3 - The Gang

828 21 0
                                    

Mike's POV

Halos dalawang linggo na akong boyfriend ng babaeng yun. Hindi naman sa ayaw ko. Pero shet lang, ang ganda niya talaga para sa akin. Kaya lang ang brutal niya naman kasi eh. Tsk tsk.

Papunta ako ngayon sa mall para bumili sa NBS ng gamit sa school. Bibili din siguro ako ng bagong gitara. Nasira na kasi yung luma ko. Sabado na rin naman.

**

Patapos na ako sa mga pinamili ko dito ng nadaanan ko ang book section dito sa NBS. Pumunta ako sa gilid kung saan andun yung mga mystery book. Paborito ko to eh. Namiss ko mag basa dahil kay kate. Hindi ako makabasa ng maayos kasi kapag kami lang ang ingay niya.

Habang busy ako sa pag babasa ng libro ay di ko napigilang makinig sa nag uusap dito sa likod. At dahil nasa gilid ako ay di nila ako nakikita.

'Insan naman kasi, bat di mo na lang kalabanin si marky? Kaya mo naman siya eh.'

'Kung ikaw kayang pinsan ko bugbugin ko? Gusto mo ha?!'

Teka kilala ko yung boses ng babae ah. Gusto kong sumilip kaya lang baka makita ako.

'Eh kasi naman pareho kayo ng kuya mo nag papatigasan. Bat di nalang ninyo pag isahin ang grupo?'

'Iba ang gang niya sa gang ko. Pinaghirapan ko yun at wala akong tiwala sa mga bagong tauhan ni kuya. Gusto mo bang masira ang gang natin?'

'Pinsan naman kasi. Kesa naman kayo ang mag patayan. Dapat-'

"May gang ka? Gangster ka kate?" di ko na napigilan ang sarili ko at lumabas. Nagulat siya ng nakita ako. Yung kasama naman niya parang naguguluhan.

"Mike? Anong ginagawa mo dito?"

"Kailan pa naging isa pang tanong ang sagot sa tanong? Kasali ka sa gang kate? Bakit di mo sinabi sa akin?" mag sasalita na sana si kate ng biglang humarang yung lalaki.

"Teka sino ka ba? Bakit ka nangingialam dito ha?!" bigla siyang binatukan ni kate at tinulak sa likod niya. "Aray naman insan. Para san yun?"

"Tumahimik ka nga jan!" singhal sakanya ni kate. Nakatayo lang ako sa harap niya at hinihintay ang sagot niya sa tanong ko.

" Look mike I'm sorry for not telling you this. Ayoko lang na madamay ka sa gulo at... " hindi niya matuloy yung sasabihin niya at napayuko na lang siya.

"At ano kate?" ayokong magalit sakanya. Sa totoo lang di naman talaga ako galit sakanya. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya kinilala ng husto bago pumasok sa buhay niya.

Sa loob ng dalawang linggo, nakikita ko ang sincerity niya sa mga ginagawa at sinasabi niya sa akin. Isa pa yun eh. Taliwas sa isip ko na ganun ang mangyayari sa relasyon namin. The way she takes care of me, hindi ko mapigilang maging masaya kasi nakikita kong gusto niya talaga ako at based sa mga kinuwento niya sa akin kung gaano na katagal niya ako gusto, sa kilos pa lang niya malalaman mo na agad na nag sasabi siya ng totoo dahil sa saya ng mga ngiti niya kapag kasama niya ako.

My Sadist LoverWhere stories live. Discover now