8 - Mahal?

596 12 0
                                    

Louise's POV

"Mike, thank you nga pala kahapon ah. I had fun." I closed the gap between us and embrace him.

Nandito kami ngayon sa gate ng school at nag uusap lang kami habang nag aantay ng sundo ko.

Bumitaw agad ako at umayos ng tayo habang naka yuko. Feeling ko namumula yung mukha ko. 

"Buti naman at nag enjoy ka."ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

Napangiti na lang din ako sakanya. Kinikilig ako eh.

'Kinikilig ka sa mga sinasabi at ginagawa niya sayo.'

That statement just popped up in my mind. It was from our conversation of gwyn and me last night when we talked about of mike asking me for a date last day.

I brushed it off immediately and just stare at him.

Bakit ang gwapo gwapo niya? Though, natatakpan iyon ng kaniyang salamin at ng messy hair niya. They can't just see it because they don't do the second look at him.

'Feeling mo, siya lang ang gwapo sa paningin mo.'

My eyes widen and look away. Good thing na nakatingin siya sa harap.

Wtf. Kung ano ano na lang iniisip ko. Bat kasi ang tagal ni manong? Tch.

Speaking of, ayan na yung kotse palapit sa amin.

"Sige kate. Ingat." he tapped my shoulder and waved at me. Hindi ko alam pero the moment na dumikit yung kamay niya sa akin ay nandun na naman yung koryente na nararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang simple lang ng ginawa niya pero bakit sa akin ang big deal nun?

'Lastly, your heart is beating abnormally for him.'

What the hell?! Totoo kaya yung mga sinabi sa akin ni gwyn? Am I really in love?

Aaahhh!! Kasalanan mo to mike eh! Aish.

***

I frowned at saka ginulo gulo ang buhok ko. Mag papaikot ikot sa kama at sandaling matulala hanggang sa ulitin ko yung ginawa ko nang una.

Nababaliw na siguro ako.

Hindi kasi maalis sa isipan ko yung mga napag usapan namin ni gwyn kagabi.  Napag usapan kasi namin yung tungkol kay mike tapos tinanong niya ako kung mahal ko daw ba ito kaya ang sabi ko hindi ko alam. At dahil sa may experience na siya sa mga ganung bagay ay binigyan niya ako ng mga advice pag dating sa pag ibig na siyang nag papa gulo sa aking isipan ngayon.

Oo gusto ko si mike nung una palang pero kahit kailan hindi sumagi sa isip ko yang mahal mahal na yan. Siguro mahal ko na siya kasi di ba nga ginusto ko na siya matagal na. Mag boyfriend-girlfriend na rin naman kami. Ganun naman siguro yun noh. Haayy. Malay ko ba kasi dito. 

Tapos yung mga sinabi sa akin ni gwyn nag tutugma. Nako. Mababaliw na talaga ako.

"Kate, anak, eto na yung gatas at marshmallow mo." napatingin ako kay nanay lolith na pinapatong na ngayon ang dala niya sa side table ko. Napa buntong hininga ako.

"Haaaaaaayyy."

"Ang lalim nun ah. May problema ba?"

She's my yaya since birth. She's the one taking care of me kapag wala sila dad kaya siguro napalapit na ako sakanya. Every night she'll bring me a glass of milk with my favorite marshmallow.

"Nay lolith, paano niyo po ba nalaman na mahal niyo na  ang asawa niyo?" napatawa siya ng bahagya at umupo sa tabi ko sa kama.

"Bakit nak? May mahal ka na ba? Yun ba yung mike?"

"Nay! Paano niyo po nalaman?"

"Haha. Na ikwento kasi sa akin ni baste."

"Si mang baste talaga ang daldal." si mang baste ang driver ko.

"So, anong meron?"

"Eh kasi nay naguguluhan ako. Mahal ko ba siya?"

"Aba malay ko. Ano bang nararamdaman mo?"

"Yun nga po eh. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nung una naman hindi ko to maramdaman."

"Kayo talagang mga bata kayo. Pumapasok sa mundo ng pag ibig ng walang ka alam alam." napa nguso na lang ako sa sinabi niya. Tama naman siya eh. Malay ko ba.

"Alam mo, malalaman mo lang kung mahal mo ang isang tao kapag..."

***

"Huhu. Nakaka iyak naman po yun nanay lolith." kanina pa tulo ng tulo ang luha ko dahil sa kwento ni nanay.

Napunta kasi kami kung paano sila nag kakilala, nag simula at kung paano nag mahalan ng kaniyang asawa. It was tragic yet sweet. Nag kakilala sila sa ospital ng minsang dalawin niya ang kaniyang nanay na naka confine. At dahil dun, araw araw na siyang pumupunta sa ospital para makita si mang edi, her husband. They become friends and turn into lovers. Sa sobrang pag tuon ni nanay lolith sa kanilang pag mamahalan, nakalimutan niya kung bakit nasa ospital si mang edi. Hanggang sabihin nito na may stage 3 cancer. Parang gumuho ang mundo niya. Pero napalitan agad iyon ng saya nang alokin siya nito ng kasal. They got married and it lasted for only seven years. Noon pa man handa na siya na mang yayari iyon pero hindi niya mapigilan ang sakit when mang edi left her. Before mang edi died, she left a promise to be strong and happy.

Kaya pala never akong nakarinig tungkol sa asawa niya. Ayoko namang mag tanong dahil ayaw kong manghimasok kay nanay lolith.

She smiled at me and there's a hint of sadness in there. Tinutupad niya yung pangako niya kay mang edi na maging matatag at masaya kahit na alam kong nahihirapan siya.

"Ikaw talaga. Sige na, matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Salamat sa pakikinig anak." niyakap niya ako at tuluyan na siyang lumabas dala dala ang pinagkainan ko.

How I wish I could be like her. Emotionally strong.


Pero, mahal ko na kaya talaga si mike? Kung oo, kakayanin ko rin bang mawala siya sa buhay ko? Iniisip ko palang parang nang hihina na ako.

Sana maging malinaw na sa akin ang lahat sa lalong madaling panahon. Pero ayokong magmadali. Baka mas lalo lang akong maguluhan.

I lay down and dozed off for sleep.

My Sadist LoverWhere stories live. Discover now