2 - Phone call

385 5 0
                                    

Magulo, mahirap, at madugo.

Yan, yan ang nangyayari sa aking isipan ngayon.

Bakit? Ikaw kayang makipag usap sa mga ka klase mong French? Di kaya sasakit ang ulo mo? Di kaya dudugo ang ilong mo?

So, yun nga. Papunta na kami ni yassi sa university. Ngayon ang araw ng pag enroll namin sa college. Yep! Sa wakas at college na rin.

Matapos ang tatlong taon, nairaos ko na rin sa wakas ang high school dito. Psh. Kainis kasi meron pa silang grade 11 and 12 kaya ayun.

"Hey loui, san tayo after nito?"

napatingin ako kay yassi ng mag snap siya sa harap ko. Nakatingin kasi ako sa labas ng kotse habang may nakapasok sa tenga ko na earphones. Malay ko bang kakausapin ako ng baliw nato.

"Huh?" tumaas naman ang kilay niya at sumandal sa headrest.

"Sabi ko san tayo after nito?"

"Mall na lang tayo."

"Ok."

"Nandito na po tayo ma'am." biglang sabi ng family driver namin.

Lumabas na kami at dumiretso na sa loob.

"Dapat kasi via online na lang tayo nag enroll eh." saad ko habang nakatingin sa maraming estudyante na nag papa kalat kalat sa loob ng campus.

"Ok na yan. Andito na tayo oh."

"Psh."

Nag patuloy na lang kami sa pag lalakad at dumiretso sa registrar office. Well, mag babayad na lang kasi kami ng tuition dahil tapos na kami mag exam online at luckily, naka pasa pa rin kami pareho.

***

Halos mag alburuto na ako sa galit ng bigla na lang may sumingit sa pila namin na apat na lalaki. Ayun na eh, sunod na sana kami kung hindi lang dahil sa mga bugok na to. Ok lang sana kung maikli lang ang pila pero taena, kanina pa kami naka pila sa sandamak mak na estudyanteng naka pila din dito.

"Excuse me?!" sigaw ni yassi sa mga lalaking ito at hinila pa ang kwelyo sa likod ng nasa unahan naming lalaki.

"What the?! Hey! Stop pulling my shirt!" sigaw rin nito at binitawan din agad ni yassi iyon. "What the hell was that for?!" sigaw pa nito kaya hinawakan ko na ang kamay ni yassi at hinila sa likod ko.

"FYI mister whoever you are, Nous tôt!" (kami ang nauna rito!) saad ko sa mahinang tuno ngunit may diin. I'm controlling my temper.

"Je m'en fous. Passez maintenant, parce que nous sommes le suivant." (I don't care. Now move, because we're next.) may halong pang aasar na sabi nito.

"Psh. Buwisit. Akala mo naman kung sino." bulong ko na lang at hinayaan sila. Tss.

"Sabi naman kasi sayo yassi eh! Dapat nag online na lang tayo." bugnot na sabi ko sa aking pinsan na ngayon nga'y naka yuko na.

"Sorry na. Libre na lang kita mamaya."

Smirk

"Sabi mo yan ah?" tatawa tawa kong tanong sakanya. Mukha namang may naalala siya at napa simangot.

"Nako! Hayst. Uubusin mo na naman ang pera ko sa marshmallow mo. Andami na nun sa bahay ah." haha sensya na.

"Basta wala ng bawian ah? Haha."

"Oo na. Psh. Kulang pa ba yung pinapadala ng kuya mo?" napa ngiti na naman ako.

Simula ng pumunta ako dito ay laging nag papadala si kuya ng mga paborito ko kahit na mahal ang mag padala ng mag padala.

"Oo kulang pa yun sa akin. Hahaha."

"Ehem."

Napatingin naman kami ni yassi sa lalaking kaaway ko kanina. Umalis na yung tatlo niyang kasama at siya na lang ang natira habang tinuturo pa ang unahan na animoy kami na ang sunod. Tsk. Napa sobra ata ang kwentuhan namin ni yassi.

Dumiretso na ako sa unahan pero nakita ko pang inirapan ni yassi yung lalaking hambog na iyon.

"Thank you." sabi ni yassi sa cashier lady at umalis na kami dun.

*Bababa babanana. Bababa babana-"*

Napaigtad ako ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko sa likod.

"What?" inis kong sabi kong sino man ang nasa kabilang linya.

"Good morning too."

"Kuya?"

"Hi baby. Kamusta na?"

"Oem kuya! I miss you. Bakit hindi ka pumunta last month? Tapos ngayun ka lang tumawag." may halong pag tatampo sa boses ko.

*pout

"I'm sorry baby. Nag karoon kasi ng problema sa kompanya kaya ayun. Sorry na, babawi na lang si kuya."

"Ganun ba? Bakit ka nga pala napatawag?"

"Ay oo. Buti pinaalala mo. May sasabihin kasi akong importante. Wag kang magagalit kay kuya ah?"

"Ano yun kuya? Parang kinabahan naman ako jan ah?"

Biro ko at tumawa pa kunyare pero napatigil din agad ako dahil sa isinagot niya sa akin.











"Kasi, kailangan mo ng umuwi. Whether you like it or not."

My Sadist LoverWhere stories live. Discover now