1 - My Girlfriend

4.5K 51 1
                                    

'Nandyan na siya'
'Wag kayong maingay baka kayo ang mapagtripan'
'Shhhhh'

"Aray! Ano bayan di man lang tumitingin!"

'oh my gosh! Lagot siya'
'Kawawa naman siya'
'Pupusta ako di yan tatagal dito kapag nalaman niya sino binagga niya'

Lahat sila pare pareho ang pinag uusapan. Tinitingnan ko lang tong lalaki na nakabangga sa akin habang pinupulot ang mga gamit niya na nahulog kanina.

Psh! Di niya ba kilala ang kinakausap niya at kung mag salita siya parang kaya na niya ako. Badtrip tong panget na to oh. Ang aga aga sinisira ang araw ko.

Nang natapos siya sa ginagawa niya ay saka lang siya tumingin sa akin. Mukha naman siyang nagulat at nataranta.

"Ahm - so... sorry hindi ko sinasadya sor-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at kinuha ko ang i.d. niya.

"Ok lang. Mag iingat ka sa susunod" sabi ko saka ako nag lakad palayo.

"swerte niya na warningan lang siya ni louise"
"oo nga eh. Wala ata sa mood mag paka bad ass"

Hanggang maka alis ako ay patuloy pa rin sila sa pag uusap tungkol sa akin. Sa totoo nga niyan araw araw naman may pinag uusapan dito eh. Mga chismosa kasi mga tao dito.

Anyway, bago pa dumaan sa chismis kung sino talaga ako, mag papakilala muna ako sainyo.

Ako si Katelyn Louise Imperial. Tinatawag nila akong louise. Ayoko kasi ng katelyn masyadong pangbabae. Third year. Kilala ako bilang isang bad girl. Nag simula yun nung nakipag bugbugan ako sa dati kong classmate na lalaki kaya lang talo siya kaya wala na siya ngayon dito sa school namin. Simula nun takot na silang lahat sa akin.

Sa totoo lang di naman talaga ako masama eh. Pinapatulan ko lang kapag grabe yung nagawa sa akin o kaya kapag badtrip ako. Kapag warning lang nakuha mo ibig sabihin ayos lang sa akin yung nagawa mo o sadyang wala lang ako sa mood.

Lovelife? Hmm. Siguro meron. Pero crush lang eh.

First year palang ako crush ko na siya. Ewan ko ba kung bakit ako nag kagusto dun. Madalas yun ma bully dahil sa pagiging weird niya. Bestfriend niya nga ata ang libro eh. May makapal rin siya na salamin sa mata. Minsan naiinis ako kapag may nag sasabi sakanya na panget. Kahit gusto ko nang sapakin kung sino man mag sabi nun, pinipigilan ko lang kasi baka makahalata sila. Ayoko naman na malaman nila na crush ko yun. Dami pa naman chismosa dito.

Sobrang lutang ata ako kakaisip sakanya kasi may bigla na naman nakabangga sa akin. Shet pangalawa na to ah. Tiningnan ko kung sinong nakabanggaan ko. Para akong na Stiff nung nakita ko siya. Biglang nag slow mo ang buong paligid at kami na lang yung tao dito sa hallway. Sa lahat nang makaka bangga ko bakit siya pa?

"uhm sorry hindi ko sinsadya" pinulot niya yung mga libro niya at dun lang ako natauhan nung nagsalita siya. Nanginginig akong lumuhod saka ko siya tinulungan. Buti na lang di nag tama ang mga kamay namin katulad sa mga movies.

"Sorry din" ngayon parang siya naman ang nagulat at ang oa ah napaupo pa siya sa sahig habang nakatingin sa akin. Ouch lang. Parang takot na takot siya sa akin.

My Sadist LoverWhere stories live. Discover now