HIM 13 BULLIED

556 17 0
                                    

Alam niyo yung literal na napanganga? Ako yun e. Hinatak ako ni Ford sa tabi niya ng makita ako ng grupo nina Gio. Teka, ano ba tong mga to? Kaya ayoko mag aayos e. Si Nanay talaga mapilit. Pero siyempre ginusto ko na din ito. Alam ko na mayaman kami pero di nila pinangalandakan iyon.

Tahimik kami na kumakain habang ang mga mata ng kasama namin sa lamesang iyon ay di naaalis sa amin ni Ford. Ano ba tong mga ito, parang nagulat bigla sa inasal ni Ford.

AFTER 3 MONTHS... FAST FORWARD

Marami nang nangyari sa university. Maraming pagkakataon na kasama ko lamang sina Cara, Hazel, Aljoy at Ruby. Pagkatapos naman ay pag uwian, hinahatid ako ni Ford sa bahay. Oo. Alam na niya kung saan kami nakatira. Nagkausap na din ang mga magulang namin tungkol sa pagtatago na ginawa ng aking mga magulang sa akin dahil sa sakit ko. Pero di namin pinapaalam sa mga kaibigan ko maski sa mga magulang ni Ford ang totoong sakit ko. Ayoko. Natatakot ako.

Kaya naman bago mag sembreak, magpapa alam muna ako kay Ford, syempre pati na rin sa mga kaibigan ko. Magbabakasyon kami nina Mama at Papa.

Isang umaga, habang naglalakad ako papasok, nagulat ako sa isang busina.

*beeeeep* *beeeeep*

"Ay kabayo!! Jusko ikaw lang pala Ford." Sabi ni Kia sa gulat.

"Ay sorry, halika na. Sakay ka na. Sabay na tayo." Paanyaya ni Ford sa dalaga.

Bumaba si Ford sa kanyang sasakyan saka pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ang dalaga.

"Thank you.. Ahmm.. nga pala, magbabakasyon kami nina Mama at Papa kina Lolo at Lola ko, sa side ni Mama. Kaya calls and texts nalang tayo sa sembreak. Pwede din namang skype, messenger." Mahabang pahayag ni Kia kay Ford.

"I'll go with you, with your parents." Sabi naman ni Ford tapos ay tumigil na sa parking ng university.

"You can't Ford. It's Family Vacation. Even if I wanted to, I just can't. Hope you understand it." Nakayukong sabi ni Kia. Inangat naman ni Ford ang mukha ng dalaga, saka hinalikan ang pisngi ng dalaga.

"Okay. Stop worrying, I will be fine." Naka ngiting sabi ni Ford saka nag aya na bumaba na.

"Oh ayan na pala ang love birds e." sabi ni Ruby na may halong pang aasar.

"Ikaw talaga ruby. Oh ingatan niyo si Kia ah. Sasagutin pa ako niyan. Hahahah!!" sabi naman ni Ford na ikinapula ng mukha ng dalaga.

"Hay nako, lika na nga. May klase pa tayo. Oyy kayo.. *death glare* may klase pa tayo diba? Tara na." sabi naman ni Hazel pati sa L5.

Mabilis na lumipas ang araw at habang papalabas ng campus si Kia ay natanaw naman niya na paparating ang Mean Girls.

"Oh well, girls look who's here? Ikaw ba ang babae ng Boyfriend ko?" sabi ni Claire habang hawak ang necklace niya na may pangalan ni Ford.

Nanatili namang tahimik si Kia sa kabila ng pagdadaldal ng Mean Girls sa kanya.

"Oh wala ka bang dila at ayaw mo mag salita?" sabi naman ni Chloe na nakataas ang kilay.

"I'm sorry, sige alis na ako." Nakatungong sabi ni Kia sa mga babae sa kanyang harap.

"Wag mo kaming tinatalikuran pag kinakausap ka namin." Sambit ni Riley.

"Bastos to!" sabi naman ni Claire pagkatapos ay hinila niya ang buhok ni Kia dahilan para mapaupo ang dalaga.

L5 POV

Samantala..

Naglalakad papuntang canteen si Cooper ng nakita niya ang mean girls na tinatalakan si Kia at nakita niya rin na napaupo si Kia dahil sa sabunot na ginawa ni Claire.

Hinahabol man ang hininga, nanakbo si Cooper at hingal na sinasabing....

"Guys, si Kia.. inaway siya ng Mean Girls.." sabi ni Cooper sa mga kaibigan.

Agad namang napatakbo ang mga babae sa kinaroroonan ng dalaga, naghiwahiwalay sila. Ngunit di naman nakalusot kay Ford ang nangyari....


*****

Heart In Music - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon