibig mong sabihin, Ruby?" sabi ni Kia na tila nagulat.

Ipinarinig naman ni Ruby ang voice record na ginawa niya dun sa last student na nag entrance exam. Hanggang sa...

"Te-teka.. Alam niyo? E diba di niyo naman nakikita kung sino yung mga nag entrance exam?" pagtatakang tanong ni Kia na siya namang sinagot ni Gio.

"There's no impossible in this university, Kia. Thats why we made everything possible." sabi ni Gio na nakikiramdam naman sa pwedeng mangyari.

Nagkaroon ng sobrang katahimikan pagkatapos magsalita ni Gio.

FORDENZO POV

Nung narinig ko na kumanta si Kia, I knew she is my Hershey. Bumalik ang aking imahinasyon nung bata pa kami. Habang hawak ko ang plastic na giatar, kumakanta ako at syempre, kumakanta siya. Bumalik ako sa reyalidad ng umupo na siya hanggang sa natapos ang klase. Hindi pa din ako makapaniwala. Kaya di ko na sasayangin ang oras ko.

"Antagal kitang hinintay... Hershey.." sabi ni Ford kay Kia.

"Hi-hindi ako m-ma-makahinga.." sabi naman ni Kia saka niluwagan ni Ford ang yakap sa dalaga.

"Hindi ako si Hershey.." sambit ni Kia in cold voice saka umalis sa harap ni Ford at ng mga kaibigan niya.

"Pero hindi ako pwedeng magkamali, ikaw ang Hershey ko." desperadong sigaw ni Ford.

Lumabas naman ng kwartong iyon si Kia ng masama ang loob. Bumalik ang kanyang isipan ng panahong iniwan siya ni Ford.

FLASHBACK

"Sorry, but we need to migrate in Korea." Sabi ng batang Ford.

"But how about me? Why do you have to leave me?" sabi naman ng batang Hershey.

"Hey please don't be sad, don't cry alright? Here, take it. So when you're sad, know that I'll always there for you, cheering you. Making you smile. I'll be back. Promise." sabi ng batang ford habang binibigay sa batang babae ang keychain na may letter F na pendant.

Bigla naming tumalikod ang batang Hershey at sinabing...

"Don't say promise. It will be easy for me to hold on. Just do it." Paiyak na sabi ng batang Hershey.

At sa pagtalikod ni Hershey, tuluyan na ngang umalis si Ford kasama ang magulang niya papuntang korea.

FLASHBACK ENDS

At tuluyan namang humagulgol si Kia sa kanyang naalala. Ayaw niyang dumating ang panahon na iiwan siya ni Ford o yung araw na kailangan niya nang iwan ang mga taong mahalaga sa kanya. 

*****

Short update in this chapter. 

Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon